Chapter 7

10 0 0
                                    

Gabriel

Unti unti Ko minumulat Ang mga Mata Ko. Napatingin ako sa paligid at halos mapatalon ako sa gulat nun nasa hospital pala ako. Ano Ang ginagawa ko dito? Hays Ang sakit ng ulo ko pati ng private part ko. Ay oo nga pala sinipa ako Ni Tinapay kaya siguro ako dinala sa hospital

Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Mom na nakikipagusap sa doctor. Nun napansin nila na gising na ako lumapit na silang dalawa sa akin

"Okay ka lang ba anak?" Tumango ako kahit hindi naman totoo. Baka magaalaala pa sya Kung sasabihin ko na Ang sakit sakit na

"Mabuti naman" masaya niyang sabi at matipid akong ngumiti "sabi nga pala ng doctor na pwede ka daw umuwi" tumango ako "nga pala anak nalaman ko Kung ano Ang ginawa mo" napaiwas ako ng tingin

"Mom laro Lang Yun wala yun" paliwanag ko sa kanya at napamewang sya

"Agustín" seryoso niyang tawag sa akin. Agustín Ang dapat Kong name kaso sabi ni Dad, Gabriel Dylan na lang tapos pamilya na lang Ang itatawag sa akin ng Agustín "mali yung ginawa mo. Pinahiya mo sya sa buong school, hindi ka naman ganyan diba? Kung gusto mo ipahiya Ang isang tao dapat sayo lang hindi sa harap ng madami tao" napaiwas ako ng tingin. Alam ko mali yung ginawa ko. Maling mali. Pero ano nga ba Ang magagawa ko? Tapos na nangyare na

"Sabihin mo nga sa akin anak" napalingon ako sa kanya "ano Ang dahilan?"

"Wala po Mom" sabi ko sa kanya at tumayo "Tara na Mom gusto ko ng umuwi" nauna na ako sa kanya.

***

Paguwi ko sa bahay pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko sa loob ng wardrobe. Binuksan ko yun Kung nandun Ang lahat. Nagpaalam ako Kay Mom na lalabas muna ako.

Kinuha ko Ang motor ko at pinaandar yun papuntang sa isang building. Building ng kompanya ni Dad, kahit nasa America sya kaya niyang kontrolin ang kompanya namin.

Pumasok ako sa elevator at pumunta sa underground floor. Bumukas Ang Pinto at lumabas ako. May nakita akong tatlo pinto, dumeretso ako sa pangatlo at nilagyan ng password para Bumukas Ang pintuan.

Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. Nilagay ko sa gilid Ang bag ko. Kinuha Ko Ang isang bow at arrow at tinutok sa may target. Binitawan Ko Ang arrow.

Meron 2 points, 3 points, 5 points, 7 points, 9 points, and 10 points. Yung arrow ay pumunta sa 10 points. Nice

Ginawa Ko Yung ng paulit-ulit. Practice Lang. Natuto ako Dahil sa pamilya Ko. Apat Sila magkapatid nila Dad. Dahil Kay Tito Gaston, yung panganay, ay natuto ako magarchery. Dahil Kay Dad (Rafael)  natuto ako gumamit ng nunchaku at long stick at Kung paano bumaril. Kay Tito Joaquin natuto ako nagmartial arts kahit ano basta panglaban. At Kay Tito Matias natuto ako ihagis ang mga kutsilyo at Kung paano gamitin panglaban, pero katana lang lagi ang ginagamit ko.

Pagkatapos mag training sa archery. Kinuha ko ang nunchaku ko sa bag. At kinuha ang long stick sa may gilid. Nagtraining muna ako sa long stick Tas sa nunchaku. Sabi ni Dad lagi ako magdadala ng nunchaku in case of emergency.

Pagkatapos ay pumunta ako sa kabila Kung saan ako pwede magtraining Sa martial arts. Hinubad ko ang damit ko, ang init kase tsaka mapapawisan naman ako. Actually hindi ko Alam Kung ano ba ang natuto ako. Mixed kase. May taekwondo, may karate, may aikido at iba pa. Minsan ginagamit ko ang natutunan ko kapag may nagbully sa mga kaibigan ko or kapag may nakita akong away lalong lalo na sa bar.

Pumunta ako sa kabila pa at dun ako pwede magtraining sa pagbaril. Sinuot ko ang hunting eyewear at tinutok sa may target at binaril. Perfect. Nagtraining pa ako hanggang sa magsawa ako.

The Mysterious HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon