Tulong!!!! Tulongan nyo po ako!!!!!
(YVONNE POV)
Rinig namin ni Tintin sa babaeng humingi ng tulong may mga humahabol sa kanyang mga demonyo
.
Wala ng sabi sabi nag handa kami ni Tintin kinuha ko ang aking "ikug page" sa loob Ng aking bag nag hihintay na makalapit ng kaunti ang babae para makatakas ito.Nang makalapit ito ay agad akong tumalon sa demonyong papalapit sa babae at hinampas ko ito gamit ang aking "ikug page"at ito'y namimilipit sa sakit na natamo sunod ko naman hinapas ang demonyong muntik sungkaban si Tintin hilina ko ito sa leeg at pinutol ang kanyang ulo at ito'y naging abo.
Naubos ang mga ito at hinahanap namin ni Tintin ang babaeng hinabol kanina at nakita namin syang umiiyak....
"Hindi ko alam kung bakit nila ako hinabol wala naman akong ginawa sa kanila nag lalakad lang ako pauwi saamin!"takot na sabi nito at nag hahabol ito Ng hininga.
"Maaari kanang umuwi ihahatid ka namin sainyo saan ba papunta sainyo?sabi ni Tintin dito
.
.
.
.
Nahatid namin ni Tintin ang babae sakanila pero may ramdam akong iba kanina sa bahay nito parang iba hindi ko malaman.."Yvonne uwi na tayo pagod nako"sabi ni Tintin sakin bagsak na ang kanyang mata
Nang maka uwi kami dumiretsyo ako ng kwarto at pati narin si Tintin, oo nga pala mag kasama kami sa isang bahay.
Nag hilamos muna ako ng aking katawan at mukha pero hindi binasa ang aking buhok at nag suot ako ng T-shirt na manipis at short na maikli para fresh matulog....
"Hayss! Tomorrow is another day"sabi ko saaking sarili at pinikit ko na ang aking mga mata.
(SOMEONE'S POV)
"Nagawa nyo ba ang pinapagawa ko?
"Opo kamahalan"
"Buti naman maaari na kayong umalis"malamig na sabi nito
"Masusunod po kamahalan"
YOU ARE READING
DEMON HUNTER
RomancePaano kung magmahal ka sa isa sa mga kalahi nito? Paano kung Hindi mo alam na yung minahal mo ay demonyo at isa pa itong hari ng mga demonyo? Paano kung malaman mong nililinlang ka lamang nito? **************** Ako nga pala si Yvonne Salvatore! Ang...