Breanna
Dahil curious Ang Lola niyo sumunod ako sa pagpunta sa Sinabi Ni chuchu ewan. Grabe Ang tagal naman ng elevator na Ito. Napatingin ako sa relo Ko kahit wala naman akong relo. Ganon Sila diba? Kapag may naghihintay, tumitingin Sila sa orasan. Gaya-gaya Ang lola niyo eh
Bumukas Ang elevator at lumabas muna Ang isang doctor at dalawang nurse na may kasamang patiente. Iiscan daw sya. Pumasok ako sa elevator at hinintay ko Lang na Bumukas ulit.
Lumabas ako sa elevator at binuksan Ang pintuan at nasa rooftop na ako. Napatingin ako sa paligid at may nakita akong lalake na nakaupo. Sino kaya yun?
Lumapit ako sa kanya at nakilala ko na sya. Bakit kaya ako tinawagan Ni Agustín? Nararamdaman niya na nandito na ako at sumenyas sya na umupo ako sa tabi niya at sumunod naman ako. Mukhang may problema ha?
"Nakakatawa Lang at sa dinadami Dami tao na kilala ko ikaw pa Ang tinawag ko" mahina niyang sabi pero saktong rinig ko
"Alam mo naman na kahit gusto Kong itapon ka mula sa rooftop na Ito eh kung May problema ka pwede mo naman sabihin diba? Ngayon Lang Ito kaya sulihin na" mahina syang tumawa at napailing-iling
"See that?" Turo niya sa lobo na lumilipad at tumango ako "kung sinuman Ang may ari ng lobo na iyan. Iisipin niya na babalik yun, na makikita niya pa rin pero hindi...imposible mangyare yun" sabi niya habang nakatingin sa langit
"Naks humuhugot si Kuya" natatawang sabi ko pero seryoso pa rin sya
"Nawawalan ako ng kapatid" bigla bigla niyang sabi at napanganga ako sa Sinabi niya "Akala namin patay na sya pero hindi pala. Gusto namin syang makilala pero ayaw ipamigay ng magulang na in alagaan sya" seryoso niyang sabi at lumingon sya sa akin. May halong lungkot at galit sa kanyang mga Mata
"Ohhh" hindi ko Alam Ang sasabihin ko. Wala naman kase akong kapatid kaya hindi ko Alam kung ano Ang nararamdaman niya
"Hays gusto ko syang makita Summer" bigla ako nailang nun tinawagan ako ng Summer
"Wag mo akong tawagin Summer" bulong ko sa kanya
"Yeah right Bread" napangiti na Lang ako
"May kabaitan ka pala sa katawan mo" napangisi sya
"Always!" Binatukan ko sya "oh para san naman yun?" Takang tanong niya habang minamasahe niya Ang kanyang ulo
"Wala Lang Ang sarap mong batukan ei" nagkibit-balikat ako habang Ang lawak ng ngiti ko
"Wag Ka ngang ngumiti baka makalagnat ako" huh?
"Paano Ka maglagnat?"
"Alangan sa dinadami Daming beses ako magsusuka dahil sa ngiti mo e ewan Ko lang" napasimangot ako habang hinahampas-hampas Ko pa sya
"Ewan ko nga sayo Agustín" tumayo ako at tumayo na din sya. Sinunod ng mga Mata ko Ang ginagawa niya, lumapit sya Sa dulo ng rooftop at umupo dun, konting galaw niya mahuhulog na sya "uy bumaba Ka nga dyan!" .
"Naks concern" sabi niya sabay lingon
Napatakpan ako ng bibig Ko dahil tumalon sya. Tumakbo ako palapit sa pintuan at bumaba gamit Ang hagdan. Nakarating ako sa Baba at nakita Ko sya na nakangisi sa akin
BINABASA MO ANG
The Mysterious Heir
Roman pour AdolescentsMabait si Mr Johnson, kakabalik Lang niya mula sa Manhattan at titira sya sa bahay ng mama niya. Papasok sya sa public school, new experience for him, at makikilala niya Ang kaisaisang babae na kukulitin niya, aasarin niya at iba pa Baliw si Ms Radc...
