04

7.6K 219 6
                                    

"How was your day today, baby?!" Tanong nang Kuya niya habang kumakain sila sa restaurant kasama ang mga magulang nila

"Good," tipid nyang sabi at pinagpatuloy ang pagkain.

Habang kumakain ay naguusap sa negosyo ang Kuya nya at ang kanyang mga magulang.

"Ay oo nga pala Darling. Inimbitahan tayo ni Mr.Fred Davis sa 50th anniversary ng Zone Hotel." sabi ng Daddy nya

Davis sounds familiar!

"Oh then we should go. Kilala pa naman ang mga Davis sa larangan ng negosyo at nakakahiya kung hindi tayo pupunta at Si Mr.Davis pa ang nagimbita." sabi ng mommy nya

"Kanina kasi naisugod ang Sr.Davis dahil inatake sa puso at duon sila sa hospital natin palaging nagpapagamot dahil ang hospital lang naman natin ang pinagkakatiwalaan nila." dagdag ng kanyang ama.

"When dad?" Tanong ni Kuya.

"The day after tomorrow," sabi ng ama nya

"Ah, okay, I'll go." sabi ni Kuya.

"And Eli Mr.Davis wants you to be there, he wants you to meet his son." Sabi ni papa

"No, I will not go." tipid nyang sabi na tinanguan nalang ng kanyang ama

She doesn't like socializing. Plastic people are everywhere. Chismiz everywhere. Judgment everywhere.

Alam naman ng magulang nya yun kaya nagrarason na lamang ito kung bakit hindi sya pupunta kahit pa ay kasosyo nila ito sa negosyo.

Nang makauwi ay agad syang humiga sa kanyang kama at nakatitig lamang sa kisame.

"Thanks."

"Thanks."

"Thanks."

"Thanks."

"Thanks."

"Fucking shit!" ginulo ni eli ang buhok nya at bumangon sa pagkakahiga.

Tangina, bakit na parang sirang plaka na paulit- ulit ang mga salitang yun sa utak nya.

Tumayo sya at naglakad patungo sa Study table nya .

Umupo sya and opens her laptop.

She checks her emails and some academic PowerPoint and study.

Boredom strike her so she opened her social media account.

"Thanks."

Ayan na naman narinig na naman nya ang tinig ng lalaking yun.

Kaya naisipan nyang I search ang lalaking yun.

Sean Kio Davis

Wait, Davis?!

Nasaan ko 'yan narinig?

Tama kay Dad 'yung invitation.

Bakit parang gusto nya na pumunta doon.

Loading.....

Sean Kio Davis is the son of one of the famous business tycoons. Their business is conquering the hotel industry.

Ba't ba nung nagpaulan si God ng kagwapuhan nasalo lahat ng lalaking 'to.

Nakasuit ito at parang walang paki sa mga paparazing nakapaligid dito .

Umilaw ang telepono nya indikasyon na may tumatawag.

Jazz calling...

Napairap muna sya bago sinagot ang tawag .

"Hey," tipid nyang sabi

"My beautiful cousin, bakit mo naman ako di sinipot kahapon ha? Iyan tuloy para akong tanga na nag-aantay kahapon sayo sa gym." parang batang sabi nito.

"I'm busy," Sabi nya sa pinsan.

"Fine! Pupuntahan nalang kita dyan." sabi nito at pinutol nito ang tawag

Nang ibaba nya ang tawag ay may natanggap syang text message from an unknown number. She opened it and got confused.

From: 09*********

Still may utang ka parin sakin.

Utang?! Like what the fuck wala naman syang utang sa kahit na sino!!!

Ngunit may kutob sya  kung sino ito. Imposible mag text sa kanya ang taong yun, eh parang yelo nga iyon walang paki.

She taps the reply button.

To:09*********

Who's this??

At ng ma send nya ay tila hindi sya mapakali. Parang sasabog ang sistema ng katawan nya nanglalamig ang kamay nya.

Kaya nag text ulit sya sa unknown number.

To:09********

Who are you?? What are you talking about!

And she taps send again.

"BEAUTIFUL COUSIN!"

Nagulat sya ng biglang pumasok si jazz sa kwarto nya na may dalang headphones at cellphone case na para sa cellphone nya.

"I bought this yesterday alam ko kasi iyan ang unit ng phone mo eh kaya binili ko para sayo. Wala pa kayang case ang phone mo, so there." sabi nito at umupo sa gilid nya.

Tumingin ito sa laptop nya habang sya naman ay busy sa pagsusuri sa binigay nito.

"Sean Kio Davis?" basa nito at tumingin sakin.

Agad kong isinirado ang laptop ko at hilaw na ngumise.

"Uh, I just search him. Palagi syang nakatambay sa department namin, eh." mabilis na sabi nya .

"Eh, bakit parang ang defensive mo ha!" Sabi ng pinsan nya.

"Wala lang baka kung ano pa ang pumasok sa isip mo, eh." sabi nya dito

"Ayiiiie, may gusto ka 'nu? Ayyiiieut! May beautiful cousin magkakalovelife na." panunukso nito

"Shut up, Jazz! Stop calling me beautiful okay! Umalis ka na nga!" iritang sabi nya rito.

"Ayan ka na naman. Maganda ka naman talaga couz ayaw mo lang tangapin. Fine-fine aalis na ako" sabi nito bago tumayo.

"Bye, my beautiful cousin," sabi nito na tila nangaasar

Huminga sya ng malalim at umupo muna.

Kinuha nya ang telepono at may narecieve syang text galing sa unknown number.

Nangbuksan ang mensahe ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at nagwawala ang sistema ng katawan nya. Hindi nya inaasahan na magiging tama ang kutob nya.

From:09*********

It's Kio. See u tomorrow.

-------------------------------------------------------

Beep beep vote. Comment. Forever young tot tot tot char Lang's hahaha. Kinakain ako ngayon ng virus ng BlackPink. Ba't kasi ang gaganda nila😍😍😍

He Wants Me (Completed)Where stories live. Discover now