UTR-5

266 14 0
                                    

Huminto sila ni Juz ng makita ang apat na kalalakihan nag aabang sa gilid ng daan.

Nakasandal ang dalawa sa itim na sasakyan habang nakapamulsa at ang dalawa ay nasa kabilang gilid waring hinintay ang kanilang pagdaan sa gitna ng mga ito.

Iyon ang mga lalaking nakita nila sa batis at sa nakikita ni Erin may binabalak na hindi maganda ang mga ito.

Tahimik ang buong paligid at walang makakatulong sa kanila kapag may ginawang masama ang mga ito.

"Huwag na tayong tumuloy." Wika niya kay Juz at mahigpit na hinawakan ang kamay nito."Kapag sinabi kong takbo ay tatakbo tayo ng sabay naintindihan mo ba? Babalik tayo kina Patricia."

Tumango lang si Juz at nagsimulang makaramdam ng takot.

Dahan dahan silang umatras ngunit waring nakuha ng mga ito ang balak nilang gawin kaya bago pa sila makatakbo ay agad nang lumapit ang apat at agad silang binuhat.

"Anong gagawin ninyo sa amin?Bitawan mo ako!!" Pagpapalag ni Erin subalit malakas ang lalaking nagkarga sa kanya.

"Erin tulong!Bitawan mo ako!Hayop ka bitawan mo ako!!" Pagsisigaw ni Juz subalit tinakpan nito ang bibig upang hindi ito makasigaw.

Habang si Erin ay pinagbabayo niya ang likod ng lalaking may hawak sa kanya ngunit mas lalo lamang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Dinala sila nito sa itim na van at akmang ipapasok na sila sa loob ng biglang dumating si Stan.

"Bitiwan niyo siya!" Galit na wika ni Stan at hinila ang lalaking may hawak sa kanya.Natumba ito kaya nabitawan siya sa lupa.

Agad pinagsusuntok ni Stan ang lalaking nangudngod sa putikan ngunit dagling rumisbak ang dalawang kasama nito.

Agad tinakbo ni Erin Si Juz na naipasok na sa loob ng sasakyan ngunit pinigilan siya ng isa pang naroon.

Naiiyak na siya at nakita niya ang lalaking nakamaskara sa loob na wala man lang ginagawa at nakatingin lang sa kanyang pagmamakaawa.

"Bitiwan mo ang kaibigan ko!" Wika niya at pilit inaabot ang kamay ni Juz.

Takot na takot na ito kaya hindi na ito nakapagsalita.

Habang si Stan ay pinagtulungan na ng tatlo at nabugbog na ito ng labis.

"Akala mo may laban ka sa amin?" Wika ng lalaki at sinabunutan pa si Stan.

Nakita niya ang maraming dugo na lumabas sa bibig ng lalaki.

"Pagsisisihan mo kung bakit nangialam ka !" Wika ng isa pang lalaki at may kinuha itong patalim sa tagiliran.

Nakita iyon ni Erin kaya nanlaki ang kanyang mga mata.

"Huuuuuwaaaaaggggg!!" Ang kanyang  malakas na sigaw ngunit pinagsasaksak na ng lalaki si Stan ng Ilang beses.

Nanghihina si Erin ng makita ang ginawa nito sa taong mahal niya.

"Hiiiinddiiiii!!!" Sigaw niya at napaluhod sa lupa.

Ilang beses itong sinaksak ng lalaki at nakita pa niya ang maraming dugo lumabas sa bibig nito.

Animoy sinapian ng masamang demonyo ang lalaking sumaksak kay Stan.

Nagkatitigan sila ni Stan bago ito tuluyang bumagsak sa lupa.

"Yan ang napapala ng mga taong pakialamero." Sabi ng lalaki at dinuraan pa si Stan na hindi na gumagalaw ng mga oras na iyon.

Hindi mapaniwalaan ni Erin ang nasaksihan.

Nanggalaiti siya sa galit at noon lang niya naramdaman ang labis na poot na nabuhay sa kanyang kalooban.

"UNDER THE RAIN BOOK 2"(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon