Magkapatid

6.7K 51 0
                                    

Simula pagkabata ay lagi na kaming magkasama. Sa pagkain, sa paglalaro at sa pagpasok.

Umiikot ang buhay namin sa isa't-isa, walang sinoman ang nakakapaghiwalay sa amin.

At suportado kami ng aming mama, pinapangaralan niya kami na magtiwala sa isa't-isa.

Huwag naming palakihin ang simpleng bagay na maaari naming pagtalunan.

Pero isang umaga habang nadidilig ako ng halaman at ang kapatid ko naman ay naglalaro ng manika habang natakbo ay nasanggi niya ako dahilan para masubsob ako sa halaman at magkaroon ng galos sa siko.

Sa inis ko'y nilapitan ko ito at pinalo sa puwetan, iyak ito nang iyak at tumutulo pa ang uhog nito.

Ito ang unang beses na napagbuhatan ko siya ng kamay.

Nakita ako ni mama kaya bilang panganay ay ako napalo ni mama, masama kong tinignan ang bunso kong kapatid habang pinapalo ako ni mama.

Inosente itong nakatingin sa amin ni mama habang bitbit ang karga-karga niyang manika.

"I hate you, ate."

Magkapatid✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon