GoS 2

493 14 0
                                    

Kailangan walang mantsa.

Kailangan malinis.

Hindi pwedeng may makaalam.

'Yan ang tinatakbo ng isipan nila. Kailangang magbingi-bingian ng buong klase. Pagkatapos ng nangyari kay Angel, pinanatili nilang tahimik ang buong Class 3-R. Tinakpan ang bibig, sinarado ang tenga. Bawal mabunyag ang lihim. Hindi maaaring madungisan ang pangalan na matagal nang humaharap sa mga ekspektasyon ng mga tao, ng buong paaralan.

Pagkatapos ng nangyari kay Angel, lahat ay natatakot at nalantad ang mga kahinaan ng mg malalakas. Sa ayaw o sa gusto ay kanilang hinintay ang mga susunod na mangyayari, lahat ay nagmamasid, nakikiramdam.

Pagkatapos ng nangyari kay Angel, masasabi na the game has officially started.

Kaya kahit dilat ang kanilang mga mata ay pinipilit nilang isara ang mga mata nila upang makatakas sa sumpang dulot nito. Bakit kasi 3-R pa? Bakit kami pa? Bakit dito pa?

Malamang sa ngayon, nakita na ng pamilya ni Angel ang bangkay. Kanina rin sinabi ng guro na wala na siya. Na matagal na nilang alam. Pero umarteng nagulat ang iba, may mga umiyak pa, good actors for a good lie. Ngunit, sino ang sisisihin ng kanyang pamilya? Mga menor de edad  ang papatay sa pumanaw? Anong excuse ang gagawin ng paaralan para hindi madungisan ang 3-R, ang pangalan nito, ang paaralan? Pera.

Mabigat ang atmosphere sa klase,  pero sinusubukan ng lahat na pagaanin ito, na tila isang bubong na dinadampian ng malakas na ulan at kaunting hangin at bagyo na lang ay mawawasak na ito. Walang nagsasalita tungkol kay Angel at sa larong sinasabi sa papel.

Isang himala, para sa kanila, na walang nangyaring kakaiba nang maguwian. Parang may 'pause' na naganap. Parang may pumigil ngunit hindi malaman kung kailan ito ico-Continue. Maraming natatakot, maraming nahihirapan sa sitwasyon, sa murang edad ay nakararanas ng mga misteryosong bagay na ang hirap tapusin, ang hirap pigilan.

"Natatakot akong lumabas! Nakakatakot baka kasi ma-chorva ako!" ani Alex.

"Ang arte mo! Pano ka makakasurvive kung paglabas mo pa lang pa-bebe ka na," sabi naman ni Mary, kausap niya. 

"Guys! Have faith and pray. Godbless at ingat sa paguwi." sabi ni Jirah, na may halong kaba parin pero pinilit magpakatatag.

"Arisa, may clue ka na ba?" Tanong ni Ryuu. Yes, not all people can talk to this woman. Except her friend. Her best friend.

"Tsk!" that's the only thing she said. Kahit ganyan ang sinagot ni Arisa kay Ryuu, hindi ito nasaktan sa salitang ito, kumbaga 'sanayan' lang yun.

Naiwan sa loob ng kwarto sina Ryuu, Arisa, Irish at Rose, nang matapos sa pagliligpit ang mga kaklase nila.

Susubukan nilang pigilan kahit imposible. Pero paano nila pipigilan ang hindi nila alam? Kahangalan diba?  Paano nila wawakasan kung walang katiyakan ang paglagay ng tuldok? Susubukan nilang pigilan kahit imposible, gagawing posible ang imposible.

7/24   5 AM

Nagsuot ng gloves sina Ryuu at Arisa at doon naisipang pumasok sa back door. Wala pang tao dito kaya ligtas nilang magagawa ang plano. Alam nila na may nangyari, mainly because they are Arisa and Ryuu.

"Positive." sabi ni Arisa. Saglit na nagulat si Ryuu sa nakita.

"Panibagong biktima. Tatlo na ang nabawas but still wala pa ring clue kung sino ang killer," sabi ni Arisa. Napakahirap alamin kung sino ang pumapatay, kung iyong iisipin, masyadong matalino at mabilis ang killer. Sa napakaraming araw, halos tatlong taon nilang pamamalagi sa paaralan, sa dalawang araw, apatnapu't walong oras napakaraming nangyari ang nagpabago sa buhay ng bawat isa.

Game of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon