Bakit Ba Kasi?!?

58 2 2
                                    

More than 7 billion people ang populasyon dito sa mundo.

Pano mo malalaman kung sino yung para sayo?

How would you be able to find love , if you yourself was blinded by it.

Are you willing to take the risk again, and let someone heal you.

"Bakit ba kasi ako pa ang sinaktan ng ganito?!?" - Kassandra Breena Castro

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Two months have passed since the guy that I thought was the one broke my heart.

Simula noon hindi na ako nakipagkaibigan kahit kanino. Hindi ko sila pinapansin. Babatiin nila ako,ngingitian pero ang tanging sagot ko lang isang tango. I never smiled, not after he left me.

Nawalan ako ng ganang mabuhay. Kahit anong pilit ko na mawala sa mundong ito, hindi natutuloy kasi lagi na lang na may pumipigil.

Nasa rooftop ako ngayon. Lagi akong nandito. Bihira ang tao dito. Tahimik. Kaya gusto ko dito.Tumayo ako at pumunta sa edge ng rooftop. Damang dama ko ang hangin.Ang sarap ng feeling. I spread my arms as if I was flying.

"Hoy Kassy! Bakit nanjan ka na naman!! Magpapakamatay ka na naman ba?!?" Ayan na naman sya.

Hindi ko na lang sya pinansin. I continue what I was doing. It just feels so right.

"Sabi't anong ginagawa mo jan huy!" He's always this annoying and loud. Lagi na lang syang nanjan pag gusto kong mapag-isa.

Bumaba na ako at nagsimulang maglakad. Hindi ko man lang sya pinansin.

"Hoy Kassy! Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?!?"

"Kassy!" "Kassy!" "Hoy!" "Kassy naman!" Hanggang sa pagbaba namin sa rooftop wala syang tigil na kaka-"kassy".

Araw araw ganyan sya. Siya lang ang nagtitiyaga na kausapin ako kahit alam nyang never ko naman siyang sasagutin.

"Kassy isa!" Tinignan ko sya kasi base sa boses nya parang galit na sya. Pero bahala sya. Kahit na mapanis ang laway ko wala akong kinakausap kahit na sino. Kahit kailangan hindi iyon magbabago.

"Bakit ba kasi ayaw mo makipag-usap?Simula nung dumating ako dito. Gusto ko lang namang makipag kaibigan ah! Hoy! Pano ko malalaman kung bakit ka ganyan eh wala namang may alam ng kwento mo? Kahit nga yung pinaka chismosa dito sa school eh walang kaalam alam. Talagang ganun ka?Kahit isa walang kinakausap?"

Oo simula nung nagsimula ang college days, wala akong kinausap kahit sino man sa kanila. Mahirap nung una pero nakasanayan na din naman eh. Ayaw ko na ulit makipagkaibigan sa kahit sino kasi natatakot akong mangyari ulit 'yon. Masasaktan na naman ako. Pagod na pagod na ako.

"Aish bahala ka. Nakakapagod din kaya. Hindi lahat ng tao kayang maghintay. Lalo na at wala namang palang hihintayin. Ayoko sa lahat yung taong takot na harapin ang bukas. Kasi laging nakatingin sa nakaraan. Walang mali doon kasi kaya tayo nasa kasalukuyan ay kung anong desisyon ang nagawa natin sa ating nakaraan. It's good that you look back where you came from, but you'll never be able to move on if your feet is facing the past not the present. Take a risk a turn around to the present and look ahead for the future."

Pagkasabi nya ng mahaba habang speech na lagi naman nyang sinasabi sa akin ay umalis na sya. Pero gaya nga ng sabi ko makulit sya at babalik uli sya mamaya o bukas katulad ng lagi nyang ginagawa.

Nakalipas na ang ilang araw at walang nangungulit sakin. Hay ang saya. Tahimik ang buhay ko. Pero bakit parang may kulang? May nakalimutan ba akong gawin? Ang alam ko wala eh.

Isang linggo na syang hindi pumapasok. Sabi ng mga chismosa may sakit daw. Hala bahala sya. Pero aish bakit naman kasi hindi nya inaalagan ang sarili nya.Wala akong pakialam. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam.

Ngayon bumalik na sya sa school hindi na nya ako pinapansin. More of kinukulit. Aish. Bakit ko ba iniisip yun. Diba eto naman ang gusto ko? Diba gusto ko iwasan nya ako?

Isang buwan. Isang buwan nya akong hindi na kinukulit. I admit I miss that. I miss him. Bakit ba kasi masyado nya akong sinanay sa mga trip nya eh. Sya lang ang pursigido na pangitiin ako kahit di ako ngumingiti at pursigidong maging kaibigan ko kahit sinusungitan ko sya.

Hindi ko na matiis na hindi nya ako kinukulit. Nasa classroom ako ngayon. Sobrang tahimik. Nakita ko syang nasa may pinto papasok ng classroom. Nagkatinginan kami. Nakita ko ang mga mata nyang pagod na pagod pero walang emosyon akong nakikita sa kanya. Umiwas na lang sya at pumunta sa upuan nya. Hindi nya ako nginitian tulad ng dati. Huh patawa ka ba Kassy!Diba yun ang gusto mo?

Sa buong klase hindi ko mapigilan. Tinignan ko lang sya buong araw. Hindi ako sanay na hindi sya maingay. Bakit ba kasi eh!?

Naglalakad ako ngayon magisa kasi wala na sya na makulit at kahit paguwi ko kinukulit ako kaya nagkaroon ako ng kasabay pag uwi.

Walang gana akong tumawid sa gitna ng kalsada. Iniisip ko kung anong gagawin ko pero narinig ko na lang na tinawag nya ako.

"Kassy!" at ang huli kong nakita ang mukha ng nakangiti na may dugo sa ulo at ako ay nasa tabi ng kalsada.

Niligtas nya ako. Ulit. Bakit ba kasi lagi mo akong nililigtas!

"Damiel bakit ba kasi?!? ngayon na mahal na kita?!?Bakit ba kasi niligtas mo pa ako?!? "

Wag mo akong iiwan Damiel Bryon Castillo.

-------------------------<><><><>------------------

Imagine nyo kung sino gusto nyo gumanap sa characters hehe dalawa lang naman eh so yeaa kayo bahala kung sino gusto nyo gumanap.

reactions?

thanks for reading{{=

-~-CK

One-Shots/Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon