03

8K 184 0
                                    

Naramdaman ni Eli ang sikat ng araw kaya agad syang bumangon at naligo para pumasok na sa skwelahan.

Nang makalabas siya sa kwarto nakasalubong niya ang Daddy nya. Tumigil siya at yumuko na bahagya upang batiin ito.

"Good morning, dad." tipid nyang sabi rito.

Bahagya lamang itong tumango habang may bitbit na dyaryo.

"You still have an allowance?" Tanong nito. Agad naman siyang tumango. How come her parents always give money but sometimes it doesn't feel the emptiness. They always asked her about money.

"Yes," tipid nyang sagot.

"Okay, take care in school, okay?" sabi nito na sinagot nya lang ng tango bago bumaba.

Nang pumunta sya sa kusina nakita  nya roon ang Mommy nya na nagkakape.

Tiningnan sya nito at iminuwestra nito ang upuan sa tapat nito na may nakahandang hot choco at breakfast.

"Sit down, dear. You eat." sabi nito at ibinaba ang newspaper na hawak nito

Umupo naman din sya at nagsimulang kumain.

"Ah, dear can you visit us after school?" Tanong nito.

"Uhm, yes, Mom." sagot nya dito habang nagsisimulang kumain.

"That's good, let's have dinner with your Kuya!" Sabi nito na tila tuwang-tuwa.

Bahagya syang napaigtad at napatigil doon. Her kuya? Yes, she has a brother.

"Kuya?" Nagtatakang tanong nya dahil nasa London ito at nag mamanage ng negosyo nila doon.

"Yeah, your kuya. umuwi sya last week pagkatapos ng meeting nya sa board doon sa London" sabi nito

Kuya Eron, palagi itong wala dahil ito ang namamahala sa negosyo nila doon sa London. Kaya nagulat sya na umuwi na ito na hindi man lang nya alam. Sabagay may sarili din naman itong bahay at hindi ito tumira na sa bahay ng magulang simula ng nagtapos ito ng kolehiyo.

Tumango lamang sya at tinapos ang pagkain .

Agad syang bumaba sa kotse at pumasok na sa eskwelahan. Wala parin gaanong tao dahil maaga pa.

Nang pumunta sya sa classroom na subject nya. Na-aninag na naman nya si Kio.

Hindi nya alam pero sa tuwing nakikita nya ang lalaking ito nagiging abnormal ang sistema ng katawan nya. Bumibilis ang tibok ng puso nya and her body don't act accordingly.

Napatingin ang malamig nitong mata sakanya. Nakatayo ito at nakasandal sa tapat na classroom ng classroom nya. May nakasaksak na headphones sa tenga nito at nakaekis ang mga braso nito.

Bahagyang kumunot ang nou nya ng makitang may sugat ito sa gilid ng labi nito. Nakuha nya ba ito kahapon? Tangina, bakit pa kasi sya inatake ng pagka chismosa nya eh.

"Uhm... " damn, she can't speak naiintimidate sya sa aura nito.

Tumitig lamang ang walang emosyon nitong mata sakanya. Blanko ang bawat titig sa kanya.

"S-sorry,"sabi nya niya ng nauutal. She really felt sorry. Hindi niya naman gusto iyong kahapon.

Hindi ito umimik.

"Look, I'm really sorry," sinsero nyang sabi dito

"It's okay," bumilis ang tibok ng puso nya ng marinig ang malamig nitong boses. It's icy but somehow she can find relief on it.

"Do you mind if gagamutin natin yang sugat mo?!" Tanong nya rito pambawi dahil nasugatan ito ng dahil sakanya.

"I'm fine," sagot nito sakanya at pumikit ito at hindi na sya pinansin.

Nanginginig ang kamay nya na himawakan ang braso nito dahilan para lumingon ulit ito sakanya na parang naiirita. Mariin ang titig at tila nagbabanta ngunit hindi siya nagpadala doon.

"Please, pambawi ko lang." 'di nya alam pero parang may nakita syang kislap sa mga mata nito na agad ding nawala o namamalikmata lang sya.

"Okay," sagot nito. Maikli ngunit sapat na para sakanya.

Pinaupo nya ang binata sa classroom nila at kinuha ang bandaid sa bag nya, cotton ball at alcohol. May dala sya nito palagi for emergency purposes at dahil doctor ang mga magulang nya palagi syang pinaaalahanan na magdala nito palagi.

Umupo sya sa tapat nito at tiningnan mukha nito ayaw ang nyang tumingin sa mga mata nito dahil baka na katitig ito.

Pinatakan nya ng alcohol ang cotton ball at tiningnan ang sugat ni Kio. Hindi naman malako pero hindi 'rin maliit. Natuyo na ang dugo nito at medyo naging violet ang parte iyon. Ang sakit ata niyan.

Dinampian nya ito ngunit wala man lang kahit na anong sakit na namutawi sa baba ng lalaki, tahimik lamang ito na tila nagmamasid sa bawat galaw niya. He didn't even flinch.

Nang matapos ay tumingin sya sa mga mata nito.

Nakatitig ito sakanya para kang hinihipnotize sa titig nito.

Di maipagkakailang sobrang gwapo nito at marami ng nabihag na babae dahil sa mukha nito .

Matangos na ilong, mala adonis na mukha at pangangatawan.

Napabalik sya sa reyalidad ng tumikhim ito.

"S-sorry," at napayuko sya.

"Thanks," napatingin sya rito.  Nagpasalamat ito? Pero ang rinig nya sa mga sabisabi salbahe daw ito at walang puso kaya nakakagulat na nagpapasalamat ito .

"Uhm... y-yeah," nauutal nyang sabi tumayo ito at lumabas sa classroom niya na naiwan syang natulala hangang sa nagsimula nalang ang kanyang klase sa araw na yun.

--------------------------------------

Ah yeah. ah yeah. Hit you with that ddududdudu lols

He Wants Me (Completed)Where stories live. Discover now