Yvonne POV.
Habang ako'y natutulog ng mahimbing nang biglang.....
"Vonny!!! Gising na mahuhuli tayo sa ating trabaho gusto ko ng pumaslang ng mga demonyo sa mundo!!"heto nanaman itong babaeng ito hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko to..
"ISA pa vonny gumising kana jan kundi paliliguan kita ng wala sa oras!!!!!"walang sasabi sabi agad na akong tumayo at kumuha ng damit at pumasok sa banyo.
"Goooooood"paano ba naman kasi gagawin nya talaga yun kapag hindi pa talaga ako tatayo sa aking kama.
Sya si Tintin ang aking baliw na kaibigan sabik na sabik sa pagpaslang Ng mga demonyo pero kahit ganyan sya ay may mabuting kalooban.
"Oh Tintin ang aga aga nambubulahaw ka!!"sabi ko kalabas ng banyo, sandali lang akong maligo.
"Anong ang aga aga pa kanina pa ako nandito hinihintay kang magising pero kahit limang beses ng tumunog yang alarm mo Hindi ka parin nagigising kahit tinutok ko to sa tenga mo wala pa rin epekto tulog mantika ka talaga tssk.!!"sermon saakin no Tintin
"Pasensya na po prinsesa tintin kung Hindi naman po kayo nag yayang uminom ng alak kagabi ang aga ko pong nagising ngayon!!"
"Tsssk.!!"yan na lamang ang kanyang sinabi teka ano nga bang nangyari kagabi...
(Flashback)....
"Yuuuuhooo!! Nakarami tayo ngayon ng napaslang na halimaw"sabi ni Roger isa sa magaling na hunter sa aming miyembro.
"Oo nga pero sayang yung babaeng ubod Ng ganda ngunit halimaw sayang naman"sabi naman ni Red isa sa mahihilig sa magaganda hahaha joke lang pero malakas itong makipag laban.
"Pero bakit kaya pino protektahan nila yung babaeng demonyong yun?"sabi ni Tintin.
"Dahil siguro maganda yun hahha"sabi naman ulit ni Red kaya nag tawanan kaming lahat.
"Magsaya nalang tayo libre ko pero mag aapat na bote si Yvonne dahil sya ang naka paslang doon sa magandang may pangil na yon." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat na sinabi Ng aming pinuno na apat Na bote ang iinumin kong alak.
"Bilis na Vonny minsan lang to pagbigyan mo na kami please!"habang nag papaawa sa harap ko si Tintin.
"Ayaw ko nga magtutulog nalang ako!!"
"Pleaseeeeeeee!"sabi ng aking mga kasama.
"Tsssk.!! Pero apat lang ha wala Ng lalampas doon!"dahil Hindi ko kaya na hanggang apat ang aking iinumin na alak siguro kahit dalawa't kalahati lang umiikot na buong sistema ko.
"YESSS!!"masayang sabi nila, pero ako kinakabahan............
(Present).....
"Hoy!! Vonny tara na!"hindi na ako pumalag pa at sumama na ako dahil kundi parang maririning ko nanamang manermon, manermon hanggang bukas.
"Tintin ako nalang ang magmamaneho"
"Tumigil ka nga YVONNE SALVATORE baka nakakalimutan mong muntikan mo na akong madala sa heaven!!
"Hindi naman natuloy ehhh tsaka Hindi ka sa heaven sa ilalim ka ng lupa mapupunta che!!!"paano ba naman muntikan na kaming madalihan ng buhay dahil may baliw na lalaking dumaan, buti nalang at natapakan ko kaagad ang break ng kotse, kung Hindi ko nagawa yun ay diretsyo kami ni Tintin sa bangin.
"Pero sino kaya yung lalaking dumaan na yun diba bawal dumaan sa high way kapag walang spot light?!........"tanong na sabi ni Tingin.
YOU ARE READING
DEMON HUNTER
RomancePaano kung magmahal ka sa isa sa mga kalahi nito? Paano kung Hindi mo alam na yung minahal mo ay demonyo at isa pa itong hari ng mga demonyo? Paano kung malaman mong nililinlang ka lamang nito? **************** Ako nga pala si Yvonne Salvatore! Ang...