Kurt's POV
SI JAY???????????
Si Jay ba talaga ang kasayaw ni Ms. Taray ?????????
Ayos si Jay ah.... pano niya kaya napormahan tong si Ms Taray?
Mayamaya pa ay natapos na ang tugtog. Lumapit na si Jay sakin at si Ms Taray naman naupo kasama si Mica at yung kambal niya.
Nakita ko yung ibang lalaki na inaalok si Ms Taray na makipagsayaw sakanila pero tinanggihan niya ang mga ito.
Bakit kay Jay lang siya pumayag na makipagsayaw?
Baka naman may gusto siya kay Jay........ o baka napapangitan lang siya dun sa mga lalaking gustong makipagsayaw sakanya.. Sabagay, mukha naman talagang mga unggoy yun eh.
Eh ako kaya? Masubukan nga. Habang kinukulit kami ni Jay ng mga babae na makipagsayaw sakanila. Nagpaalam ako na may pupuntahan ako saglit. Lumapit ako sakanya at......
"Hi Sam! Can I have this dance with you?" inabot ko ang kamay ko sakanya.
Nagsmile siya sakin. Sabi ko na nga ba papayag 'to kapag ako, napangitan lang talaga siya dun sa lalaki kanina.
"NO" Wait..... What???? Pati sakin ayaw niyang makipagsayaw???? Problema nito? Ang dami ngang babaeng kanina pa ko kinukulit para makipagsayaw sakanila tapos tatanggihan niya lang ang alok ko??
"Sus! Pakipot ka pa." gusto niya siguro pinipilit pa.
"Excuse me? Ako? Pakipot? I'm not! Sorry pero di kasi ako nakikipagsayaw sa mga mayayabang eh." Aba! Ayan, inaatake na naman siya ng katarayan niya.
"Sabihin mo di ka marunong magslow dance. Natatakot kang baka matapakan mo paa ko!" Asar ko sakanya
"What do you think of me? Di marunong sumayaw? Para sabihin ko sayo, hindi lang ako marunong sumayaw, kundi MAGALING AKONG SUMAYAW!" Sino kayang mayabang samin?
"Then prove it!" Hamon ko sakanya.
At yun, nakipagsayaw siya sakin. "I'll be" by Edwin McCain yung tugtog nung sumayaw kami.
(a/n: here's the link : http://www.youtube.com/watch?v=CMiVeK5zGz8&feature=youtube_gdata_player)
Pagkatapos naming magsayaw.........
"See? I told you, magaling akong sumayaw!" haha! Kala mo ah.
"That wasn't enough to prove that you're good.................
Hinahamon kita sa isang breakdance battle!"
Sam's POV
"WHAT???????" is he freaking serious???? Breakdance battle?????? Kaming dalawa??????
"Don't worry, Hindi pa naman ngayon, sa breakdance competition pa this coming friday. By pair ang laban dun di ba? Si Jay ang kapartner ko and wala pang kapartner ang kakambal mo so kung magaling ka talaga, ikaw ang maging partner ni Zac!"
Alam kong matagal na panahon na ng nainjured ako dahil sa pag bibreakdance pero sabi sakin ng doctor ko, kailangan ko pa din ingatan tong kamay ko. Nakakahiya namang sabihin sakanya kung yun lang ang dahilan.
Pag pumayag ako, ako lang ang babaeng sasali at may posibilidad na mainjured ulit tong kamay ko........
pero pag di naman ako pumayag, baka tawagin niya lang akong duwag saka puro salita lang.
"Are you serious about this?" Paninigurado ko
"Yes...... Bakit natatakot ka na?" Fine, natatakot ako pero hindi dahil sa baka matalo niya ko kung di dahil baka ano na namang mangyare sa kamay ko.
"I don't even have to practice para matalo ka. Saka tapos na kaya ang registra..-" di niya na ko pinatapos magsalita.
"Ako na bahala sa registration mo. Kahit late ok lang. So ano, deal?"
Bahala na. "Ok fine, deal."
"Pagnanalo ka, aaminin kong MAGALING kang dancer at MAS MAGALING ka kesa sakin. Pero pag ako nanalo......."
"Pag ikaw nanalo ano?" tanong ko sakanya.
"Magde-date tayo! ^_^"
O_O???? Seryoso ba siya???????
"WHAT?????" Date???? No freaking way!!!!
"Oh, eh takot ka na yata eh." - sabi ni Mr Yabang.
"I'm not! Pero teka, pag ikaw ang nanalo Magde-date tayo, pero pag ako ang nanalo aaminin mo lang na mas magaling ako sayo? Yun lang? Unfair naman yata!" reklamo ko sakanya.
"Sige, pag ikaw nanalo....... mmm.... magiging PA mo ko for 1 month." dagdag niya
"Oh sige! Payag ako. Kaya ngayon palang magbanat banat ka na ng mga buto mo" pagyayabang ko. Tingnan natin!
KINABUKASAN
Sam's POV
Sana naman maging masayang araw to kasi sinira na ni Mr Hangin ang araw ko kahapon. Pumasok na kaming tatlo ni Mica at ni Zac sa room. Daldalan kami ni Mica pagkaupo namin tapos si Zac naman sound trip mag isa. Hanggang kasi ngayon wala pa kaming masyadong kasundo sa mga classmates namin.
Maya maya dumating na si prof.
"Ok, since medyo di nyo pa kasundo ang isat isa maliban sa mga katabi niyo, may bagong sitting arrangement tayo ngayon." panimula ni prof
"Ano ba yan kainis naman!"
"Ano tayo elementary para bigyan ng sitting arrangement ?"
"OMG! I hate sitting with people na di ko kilala"
Bulungbulungan ng mga kaklase namin.
Ako din naman eh.. Ayoko ng may sitting arrangement na yan. Gusto ko si Mica at si Zac lang ang katabi ko.
Pero gusto ko din namang maging close yung ibang classmates namin.
"Dito sa bucket...." sabay turo ng prof sa medium size bucket "ay may mga papel na may nakasulat ng numbers. Kukuha kayo isa isa at yan ang magiging arrangement niyo"
At yun nga bumunot na kami.
#5 nakuha ni Mica tapos #6 naman si Zac. Buti pa sila magkatabi.
#23 naman nakuha ko. Ang layo ko sakanila. -_-
"#23?" tawag ni prof
"Ako po." Sagot ko
"Dyan ka maupo."sabay turo niya nung upuan sa may bandang likod. Tapos naupo na ko.
"#24?" tawag niya ulit
"Ako po!"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sino kaya ang katabi ni Sam?
Abangan !
Palike po sa facebook nung fan page ng "My Bestfriend's Girl".
Ito po yung link : http://m.facebook.com/?refsrc=http%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2F&_rdr#!/MyBestfriendsGirl?__user=100000177131331
Thank you ang Love you all ! <3
-Harianne A.