Kurt's POV
Nakalimutan kong mag alarm kagabi, kaya ayan late tuloy akong pumasok ngayon. Naglalakad na ako sa hallway habang nagtetext kay Jay para sabihin na malelate ako nang..........
*BOOOGSH
May nabangga akong isang babae
"Aray! Tumingin ka naman kasi sa dinadaan mo ng di ka nakakabangga!" sigaw sakin nung babaeng nabangga ko habang pinupulot ko yung cellphone kong nahulog
"Wow! Hiya naman ako sayo kasi nakatingin ka sa da.....- Sam???" laking gulat ko ng malaman kong si Sam pala ang nabangga ko
"Stop calling me on my nickname! I don't even know you, Mister" Ay! Oo nga pala, di niya ko kilala.
"Fine! Magpapakilala ako. I'm Kurt Dustin Stephen de Guzman ^_~" Chickboy alert! Hahaha
"Like I care!" sabay taas ng kilay.
Sabi ko na nga ba, mataray 'to eh.
"Pasalamat ka nga nagpakilala ako sayo eh. Ang daming babaeng gusto akong makikala tapos ikaw iisnobin mo lang ang kagwapuhan ko." pagmamayabang ko sakanya. Totoo naman di ba? Hahaha
"HAHAHA! You're funny! Stop dreaming dude! Wake up! (sabay snap ng mga daliri niya sa tapat ng mukha ko) Saka kung madaming babae ang gusto kang makikilala, eh di sakanila ka magpakilala." she rolled her eyes then she walked out.
Taray naman ng babaeng yun! Sayang ang ganda pa naman sana.
Sam's POV
Late na nga ako tapos bubwisitin pa ko nung lalaking nakabangga ko kanina. Fine, I admit na cute siya pero ang hangin niya sa katawan.
May sakit ngayon si Zac, tapos si Mica naman sinundo si Tita Linda (mom ni Mica) sa airport kaya ako lang ang pumasok samin tatlo.
-Cafeteria-
Grabe, ang daming tao ngayon as cafeteria. Halos wala ng vacant table.
Ayun! Buti na lang meron pang isa. Umupo na ko sa 2 seaters table na nakita ko at kinuha ang pagkain ko sa bag ko nang.......
"Excuse me, pwede bang makishare sa table?" tanong sakin ng isang cute na lalaki. Mukha siyang Korean. Maputi, matangkad at singkit. At mukha naman siyang mabait di tulad nung lalaking nakabangga ko kanina.
Crush ko siya sa physical appearance lang kasi di ko pa naman siya kilala. Naks! Ansave??? HAHAHA! Oh! Crush lang ha, wag kayong OA. ^_^
Takot kasi akong mainlove. Kasi yung mga friends kong nagkaboyfriend na, sabi nila iniwan at sinaktan lang daw sila sa huli. Kaya ayan, takot tuloy ako.
"Yeah, sure!" Sagot ko kay crush. HAHAHA! Crush na talaga ang tawag?! PBB teens!
Tapos umupo na siya.
"Gusto mo?" tapos inabot niya yung burger na hawak niya.
"No, thanks" bait naman ni crush, kahit di ako kilala gusto akong bigyan ng pagkain niya.
"Sam, right?!" OMG! Alam ni crush ang name ko. How come?
"Yeah! Pano mo naman nalaman?"curious na tanong ko sakanya.
"Classmates kasi tayo sa first block. Remember late kayo kahapon tapos nagpakilala kayong tatlo nung pinsan and kakambal mo. So yun." Hala! Classmates pala kami ni crush, di ko man lang alam.
"Sorry, di ko man lang alam na magkaklase pala tayo. Bakit parang di kita napapansin sa class?" tanong ko sakanya.
"Kasi nasa pinaka likod ako nakaupo at ikaw naman nasa pinaka harap. Tapos lagi akong dumadaan dun sa back door ng classroom natin kaya siguo di mo ko napapansin." Sagot niya naman sakin.