MUSIC ♪ 9

81 2 0
                                    

HASSEL'S POV

COFFEE SHOP

"Hassel, bakit kasama mo yan?", bulong sakin ni Raniel, habang nakatingin sa katabi kong si Sherley. Oo kasama ko si Sherley, mabait naman pala siya eh, nakakwentuhan ko siya sa classroom after nung lunch namin kanina.

"Gusto daw niyang sumali sa banda natin, siya daw gawin nating pianist", bulong ko sa kanya at oo, pinilit ako niSherley na gawin siyang pianist ng banda namin.

"Then?", bulong din ni Lierra. 

"pumayag ako", sabi ko.

"Pumayag ka?!", sigaw sakin ni Lance. Grabe ha, napatingin tuloy samin si Sherley.

"Is there a problem?", tanong niya. takte kasi'tong si Lance eh,makasigaw wagas.

"Ah wala wala. Wait lang ha", hinila ko palayo kay sherley yung tatlo kong mokong na bestfriend. Nagnod lang sa akin si Sherley.

"Ano ba kayo? ayaw niyo ba?", tanong ko sa kanilang tatlo. Ang gulo kasi nila eh, di ko sila maintindihan, bakit kailangan nilang bumulong kanina sa harap ni Sherley.

"What? Anong ayaw? gusto namin no, gustong gusto", sabi ni Raniel. 

"Yun naman pala eh, dami niyo pang sinabi kanina, may pa bulong bulong effect pa kayong nalalaman, haha", sabi ko sa kanila.

"Pero wait,", napatingin kami kay Lierra.

"Sigurado ba kayong magaling magpiano yan?", sabi niya habang nakatingin kay Sherley.

"Ha? oo naman no. Di ba nakwento na namin siya sayo", sabi ni Lance kay Lierra. Nakwento na agad nila? ambilis naman, haha

"Hmm, oo nga,nakwento niyo na, pero since nasabi niyo din sakin kanina na 2 years siyang nawala, malay niyo may nagbago sa skills niya", oo nga noh. tama 'tong si Lierra baka nga meron diba?

"uhmm, is everything ok?", lumapit samin si Sherley, napatagal ata yug usapan naming apat. Kasi naman eh..

"Hmm, ayaw niyo bang isali ako?", tanong ni Sherley.

"Ha? naku, hindi noh. Ano ka ba? gusto nga naming sumali ka samin eh, kaya lang baka may nagbag--ay sorry", 'di natuloy ni Raniel yung sinasabi niya kasi tinignan ko siya sa mata na nagsasabing 'don't even mention it to her, baka masaktan'.

"Kung iniisip niyong baka 'di ko na kayang magpiano, don't worry, I'm still good at it.", napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oh? bakit ganyan kayo makatingin?hindi kayo naniniwala? haha.", sabi ni Sherley. Grabe nakakahiya, baka isipan niya pinaplastic namin siya.

"Hassel, ready na yung stage", lumapit samin si kuya. At oo,may mini stage ang shop namin. Every Friday kasi, teka..

"Ngayon na ko kakanta?", tanong ko kay kuya. Grabe, ngayon na pala yun? 

"Opo, don't tell me 'di ka ready. Pinagusapan na natin yan nila mama last week remember?", pssh. oo nga pala, nakalimutan ko. Every Friday,simula ngayon,oo ngayon, magkakaroon na ng gimik dito sa shop. And when we say gimik, ofcourse, mas may alam kami ni kuya dun kesa kina mama. So because of that, napagdesisyonan nila na kami ni kuya ang mamahala ng shop every friday.

"Hindi ko nakalimutan noh, tsk", palusot ko kay kuya.Tama kasi siya, nakalimutan ko talaga, Siguro dahil buong week, laman ng isip ko eh yung DBC na yun. tsk

"Palusot mo", babatukan na sana ako ni kuya ng biglang umextra si Raniel.

"Uhmm, I think dapat pumunta ka na ng stage Hassel, mamaya na kayo magaway. Nagaantay yung mga customers oh,haha", salamat Raniel, haha

"Ah,haha. Yun din yung naisip ko eh, haha", tsk, iniisip? di nga kuya?

"Sinungaling", bulong ko

"May sinasabi ka?", sabi sakin ni kuya, narinig nya? 

"Wala, ang sabi ko, pupunta na ko sa stage para kumanta ok?"

"Tss, oo na. Mga palusot mo eh, pumunta ka na dun", Aissh, seriously kuya. Para na tayong bata ditong nagaaway, haha.

Di ko na pinansin si kuya nun. Pumunta nalang ako sa may stage, kinuha ko na din yung gitara ko, tas tumugtog na ko at nagstart ng kumanta.

OFFICIALLY MISSING YOU 

♪All I hear is raindrops

Falling on the rooftops.

Ooh baby tell me why'd you have to go.

Coz this pain Ifeel It won''t go away, and today,

I'm officially missin you ooh♪

Ang sarap sa pakiramdam. Lahat ng tao sa shop,nakikinig sa kanta ko. Hindi ko alam kung ok lang ba yung boses ko or what. Basta go lang ako ng go sa pagkanta.

♪Ooh, Can't nobody do it like you

Say every little thing you do

Oh baby stay it stays on my mind\

and I, I'm officially missin you.♪

Napatingin ako sa table nila Raniel. Lahat sila nakatitig sakin, maski si Sherley nakatingin. 

♪Well, Ithought Icould just get over you, ooh.

But I see that's something I just can't do.

From the way you would hold me,

to the sweet things.♪

Maya maya, dumadami na yung customers. May mga ilang grupo ng kabataan na ang pumasok, pero di ko sila masyadong pinansin, tuloy tuloy lang ako sa pagkanta ko. Ang sarap kayang kumanta.

♪Ooohh, Cant nobody do it like you,

Say every little thing you do

hey baby stay, it stays on mymind

and I, i'm officially missing you.♪

Nagpalakpakan yung mga customers. Syempre ako 'tong si tuwang tuwa, napasabi tuloy ako sa mic na..

"Thank you po. Enjoy your time here.", 'tas bumaba na ko ng stage at pumunta na kina Raniel.

"Nice one, ang ganda pala ng boses mo", puri sakin ni Sherley.

"Ah-eh, hehe. salamat", nakakahiya kaya, haha

"Ngiting tagumpay siya oh, haha", asar sakin nila Lance, tsk

"Uy, hindi ha, grabe naman kayo, haha", sabi ko.

"Sus, kunwari pa siya oh"

"Hindi nga sabi eh, tsk tsk, haha..oo na nga", pagkasabi ko nun nagtawanan lang kaming lahat, tas yun, nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Ang saya talaga nila kasama.

MUSIC SPEAKS ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon