Note: This story ain't not copyrighted to someone, but just a fiction. An imagination, believe or not I'm also a human that also thinking of something. A fiction story, names and etc...
Worried
Nagpaalam si kuya na iuuwi niya ako. Nagpaalam din ako kay ate Sophia, bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. Ang gaga ko talaga wala akong matandaan kung ano ang ginagawa ko habang nakatulog ako.
Tahimik na nagmamaneho si kuya, at nasa backseat ako umupo kasi ang pangit ng temperatura ng frontseat. Kanina ko pa naririnig si kuya na nagmumura, at hinahwakan ang noo niya. Tang*na kinakabahan ako, iba kasi si kuya pag nagalit, parang sinasapian ng kasamaan. Hindi ako tumingin sa kanya kasi titig palang ng mata niya ay mas malutong pa na mura ang matatanggap ko.
Ilang sandali lang ay nasa gate na kami ng bahay namin. "Bumaba kana." Ang cold ng boses niya. "Bukas na tayo mag-usap." Sabi niya sakin at bumaba ako ng kotse at pumasok sa loob. Dinig ko naman na umalis na si kuya.
Pagkapasok ko sa bahay at naka on ang Tv at nanunood ang mga katulong namin. "Hindi daw po makakauwi ang mommy mo, Jeian." Sabi ng isang katulong, at tumango naman ako.
Grabe parang, ang sama ko ano ba kasi ang nagawa ko. Paakyat na ako sa hagdan ng niyaya akong kumain, pero tumangi ako. Kasi parang busog pa ako sa beefsteak. Tumingin ako sa relo ko 7pm na pala. Napaisip ako. 7 hours? 6 hours? Ilang hours akong nakatulog, sh*t ano kaya talaga ang nagawa ko.
Para akong lasing na walang alam sa pinaggagawa ko. Pero mabuti naman yung lasing kasi may naalala kahit kunti, pero ako wala. Nilapag ko ang bag ko sa studying table ko, at nagbihis ng pangtulog.
Pinilit kung ipikit ang mga mata ko pero, ayaw nitong pumikit. Inaalala ko ang panaginip, parang h*ck anong ibig niyang sabihin sa "I'm always around you." Quote ba yun? Grabe naman, bahagyang napangiti ako, parang tilang nawala ang pangambang kaba, nang maalala ko yung lalaking yun. Hindi naman talaga ako nagexpect na magpakita siya. Kinikilig eke.
*Phone Chimes*
Chineck koang phone ko. Text galing kay Kearielle, ang pinakamamahal kong bestfriend.
"Magreview ka, kasi may long quiz sa History natin." Tumango lang ako at hinayaan, di ko na rereplyan. Sasabihin ko nalang na hindi ko nabasa ang text niya. Ang galing ko talaga mag excuse.
Haysss makatulog na nga ako. Dahil sa dilim ng pa ligid ko ay pinikit ko na ang mga mata ko, at di na muling idinilat pa.
"Are you okay?" Sabi niya habang inilapit ang mukha niya sakin. Kinikilig ako ang gwapo niya, yung pilikmata na kihaba-haba at ang kilay niya na pantay ang pagkamarka. Grabe ang perfect talaga. "Are you blushing?" Tanong niya sakin at tumawa, kaya sinapak ko siya.
Oo gwapo siya, pero wag na wag niya akong pagtatawanan. "Okay I'm sorry. I'm really sorry okay?" Sabi niya sakin habang nagpipigil pa rin sa pagtatawa.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench at pinaggitnaan ng dalawang malalaking puno. At may preskong hangin. "This place is perfect to rest." Sabi niya at humiga sa hita ko. Nagulat ako sa ginawa noya. Humiga siya at pinikit ang mga mata niya. Grabe ang kulay puti ng balat niya sinag na sinag sa araw. Parang mabubulag ka sa silaw. Tsaka yung mga labi niya na kay pula.
Anong klasing tao siya, why so perfect. Napahinto ako sa pagtitig niya kasi inimulat niya ang mata niya. Pinilit kong ikutin ang paningin ko pero nakatitig pa rin siya sakin. Nagiinit ang katawan ko at nanglamig ang paa at kamay ko. Tumayo siya sa kinahihigaan niya. "By the way my name is...."
YOU ARE READING
A Dream of You (On-going)
Ficțiune adolescențiAng bawat isa satin ay may mga magagandang biyayang binigay ng Diyos. Isang babaeng nagngangalang Jeian Mendoza, isang ordinary pero may kakayahan siyang makakausap ng ibang tao sa paraan ng panaginip. Hanggang sa hindi niya inaasahan na isang lalak...