UTR-10

294 15 1
                                    

Naging mainit ang labanan sa gitna nang Wayne Andrade University at Oxford university.

Hindi magkandatuto ang audience sa kasisigaw ng bawat pinapanigang grupo ngunit mas nanaig ang fans ng Andrade University.

Gayunpaman hindi parin nagpapatalo ang mga taga Oxford.

Hindi maiwasan ni Erin mapasigaw kapag naagaw na ni Ulrich ang bola at walang sabit nitong naipasok sa ring.

Tig iisang puntos ang bawat lamang at pawang naghahabulan ng score.

Subalit sa huli ay ang Oxford ang nanalo kaya agad nilapitan ni Erin Si Ulrich at niyakap ito ng mahigpit.

"You're really great!" Ang masaya niyang wika.

Binigyan niya ito ng tubig at pinunasan ang pawis nito.

Halatang nag eenjoy si Ulrich sa kanyang ginagawa kaya mas lalong ginaganahan si Erin sa kanyang palabas.

"Sana lahat." Sabi ni Clyden ng makita nito ang pagpunas ni Erin sa pawis ng ng lalaki.

Mas lalong nalukot ang mukha ni Wayne at kaagad itong tumayo dahil ang mga ito na ang maglalaro.

Sa buong laro ni Wayne ay marami ang nadismaya sapagkat ilang beses itong pumalpak sa pagshoot ng bola na hindi naman ito ganito dati.

Marami din itong counted fouls dahil masyadong mainit ang ulo nito kaya sa kauna unahang pagkakataon ay natalo ang mga ito.

"What's wrong with you,man?" Tanong ni Viem kay Wayne subalit ibinato lang nito ang bola at umalis.

Napapailing na lamang ang mga kasama nito habang sinusundan ito ng tingin.

Habang sa mga oras na iyon ay papalabas na ng gym sina Erin kasama si Ulrich pati ang mga team ng lalaki.

Nakaakabay parin si Ulrich sa kanya hindi alintana ang mga mata ng kababaehan nakatingin sa kanila.

"Ano ba talaga kayong dalawa?" Tanong ng kasama ni Ulrich na si Echo.

Tumingin si Erin sa mukha ng lalaki ngunit ngiti ngiti lang ito.

"Kung anong nakikita mo iyon na." Sabi lang ni Ulrich.

Hindi narin nagsalita si Erin bagkus ay hinayaan niya kung ano ang iisipin ng mga ito.

Alam niyang nagtagumpay siyang inisin si Wayne at nakikita niya kung gaano ka distracted ang lalaki habang naglalaro ito.

Nakalabas na sila ng gym ng biglang humarang si Vienne sa daanan nila.

Nakataas ang kilay nito at galit na nakatingin sa kanya.

"Masaya ka yata na pinapakita dito sa campus kung gaano ka kalandi?Lahat nalang ng lalaki nilalandi mo?" Biglang sabi nito dahilan upang mapataas ng kilay niya.

"Excuse me?" Sabi niya dahil ayaw niya itong patulan.

"Hindi mo alam kung gaano ka kalandi?Ibang tao dinadamay mo!Ikaw ang dahilan kaya natalo sina Wayne!" Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito."You slut!"

"Hey!" Saway ni Ulrich dito."Don't talk to Erin that way."

"Bakit?Nakakasigurado kaba na ikaw lang ang lalaki sa buhay niya?Baka naman marami kayong pinagsasabay nito." Sabi nito at itinulak siya kaya malapit siyang matumba ngunit nahawakan siya ni Ulrich.

"Hey!Ang bastos mo ah!" Galit na wika ni Ulrich at naitulak si Vienne kaya natumba ito sa sahig.

Eksakto namang paglabas nina Wayne at nakita nito ang pagkatumba ni Vienne.

"UNDER THE RAIN BOOK 2"(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon