Chapter 17

2 0 0
                                        

Gabriel/ Agustín 

To be honest gusto ko sya. Gustong gusto ko sya. Well for now crush lang ata pero nararamdaman ko Naman. Nakakahiya. Nakakabading. Pero wala ako magagawa eh sa gusto ko sya eh? Yun nga lang halata Naman na hindi niya ako gusto diba?

Nilalayuan ko sya kase nga gusto ko sya. Nasa panganib na Ang buhay niya kapag kaibigan ko lang sya, e Kung sakaling magiging kami? Syempre gusto ko syang ligawan pero hindi ako marunong manligaw. Nakakahiya nga eh

Pero kahit gusto Kong lumayo sa kanya parang may pumipigil sa akin. Hindi ko Alam Kung ano parang may multo na tinutulak ako para lumapit sa kanya para iparamdam sa kanya na gusto ko sya. Kung tatanungin niyo Kung sino man Ang nagbigay ng French fries syempre ako Yun. Hindi ko nga Alam Kung bakit ko ginawa eh napaisip ko lang na bigyan sya

Akala ko magagalit sya nun nalaman ako Ang nagbigay ng aso at kama at poster pero Hindi pala, medyo naiinis lang sya pero hindi niya Naman ako sinigawan or Kung ano man

Sabi nila Kung gwapo/maganda ka panget Naman yung boyfriend or girlfriend mo. Gwapo Naman ako...maganda Naman sya Edi hindi tayo bagay? Or sa amin dalawa sya Ang panget? Oo ganon nga talino mo talaga Agustín bilib na bilib ako sayo

Ang shunga mo talaga kahit kailan

Ang ginagawa ko lang ngayon ay panoodin si Wendell at Breanna habang naguusap, Nagtawanan, naglalaro. Gusto ko talaga na ako Yun kinakausap sa kanya, tumawa na kasama sya, nagbibiro kahit corny pero wala eh nandito lang ako at pinapanood lang Sila.

Gusto ko man patayin ngayon si Wendell wala Naman ako magawa kaya mamaya ko na lang papatayin

Tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko yung sa bulsa at binuksan. Napangiti ako sa wallpaper ng lock screen ko. Kaming dalawa ni Breanna. Nagpicture Kami nun araw na hinalikan ko sya kaya pinalitan ko. Kinikilig ako at aminado ako dun

From: Mom

Kinausap mo na ba si Breanna? Nagsorry ka na ba?

To: Mom

Not yet :(

Mom: hala? Woi ikaw Bata ka magsorry ka lagot ka sa akin mamaya

Me: mom Naman

Mom: magsorry ka!

Me: opo

Napailing lang ako at napaisip Kung magsorry ba ako o hindi. Ayaw ko Naman magsinungaling Kay Mom pero Ayaw ko din lapitan si Breanna

Ayaw daw eh atat na atat ka nga eh kanina pa

Napakamot ako sa batok at lumapit Kay Breanna. Halatang nagulat sya. Cute

"Can I talk to you?" Tanong ko sa kanya at tumango sya sa akin at tumayo sya tsaka naglakad palabas ng canteen at sumunod na lang ako sa kanya

"Ano Yun?" Nagcross arms pa sya sa akin

"Gusto ko lang magsorry sa sinabi ko sayo kahapon" medyo inangat niya Ang baba niya and she licked her lips

"So friends na tayo ulit? Hindi ka makatiis noh?" Natatawang sabi niya. Oo gustong gusto ko talaga na maging kaibigan Tayo para lapitan at iparamdam sayo na gusto kita kahit papaano

"No" sagot ko at tatalikod na sana nun nagsalita sya

"Bakit? Ano ba Ang problema ha? Okay Naman tayo diba?" Hindi eh hindi tayo okay eh wag mo Naman ako pahirapan Brea gusto na Kitang halikan oh

The Mysterious HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon