[IKON] KAPAG NAKITA KANG MAY KASAMANG LALAKI:
HANBIN: Sino yun?
YOU: Sino ang alin?
HANBIN: Yung kasama mo kanina?
YOU: Bakit?
HANBIN: Sino nga?
YOU: Pinsan ko lang yun!
HANBIN: Ahh.
YOU: Nagseselos ka, no?
HANBIN: Asa! Ano ba kita?
YOU: Oo nga naman, ano mo ba ako? Kaibigan mo nga lang pala ako, diba?
HANBIN: Joke lang! Oo, nagseselos ako.
--
JINHWAN: Sino yun?
YOU: Ha?
JINHWAN: Yung kasama mong lalaki kanina?
YOU: Ahh, boyfriend ko! *pagbibiro mo*
JINHWAN: Ahh... May boyfriend ka na pala? Akalain mong may nagkagusto sayo?
YOU: Oo nga eh! Shunga lang nung lalaking yun! Ano bang nagustuhan nun sa akin? Hindi naman ako kagandahan, walang taglay na katalinuhan at mula lamang ako sa isang mahirap na pamilya.
JINHWAN: Edi shunga din pala ako? Kasi may gusto ako sayo eh. Yung sinabi ko kanina ay biro lamang yon. Ang dami mo na kaagad sinabi pero hindi naman naniniwala doon eh. Masyado mong dina-down ang sarili mo. Isa pa, ang ganda mo kaya, pati kalooban mo kaya ga kita nagustuhan. Too bad, naunahan na pala ako. Mayroon nang nakakuha ng puso mo.
YOU: Ha?
JINHWAN: Sige, may pupuntahan pa pala ako.
YOU: Teka!
JINHWAN: Bakit?
YOU: Yung sinabi kong may boyfriend ako, hindi yun totoo. Binibiro lang naman kita.
JINHWAN: Ay! Edi may pag-asa pa ako?
--
YUNHYEONG: Sino naman yung lalaking kasama mo?
YOU: Ha? Yung kanina?
YUNHYEONG: Hindi, yung kahapon na kasama mo!
YOU: Tss! Classmate ko.
YUNHYEONG: Classmate lang?
YOU: Hmm? Friend ko din.
YUNHYEONG: Friend lang?
YOU: Bakit ba?
YUNHYEONG: Baka pinopormahan ka, akin ka na eh!
YOU: Weh? Sira!
YUNHYEONG: Basta kapag may nagbabalak, sabihin mo mamamatay na sila. Dejoke! Sabihin mo nililigawan na kita ay hindi, sabihin mo boyfriend mo na ako.
YOU: Hala?
YUNHYEONG: Aba! Ayaw mo pa?
YOU: Sige na nga.
YUNHYEONG: Sabi na eh! May gusto ka rin sa akin.
YOU: Dati pa! Charot!
YUNHYEONG: Ako rin, sayo!
--
BOBBY: Sino yun? Yung kaninang kasama mong lalaki?
YOU: Why do you ask?
BOBBY: Sige na, sino nga yung lalaking yon?
YOU: Just a friend of mine.
BOBBY: Good!
YOU: Good? Good dahil friends lang kami?
BOBBY: Good dahil friend mo siya, ipakilala mo ako! Gwapo eh!
YOU: Eh?
BOBBY: Please? Ipakilala mo ako ah!
--
DONGHYUK: Sino yung lalaking kasa-kasama mo kanina?
YOU: Blockmate ko.
DONGHYUK: Ahh... May gusto ka ba sa kanya?
YOU: Ha? Wala!
DONGHYUK: May gusto ba siya sa iyo?
YOU: Naku, wala rin!
DONGHYUK: Sure ka?
YOU: Oo naman, bakit?
DONGHYUK: Edi wala pala akong dapat problemahin.
YOU: Hmm?
DONGHYUK: Pwede kami sa isa't-isa.
YOU: Ano??
DONGHYUK: Joke! Pwede tayo sa isa't-isa!
YOU: Adik!
--
CHANWOO: Nagseselos ako!
YOU: Ha?
CHANWOO: Sabi ko nagseselos ako!
YOU: Saan?
CHANWOO: Doon sa kasama mong lalaki kanina.
YOU: Bakit ka naman nagseselos? Dahil may gusto ka sa akin?
CHANWOO: Hindi na kita gusto..... Mahal na kita!
YOU: Naks! May ganun? Pero hindi na rin kita gusto kasi..... Mahal na rin kita!
--
JUN-HOE: Huh! Hindi pa nga tayo, pinagtataksilan mo agad ako!
YOU: Sinasabi mo dyan?
JUN-HOE: Sino yung kasama mong lalaki? Mukhang ang sweet niyo nga kanina eh!
YOU: Ano naman ngayon?
JUN-HOE: Ganun? Osige, break na tayo!
YOU: Break? Hindi nga tayo, diba? Shunga nito!
JUN-HOE: Hindi pa ba obvious?
YOU: Hindi mo naman kailangang magselos.
JUN-HOE: Hindi dahil hindi naman tayo? Oo na!
YOU: Ang cute mong magselos! Hindi mo naman kailangang magselos kasi wala ka namang dapat ipagselos, Kuya ko yung kasama ko kanina. Adik!
JUN-HOE: *medyo napahiya kaya hindi na nakasagot*
YOU: Ngayon alam ko na, na patay na patay ka talaga sa akin.
JUN-HOE: Taas ng pangarap mo ah! Oo na!