UTR-2

305 15 0
                                    

Isang pangyayari ang ang hindi inaasahan ni Erin na babago sa kanyang buhay.

Makulumlim ang kalangitan at umaambon ng mga sandaling iyon at habang nasa kalagitnaan sila ng klase ay biglang dumating si Aling Tami na ina ni Juz.

Hinihingal ito na diritsong pumasok sa kanilang klasrum at agad siyang hinanap.

"Ma'am pasensiya na ho pero may hindi magandang nangyari sa pamilya ni Erin kaya kailangan niya munang umuwi." Wika ni Aling Tami.

Agad napatayo si Erin marinig ang sinabi ng Ginang.

"Sina Itay at Inay po?Bakit po Aling Tami? Ano pong nangyari sa bahay?" Ang kinakabahan niyang tanong.Nagsimula nang maghari ang samut saring emosyon sa kanyang dibdib lalo pa at nahihirapan si Aling Tami sabihin sa kanya ang nangyari.

Walang paalam na bigla na lamang siyang lumabas ng kanilang silid aralan at nagtatakbo.

"Best friend!" Tawag ni Juz at hinahabol nito ang kaibigan subalit tuloy tuloy lang tumakbo si Erin kahit madulas ang daan papauwi sa kanila.

Kung ang kanina ay ambon lang mula sa langit ngayon ay naging isang malakas na ulan.

Hindi alintana ni Erin kung Ilang beses man siyang nadulas at mangudngod sa putik dahil ang nasa isip niya ay ang kanyang mga magulang.

Dumadagundong sa kaba ang kanyang dibdib na animoy binabayo ng isang malakas na tambol.

Hinahawi niya ang mga makakating damo na humaharang sa dinadaanan makarating lang sa kanilang bahay.

"Nay!Tay!" Tawag niya sa mga ito ng malapit na siya.

Subalit hindi niya kailanman inaasahan ang sumunod na nakita.

Pinaghina nito ang kanyang katawan at parang hinigop ang kanyang lakas.

Nawalan siya ng boses na parang tumakas narin sa kanyang lalamunan dahil sa nakita.

Malalaking luha lamang ang umagos sa kanyang mga mata at animoy anumang sandali ay matatangay siya ng hangin.

Ayaw tanggapin ng utak niya ang nakita subalit bumigay na ang kanyang mga tuhod at bumagsak siya sa putikan.

Nahihirapan siyang huminga at wala paring boses lumalabas sa kanyang bibig habang gumagapang patungo sa kanilang bahay na hindi na niya makita kung nasaan.

Naliligo na si Erin ng putik subalit hindi niya ininda sapagkat hindi kayang tumabasan ang sakit na kayang nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Inaaayyyy!!!Itaaaaayyyy!!!" Sigaw niya na halos maubusan ng hangin ang kanyang baga.

Isang mainit na bisig ang yumakap sa kanya habang pinipigilan nito ang kanyang pagwawala.

"Naaaayyyy!!!Taaayyyy!!!" Patuloy lamang siya sa kanyang hinagpis habang pilit kumakawala sa mga bisig na mahigpit siyang yakap.

Hindi rin lubos maisip ni Stan kung bakit ganito ang sinapit ng pamilya ni Erin ngayong napakabata pa nito na maulila.

Labis labis ang awa na nararamdaman niya para dito.

Nais ni Erin isigaw ang lahat ng nararamdaman niyang sakit.

Hindi niya lubos maisip na iyon na pala ang huling sandali na masilayan ang mga magulang.

Gumuho ang lupa sa bundok at natabunan nito ang kanilang bahay na hindi na niya makita sa mga sandaling iyon.

Tanging bahay lang nila ang natabunan ng landslide sapagkat may kalayuan din mula sa kanila ang kanilang mga kapitbahay kabilang na ang bahay Nina Juztine.

"UNDER THE RAIN BOOK 2"(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon