GoS 1

708 12 1
                                    

Habang nagsasalita ang guro sa harapan, si Rachel ay nagmamasid sa klase at mukhang wala siya sa sarili- nakatingin sa kawalan at nakapangalumbaba.

Wala nang mas boboring pa sa subject na Values Education. Kapag nga may test, common sense lang ang sagot sa mga tanong eh. Tinuturuan kang maging tao? I'm out of it. Isip niya.

Kung iisa-isahin mong tignan ang klase, napakaraming nagpipigil dumaldal, ang iba'y nakatingin sa guro pero nagiisip ng makamundong bagay, na siyang nagpapalipad sa kanilang isip, ang iba naman ay nagsusulat, kumukopya ba ng notes, ang iba'y dilat pero tulog, at ang iba naman ay wala lang pakialam.

Kung tutuusin, ang section na ito ay tinuturing talagang napakaperpektong section, pero baliktarin mo man ang mundo, estudyante pa rin sila. May mga problema, may angking galing at katalinuhan, at higit sa lahat may pakiramdam.

Makalipas ang limang minutong pakikinig, tumunog na ang bell hudyat ng kanilang uwian.

"Yung mga kagrupo ko sa Filipino ah, 7 am bukas. Ang malate bahala kayo sa buhay niyo." Ani ng Presidente ng 3-R na si Jirah.

"Jirah, baka di ako makapunta. May pupuntahan pa kami eh," pagpapalaam naman ni Angel, ang transferee sa kanilang sekyon, na galing probinsya.

Ang ibang kagrupo niya ay napatungo na lang, ang iba nama'y may sari-saring reklamo. 'Masyadong maaga', 'Baka di ako payagan nila Mama', napakaraming excuses, ngunit wala silang magagawa kundi ang sumunod. Alas otso ng umaga hanggang alas syete ng gabi ang pasok nila, kaya walang duda na maraming magrereklamo.



Nang sumikat ang araw, naghudyat ito ng panibagong araw ng makabagong kaalaman. Sa school nila, maagang nakaraating si Rachel. Dumiretso kaagad siya sa room nila.

Himala! May lock na ang room. Kailan pa may nagvolunteer dito? Hanep! Isip niya.

"Pero asan 'yung susi? Lakas ng loob maglock, late nama-" naputol ang pakikipagusap niya sa sarili nang maapakan ang isang bagay na kailangan niya para makapasok sa loob- ang susi.

May pagkabangag din pala naglock nito. Naglock pa, iiwan din naman ang susi.

Sinubukan niyang buksan ang lock gamit ang naapakan niya, at nagulat siya ng kaunti nang magtugma ito. Saktong dumating si Jirah at iba pa niyang kaklase.

Nang buksan nila ang pinto, tatakbo na sana ang lahat para pumasok at magagawan ng pwesto sa upuan, nang huminto ang nasa bungad na puntuan at nagtakip ng ilong. Sumalubong sa kanila ang nakakadiring amoy, napakalansang amoy. Napuno na ng pagrereklamo at ingay ang paligid.

"Guys, naglinis naman kayo kagabi diba?" Sabi ni Jirah habang nakatakip ng panyo ang ilong.

"Oo naman, Jirah. Ako pa nga last na lumabas sa room kagabi eh!" Sabi naman ni Mark.

Naunang pumasok ang mga may matatapang ang sikmura at sinimulang hanapin kung saan nanggagaling ang napakabahong amoy. Lumapit na rin si Rachel sa loob at sinundan kung saan nanggagaling ang amoy. Dinala nito ang babae sa kanilang teacher's table. Lalong lumalakas ang amoy habang lumalapit siya rito.

Positive, sabi niya sa isip, dito nanggagaling ang amoy. Sa sakong gawa sa telang makapal.

"Guys! Dito ata yung amoy!" Tawag niya sa mga kaklase niya. Pumunta sila sa kinaroroonan ni Rachel. Kinuha nila ang sako nang nakaplastik ang mga kamay.

Pumasok na rin yung iba nilang kaklase nang makumpirma na sa sako nga ito galing.

"Yuck! Ang baho naman niyan!" Sigaw ni Ashley. Isa pa 'tong maarteng 'to, pagkomento sa kanya ng isa niyang kaklase na nagbuhat sa sako.

"Buksan niyo kaya?" Sabi ni Diana, isang babaeng walang ikinakahiya. Isang narcissist.

"Edi mas lalong bumaho? Itapon niyo na, bago pa dumating 'yung teacher." Sabi ni Irish, na halatang nandidiri na rin.

Akmang itatapon na nila ang sako nang pigilin sila ni Arisa.

Lumalabas na naman ang kaweirdohan ng babaeng 'to. Palaging curious. Isip ni Prince.

"Wait, buksan niyo na para malaman natin. Kung ayaw niyong maamoy, takpan niyo ilong niyo. Mamaya mahalagang bagay 'yan," pagpigil niya. Sumunod naman sila at binuksan nila ito.

They were stunned. It seemed like they're frozen. No one dared to move. No one dared to speak.

Marami sa kanila ang nanlalambot ang tuhod, parang mahihimatay, ang iba'y may namumuong luha sa mga mata nila, ang iba naman ay tulala. Parang tumigil ang mundo nila nung mga oras na iyon at lahat ng atensyon nila ay nasa may sako.

Nabasag ang yelo nang magsalita si Jirah, the class president. "A-angel."

Siya ang nasa sako, at duguan. Akmang titili na si Coleen, ang pinakamatanda saming klase ngunit pinakamaliit din, pero tinakpan ni Arisa ang bibig niya.

"Walang lalabas, and when I say walang lalabas, walang makakaalam ng nangyari." Sabi ni Arisa habang nakatingin pa rin sa sako.

"Nababaliw ka na ba?! May bangkay sa harap natin at sinasabi mong manahimik lang kami?!" Sabi ni Irish, na hindi na napigilang isigaw at iiyak ang nararamdaman niya, na akala niya ay makapagaalis ng takot niya.

"Sa tingin mo, sino ang pagbibintangan? Magisip kayo. Iimbestigahan natin ito saka ipapadala sa pamilya niya." Nasunod si Arisa. Maging ang Presidente ay iniisip na bukod sa tapang niya, tama ang sinasabi niya, kaya kailangan siyang pagkatiwalaan.

Inutusan niya si Georvien, photo journalist sa kanilang school paper, na kunan ng litrato ang crime scene, habang tahimik niyang inoobserbahan ang bangkay ni Angel. Napuno ng mga babae ng pagdadalamhati ang kanilang room.

"What do you think, Ryuu?" Tanong ni Arisa, sa sinasabi ng klaseng weird na bestfriend ni Arisa.

"Died because of blood loss. Masyado ding pinilit ang katawan niyang pagkasyahin sa sako without cutting any limb, and here..." walang kaarrte-arteng binuksan, ng nakabalot sa gloves na kamay, ni Ryuu ang bibig ni Angel at may kinuhang papel sa loob. Marami ang nandiri at pinipilit na isikmura ang ginagawa niya.

Ngumiti muna si Ryuu, na siyang naging kilabot sa mga kaklase niya, "and the beautiful paper saying..." she paused for a while sabay tumingin sa mga kaklase niya habang binibigkas ang mga salitang, "LET THE GAME BEGIN."

Nagkatinginan ang lahat, maraming pinipilit na maging matatag kahit natatakot na.

Game? Natatakot ako, at mas pipiliin kong mamatay na lang agad kaysa makipaglaro, isip ni Rachel.

"Go with the flow, walang mantsa ang matatagpuan. We will just clean and dispose everything," sabi ni Ryuu.

"Paano 'yung mga teachers? Anong sasabihin sa kanila? May killer tayong kasama? Isa itong fall ng pangalan 3-R, tama ba?" Sabi ni Prince nang matapos magsalita si Ryuu. Ngumisi si Arisa at napailing.

"Simple, pinatay ni unknown si Angel. Walang mapagbibintangan dito, gustuhin mang malaman at ireport ito, mas lalo siyang magtatago at gagawin ang mga gusto niya sa section natin. And why bother sa kasiraan nito sa section natin? We're not perfect in the first place. Para rin tayong bulaklak na maeexpose sa sikat ng araw na balang araw ay malalanta at mawawalan ng ganda." Sabi ni Ryuu na nangusap sa bawat isa. Tumungo naman sila at nakatulala, isang trauma para sa iilan. Isang babala sa kanilang lahat. Isang laro na, sila mismo ang pinaglalaruan.

Are they kidding me? Ha-ha-ha, walang laro. Lahat ay planado. Fools. Isip ng isang tao sa di kalayuan.

Game of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon