Music ♪ 1

189 4 2
                                    

-HASSEL'S POV

SCHOOL CANTEEN

*kriing kriing kriing*

Lunch na namin pero wala pa rin akong gana, haay. Nasa isip ko pa rin yung scholarship. Kakalipat ko lang kasi ng school, kung hindi dahil, haynako, ayoko munang isipin, mamaya na yun. Buti nalang dito nagaaral yung dalawa kong Bestfriend, si Raniel at Lance, dahil kung hindi, magmumukha akong LONER dito..tsk

"Hassel, andito ka na pala :D", nilapitan ako ni Raniel.

"Kanina ka pa dito?" tanong niya.

"Ngayon ngayon lang", sagot ko habang nakapangalumbaba.

"Ang lalim ng iniisip mo, let me guess, about dun sa scholarship no?"

"Ha? ah oo eh, nanghihinayang talaga ako, kung hindi lang talaga ako nilagnat nun,tsk", oo nilagnat ako nung araw ng exam ng scholarship, kung hindi lang talaga ako nilagnat, edi sana ngayon, hindi ko na iniisip kung paano ko mababayaran ang 100,000 na tuition dito sa DELA FUENTES UNIVERSITY na 'to.

"Ibenta ko na lang kaya yung gitara ko", alam kong sobrang importante nun sakin, pero no choice, yun lang ang kaya kong ibenta dahil yun lang naman ang kaisa-isang gamit ko na pinaghirapan ko pa para makuha. Pinagipunan ko pa yun sa mga baon ko noh..

"HIndi mo pwedeng ibenta yun no!", tumabi sa'min si Lance.

"HA? Bakit naman hindi?"

"Ano ka ba Hassel, wala pa nga sa kalahati ng tuition natin yung halaga ng gitara mo no, haha", nanlait pa 'tong si Raniel. Pero may point siya.

"HIndi yun!" sabat ni Lance habang kumakain.

"Di mo pwedeng ibenta yung gitara mo, coz' that's your last chance to get that scholarship". Ano kayang ibig sabihin nito ni Lance? hmm

"TADA! Nakita ko 'to kanina sa may entrance bulletin, tignan niyo", BInigay niya samin yung papel na hawak niya.

"Dream Band Contest!", sabay pa kami ni Raniel. O.O

"Yup! Pag sumali kayo diyan, may chance na manalo kayo no, look at the prices", tumuro siya sa papel.

"Wow ha, pag nanalo, trip to SEOUL,KOREA and scholarship ang price?", mukang tuwang tuwa si Raniel.

"kelan pa nila naisip na magbigay ng price na ganyan? Palibhasa, half korean, half pinoy yung new director ng school natin eh".

"Kaya nga eh, pero, ano? What do you think?", tumingin sila sakin.

"ha? ah-eh, Huwag niyo sabihing...", No way, huwag na huwag niyong sasabihin yang mga nasa isip niyo..

"Sali tayo dito! :DD", Sinabi nga nila. >,<

"Se-seryoso kayo?", tanong ko

"Oo naman no, huwag mo sabihing nahihiya ka? alam kong makapal mukha mo", pano yan, NAHIHIYA AKO RANIEL!

"Tsaka, Hassel, Just think of it, pag sumali ka dito at PAG nanalo tayo, makakarating na din tayo sa SEOUL, pangarap mo yun di ba? and hindi lang yun, yung scholarship makukuha mo na:DD", May tama si Lance eh, matagal ko ng pangarap na pumunta dun, pero pano ba 'to? umaatras yung diwa ko. NAHIHIYA AKO.

"Bakit pa kasi ako pumayag sa deal namin ni kuya eh, tsk", oo, may kuya ako at may deal kami, ganito kasi yun...

-FLASHBACK-

MUSIC SPEAKS ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon