Chapter 3

49 3 3
                                    

Kinabukasan....

Hanggang ngayon Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, Hindi ako nakatulog Ng maayos dahil baka pag natulog ako ay bangungutin ako.

Lalo akong nagising dahil sa gulat na nag Mula sa aking cellphone tumunog na ang aking alarm!!

"Haysss!!!"sabi ko dahil sa gulat ko
Mas nagulat ako Ng may kumatok sa aking pintuan..

"Vonny!!!"akala ko kung sino na buti nalang alam ko ang boses na nag mula sa aking pintuan boses yun ni Tintin.

"Tintin pasok bukas yan!"

"Hays buti naman ang aga aga mong nagising, anong nakain mo?"nagtatakang tanong saakin Ng aking kaibigan

"Vonny bakit ganyan yung mata mo natulog kaba?!!"tanong nya ulit hindi kasi ako makasagot Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi

"Tintin"mahinang sabi ko pero narining nya to

"Ano bakit ka ganyan namumutla ka?!!"inis na tanong nya saakin

"Tintin may sasabihin ako"

"Ano?"

"Tintin"hindi ko talaga alam kung sasabihin ko ba

"ANO NGA YUN YVONNE KANINA KAPA TAWAG NG TAWAG TAPOS SABI MO NAY SASABIHIN KA!!"inis na to

"Ano kasi,, Tin may tumawag ng pangalan ko kagabi kaya hindi ako nakatulog Ng maayos"

"Jusko Vonny ganon lang pala akala ko panaman na kung anong nangyari sayo o napano naman kung may tumawag sayo tssk...!!"
"Paano kasi Tin yung narinig ko kagabi parang galit na galit saakin hindi ko ma explain pero nakakaramdam talaga ako Ng takot"hindi ko alam tumutulo na pala ang aking mga luha

Bigla akong niyakap ni Tintin

"Yvonne huwag mo nang masyadong isipin yan basta isipin mo nalang na nandito kami tutulugan ka namin kapag may problema ka kung meron man sabihin mo agad tutulugan ka namin hayaan mo na yung tumawag ng iyong pangalan baka guni guni mo lang yon"hindi ko alam pero lalo akong naluha

"Tin maraming salamat dahil lagi kang nasa tabi ko"lalo kung niyakap si Tintin

"Tara na Vonny baka ma late nanaman tayo sa ating trabaho"pagyaya saakin Ng aking kaibigan habang hinihimas ang aking likod

"Sana walang mangyaring masama......"

*******************
(His POV)

"Nahanap nyo naba yung babaeng pinapahanap ko?!"iritado kong tanong

"Hindi pa po mahal na hari"sabi ng aking mga tigahanap

"MGA WALA TALAGA KAYONG KWENTA ILANG ARAW KO NA BANG PINAPA HANAP ITONG BABAENG TO!!!"galit na sabi ko Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko mahanap 'tong babaeng to

"M--ahal na hari bigyan nyo pa po kami ng ilang araw at mahahanap rin po namin ito"

"HUWAG NA!!! MGA WALA KAYONG KWENTA AKO NALANG ANG HAHANAP!!"kasabi ko,ay nag dilim ang aking mga mata at pinatay ko ang mga ito

"YVONNE SAAN KABA MAHAHANAP!!!"........

DEMON HUNTERWhere stories live. Discover now