"Resto"
Jeian P.O.V
Ilang sandali akong na hindi sa guardhouse at dumating agad si kuya, gamit ang kanyang grey na kotse. Ningisihan ko siya at pumasok na ako sa loob ng kotse. Wala man lang siyang tinanong na king ano-ano basta at pinaandar niya ang engine.
"Saan po tayo kakain kuya?" Pagtatanong ko sa kanya, kasi nilagpasan na namin ang Jollibee, Mang-Inasal, Mcdo at Kfc.
"Sa bagong Resto" sagot niya sakin at tinignan ko siyang malawak na malawak ang ngiti. Pero nakatingin pa rin siya pinagmamanehuan niya. "Kaninong bagong resto?" Kunot noong tanong sa kanya.
"Kanino? Sa girlfriend ko." Tipid niyang sagot. Kaya hindi na ako nagtanong ang tipid-tipid niyang sumagot eh.
Si kuya kasi ang klaseng taong direct to the point wala ng paikot-ikot. Si kuya ay half brother ko lang, magkapatid kami sa ina, pero magkaiba ang tatay. Kaya tung kuya ko may lahing german. Ako naman may lahing askal, joke lang. Geh tawa ka! Iwan ko kung anong lahi na meron ako. Si mommy naman din may kasalanan, hindi daw niya kilala ang lalaking ka one-night-stand niya. Feeling ko tuloy maling gawa ako. Am I mistake?
"Andito na tayo." Sabi ni kuya at natauhan ako sa pagkatulala, kasi inaalala ko ang lalaking nasa panaginip, sh*t naman kasi yung ngiti niya ngayon ko lang na pagtantong ang gwapo gwapo niya.
Unang lumabas si kuya sa kotse at, sumalubong ang kanyang girlfriend na si Ate Sophia. Grabe 2 years na sila ni kuya pero hindi pa rin kumukupas ang ganda niya, parang mas lalong gumaganda pa siya. Tsk. Kaya hindi ko talaga siya matatanggap kasi mas maganda siya sakin, joke lang haha. Tanggap na tanggap ko siya. Mabuti ngayon may magsasalin ulit ng bagong kagandahan ng lahi namin.
"Hi po ate." Bati ko sa kanya nang makapalit na ako sa kanila, at bigla naman niya akong niykap. "Buti na pa sama ka Jeian. " sabi niya, ng makawala sa pagyakap sakin. "Ahmm sige pasok na tayo sa loob."
Tinignan ko ang labas ng bagong resto niya, medyo parang kakaiba pero nangingibabaw ang panibagong desinyo. Marami- rami ang taong nandito sa event na to. Tapos naka uniform ako? Si kuya talaga di man lang niya ako dinalhan ng dress, di bale na nga.
Umupo ako sa isang table kung saan din sila kuya naka-upo. Nakaupo na ang lahat at busy sa paguusap na kung ano-ano, at mukhang sa about business ang pinaguusapan nila. Tumayo ang girlfriend ni kuya na si Ate Sophia. At nagsimulang magsalita.
"Thank you for coming to this event, an new resto has open. I aslo want to thank my parents for giving this business. Once again thank you, and I hope you'll enjoy all the meal we have prepared." Sabi niya at nag-bow.
Si ate Sophia kasi ang nagiisang anak ng Enriqez. Na may nagmamay-ari ng ika-5th na sikat na companya. Swerte siya, kaya nagiisa lang siya busy mga parents niya sa business, wala nga ang parents niya sa event na to. Pero hindi naman tutol ang mga magulang niya na gawin ang gusto niya, pero iniisip ko sino nalang ang magmamanage kung sa kaling magretired ang paru niya? De bali problema nila yun din sakin at sa iba.
Pinagserve na nila ang main course na food. Kaming tatlo lang ni kuya at ate Sophia sa circle na table ngayon. Naamoy ko naman ang pagkain, tilang ang sarap-sarap talaga ng pagkain na hinahanda nila. Nanglaki ang mata ko ng may nilapag na sa table namin. Beefsteak with mash potatoes. Katakamtakam, kasi isa ang beefsteak sa mga favourite food ko. At nagsimula na akong sumubo, napangiti si Ate Sophia ng makita ako.

YOU ARE READING
A Dream of You (On-going)
أدب المراهقينAng bawat isa satin ay may mga magagandang biyayang binigay ng Diyos. Isang babaeng nagngangalang Jeian Mendoza, isang ordinary pero may kakayahan siyang makakausap ng ibang tao sa paraan ng panaginip. Hanggang sa hindi niya inaasahan na isang lalak...