GoS 5

365 9 1
                                    

Tila nasa depression state sila. Mukhang napansin din yun ng mga guro dahil minsan nito tinanong kung bakit tahimik daw kami, which is not normal for them.

"Angelique, hindi ka sasabay sa akin? Cleaners, maiwan!" Utos ni Diana.

Saka naman sila naglinis.

"Ah hindi, Diana." Sagot niya dito.

Saka umalis. Nalungkot kaunti so Diana. Pero kailangan umuwi sa Angelique.

May tumutunog sa bulsa niya, malamang 'yung phone. Sa tunog, malalamang isang tawag ang hatid nito. Kinuha niya ito mula sa bulsa, at tinignan kung sino ang tumatawag.

Anong problema ng isang 'to? Tsk.

Binibigkas ng isipan niya.

Tatawagan mo ako para ipakitang concerned ka sa akin? The hell with that, mama.

Hindi niya pinansin. Pero paulit ulit ang tunog. Umarte siyang walang naririnig.

Bahala siya.

"Te, kung wala kang balak sagutin yan, akina at nang mabalibag." Puna ni Janneca, kaibigan niya.

Binigay niya dito ang phone niya. Wala naman siyang pakialam kahit ano pang mangyari sa phone niya. Mas maganda nga yun para hindi na siya matawagan ng nanay niya.

"Mama mo pala tumatawag eh, rebelde ka na ba?"

Kung pwede lang.

Kung pwede lang sana, matagal na siyang nagrebelde at umalis sa bahay na 'yun. Pero mas pinili niyang wag na sabihin Kay Janneca.

Hindi ko kailangan ng awa.

---

Malapit na siya sa eskinita mula nang biglang umulan.

Asar. Malas.

Tumakbo siya pauwi at as usual, sinalubong siya ng nanay na alalang-alala sa kanya, needlessly.

"Anak, bakit di mo sinasagot tawag ko. Nagaalala ako-"

"You don't need to."

Ayan na naman siya sa mga non-sensical speeches niya.

Agad siyang umakyat sa kwarto niya pero pagkabukas ng pinto.

Ayun! Ang magaling kong ama. Naguwi na naman ng bagong babae niya. At sa kwarto ko pa napiling gumawa ng milagro. Alam kong napansin nila ako, pero tuloy-tuloy lang sila sa kung anong ginagawa nila.

Nagagalit siya. Nagdidilim ang paningin niya.

"Anak, w-wag ka muna sa kwarto mo." Mahinang bulong ng nanay niya na nakasunod sa likod niya.

Hindi na niya pinigilan ang sarili dahil punong-puno na siya.

Ginawa niya ang isang bagay na hindi alam kung pagsisisihan niya ba o hindi-ang pagsampal sa kanyang ina. She just slapped her mother in front of that father who's doing things with his new mistress.

Napatigil sila sa lahat ng ginagawa nila.

"Ilang beses ka bang magtatakip ng mata mo?! Ha?! Bulag ka ba?! Bakit wala lang sa'yo ang ginagawa niya?!" Sabay turo niya sa lalaking nasa kama niya.

"Pa! Ano ba?! Bakit?! At ikaw! Malandi ka!!"

Punong-puno na ako. Sa mga nangyayari dito sa bahay at sa eskwela. Pagod na ako.

"AYOKO NA! ARAW-ARAW NA LANG. SANA DI NA KO NABUHAY-"

Malakas na sampal galing sa ama at sabunot galing sa ina.

Game of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon