MUSIC ♪ 8

54 2 0
                                    

-SPENCER'S POV

MUSIX PRACTICE ROOM

"Hey, is it true? nakauwi na si Sherley?", tanong sakin ni Jerome na ikinalungkot naman ni Runyle. 

"Not now Jerome", Sabi ko sa kanya at nagsorry naman siya. May past kasi sina Sherley at Runyle. 'di ko lang alam kung ano talagang exactly ang nangyari sakanila. Kahit pinsan ko pa si Sherley, you heard me, She's my cousin but still, I don't know what exactly happened. All I know is this....

FLASHBACK

First Anniversary ngayon nila 'Runley' Sherley at Runyle yan. Pinagsama pa nila pangalan nila, ang sweet talga ng dalawang yun kahit may pagkabaduy lang.haha

"Oh? ano na? asan na si Sherley?", tanong namin ni Aiden kay Runyle. May surprise kasi kami sa kanya, well, si Runyle lang pala. Gusto niya daw kasing maging special ang Anniversary nila ng pinsan kong si Sherley, haha. 

"'di ko pa nga din alam eh, 'di pa niya sinasagot yung tawag ko hanggang ngayon. nagaayos pa siguro yun", sagot niya samin.

"Oy,Runyle, huwag nahuwag mong lolokohin yung pinsan ko ha, mahal na mahal ko yun", binalalaan ko lang siya, alam ko namang matino 'tong si Runyle, at alam kong mahal na mahal naman niya ang pinsan ko, gusto lang siyang takutin, haha.

"Syempre naman no, mahal na mahal ko ata si Sherley, She's the only girl I love, I loved, And I will love, wala ng iba", ang baduy pero ang sweet ng mokong na 'to, haha. 

*bzzt bzzt bzzt*

May tumawag kay Runyle.

"Wait lang ha", sinagot niya yung tawag tas lumayo samin, hindi tuloy namin marinig kung anong pinaguusapan nila ng kausapniya sa cellphone.

Maya maya, bumalik na si Runyle samin, pero bakit ang lungkot ng itsura niya?

"uy, ayos ka lang?",tanong namin ni Aiden, pero yumuko lang si Runyle.

"She's gone', What?

"Sherley's gone", Ano wala na si Sherley?

"What do you mean gone?"Tanong ni Aiden na naguguluhan na.

"Gone, As in wala na." O.O

"Ano you mean", tinapat ko yung kanang kamay ko sa may leeg ko as if parang sinasabi kong patay na si Sherley.

"No, Not like that", huminga ako ng malalimna para bang nabunutan ako ng tinik, akala ko naman kasi yun eh, makapagsabi ng gone, kinabahan tuloy kami.

"I mean, She's gone, She went abroad, sa SEOUL, bumalik siya sa inyo Spencer", Ano? umuwi siya sa SEOUL. Dun sa grandpa namin? bakit?

"ha? kelan pa? at bakit? sino nagsabi sayo?", nagaalala na din ako, bukod sa iniwan niya kami,si Runyle, na boyfriend niya.Dun pa siya titira sa Granpa namin, naranasan ko na kayang tumira dun one time bata pa ako, sobrang diko nagustuhan, iyak nga ako ng iyak eh, napakastrict kasi nung lolo namin. Once na may gusto siya, siya lang ang masusunod. No wonder, lumipat kami dito sa Pinas nila dad, nilayo kami ni dad kay grandpa. Ayaw daw niyang maranasan ko o ni mama yung mga naranasan niya nung bata pa siya. Back to the topic...

"Yung tumawag, si tita, yung mom ni Sherley. Sabi niya, kakaalis lang daw ni Sherley kaninang umaga, For sure sure andun na siya sa SEOUL ngayon, Bakit 'di manlang siya nagsabi?", Umiyak si Runyle. Kahit naman lalaki yan,umiiyak pa din yan, tao yan. Ang pinagtataka kolang, bakit umalis na lang ng bigla si Sherley, hindi manlang siya nagsabi samin, lalona sa boyfriend niya.

MUSIC SPEAKS ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon