Hi guys! Sana gusto niyo yung story so far :))
-Harianne A.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Induction Ball
Sam's POV
Ok kinakabahan na ko! Kakanta na kasi ako mamaya. Run to you by Whitney Houston ang kakantahin ko.
Nauna na ko kina Zac at Mica kasi gusto ni Ms. Valdez na andun na daw ang mga magpeperform bago magsimula ang program. Kaya eto, nagpahatid na ko kay Mang Andoy, yung driver namin.
"Oh hija, wag kang kabahan. Kaya mo yan!" sabi sakin ni Mang Andoy.
"Salamat po Mang Andoy! Medyo matagal na din po kasi akong di kumakanta sa harap ng madaming tao kaya kinakabahan po ako." Sagot ko sakanya
"Magaling na ka naman eh. Basta magtiwala ka lang sa sarili mo. Oh sige, ingat ka ha. Tawagan mo na lang ako kapag magpapasundo ka na." Bilin niya sakin.
"Sige po. Ingat din po kayo. Salamat po ulit."
Nandito na ko sa school. Ang lakas ng music. Konti palang ang tao. Medyo maaga pa naman kasi eh. Dumiretso na ako sa office ni Ms. Valdez.
"Oh Ms. Salazar, nandito ka na pala." sabi ni Ms. Valdez.
"Opo. Good evening po Ms. Valdez!" bati ko sakanya
"Good evening din. Gusto mo ba munang mag practice?" tanong niya
"Sige po. Medyo kinakabahan din po kasi ako eh"
"Nako. Kayang kaya mo yan. Ikaw pa!" Hay Salamat! Medyo lumakas ang loob ko sa sinabi ni Ms. Valdez.
"Thank you po Ms. Valdez" pagpapasalamat ko sakanya.
"Oh sige, magpractice ka na dyan. May aasikasuhin lang ako sa labas" tapos lumabas na siya
Nagpractice na ko pagkalabas na pagkalabas niya.
Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ko ni Ms. Valdez para mag ready na. Nandoon na din ang ibang magpeperform kasama ko sa backstage. Magsisimula na daw eh.
Madami na palang mga tao. Lalo tuloy akong kinabahan.
Maya-maya, nagstart na ang program.
"Good evening, ladies and gentlemen. This evening is Brentwood International School's Induction Ball. Blah blah blah ............" panimula ng emcee
Mahigit 2 oras ang makalipas.........
"Ms. Salazar magready ka na. Ikaw na ang sunod." sabi ni Ms. Salazar sakin.
OMG! Nanunuyo na yata ang lalamunan ko. Lord, help me po!
"And now, Pls give a round of a plause for Ms. Samantha Salazar!" - emcee
"WOOOOOOOO" sigaw ng mga audience
*clap clap clap*
Kurt's POV
Nandito na ko sa school para umattend ng Induction Ball. Ayoko nga sana eh kaso pinilit ako ni Jay.
From: Jay
Bro nsan ka? Kanina pa nagsimula ang program. Nandito nga pala ako sa office ni Mr. Gomez. Hintayin mo na lang ako sa labas ng faculty building.
Ano naman kayang ginagawa niya sa office ni Mr. Gomez?
Papunta na ko sa faculty room ng may narinig akong pamilyar na boses ng babaeng kumakanta.
I know that when you look at me