Part 2

3.6K 21 0
                                    

Iniluto ko ang sardines na nasa stock namin dahil kailangan ko ng umalis mamaya para pumasok sa pinapasukan ko.

Yung sinabawang manok, napanis na siya. Akala ko na kumain si Angel pero hindi pala. Mabuti nalang at kaunti lang ang nailuto ko.

Iginisa ko ang sardinas at nilagyan ng tubig. Pagkaluto ay inilagay ko ito sa lamesa at tinakpan.

Naligo na ako at nagbihis ng uniporme namin sa trabaho. Puting damit at maong na black ang suot-suot ko ngayon.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Angel na abala sa pagpindot ng cellphone niya. "Kumain ka na dyan, aalis na ako."

"Umalis ka, kahit ka ng bumalik."

"Anong sabe mo?"

"Wala. Pwede ka ng umalis." aniya, pabuntong hininga ko siyang tinalikuran.

Umalis na ako at sumakay ng Pedicab. "Manong, sa may Lotus nga po."

Malapit lang kaya dumating na agad ako at sa paglalakad ko ay may nakita akong magkarelasyon na nag-aaway. Mga kabataan talaga ngayon hindi muna mag-aral bago makipaglandian.

Inalis ko ang tingin ko sa kanila at pumanhik na sa itaas para magtrabaho na. Isa akong cashier girl.

"Eddies, kamusta ka na?" anito.

"Ito maganda pa din. Ikaw ba?"

"Mas maganda sa'yo." nagtawanan kaming dalawa dahil sa kahanginan niyang taglay. Siya ang kaibigan ko dito at masasabi kong napakabuti niyang tao. Siya rin ang nasasabihan ko ng problema. "So, anong balita sa kapatid mong maldita?"

Nagpeace sign ito sa akin, "Sorry."

"Hindi ko siya maintindihan." sagot ko na lamang. Umiwas na ako ng tingin dahil ayakong nang pag-usapan ang bagay na ito.

Nagsimula na kaming magtrabaho dahil parami na nang parami ang taong namimili.

Umabot na ako sa kota kaya naman isinara ko na ang station ko, sumenyas ako kay Rossy na mauna na ako. "Mag-iingat ka, Eddies."

"Salamat."

Dinala ko na ang bitbit ko sa main para makauwe na. "Mauuna na po ako, Ms. Ally."

Tumango ito kaya naman naglakad na akong palabas ng Lotus. Hapon na pala, naglakad ako sa may gilid ng lotus para bumili ng prutas.

"Manong, isa ngang mansanas tapos dalawang ponkan." sabi ko kay manong.

Iniabot niya sa akin ang binili ko na nakalagay sa supot at nagbayad na. Umalis na ako at sumakay na sa pedicab.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay may nakaparadang motor. Kunot-noo akong naglakad papasok.

'Kanino ang motor na ito.'

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang kapatid ko na nakikipaghalikan sa isang lalaki. Uminit bigla ang ulo ko at hinila ko ang lalaki palayo sa kapatid ko.

"Ano ba! Bitawan mo ang boyfriend ko!" inis na sita sa akin ng kapatid ko.

Itinulak ko ang lalaki dahilan para matumba ito sa sahig. "Iyan ba ang itinuro ko sa'yo, Angel. Ito ba? Buong buhay ko ikaw ang inalala ko tapos ito lang ang isusukli mo sa akin. Ang sabe ko mag-aral ka muna bago ka magsyota. Diba!"

"Kailangan bang sundin ko lagi iyang mga gusto mo. Malaki na ako at alam ko na ang ginagawa ko at wala ka mg pakealam sa kung anong magiging desisyon ko." bwelta nito sa akin.

Itinayo niya ang lalaki, "Umalis na tayo!"

"Hindi. Siya lang ang aalis at ikaw pumirmi ka sa bahay." utos ko dito.

"Rodel, tara na. Iwanan na natin ang babaeng iyan." kumirot ang puso ko sa sinabe niya pero hindi ako nagpatinag.

"Tara na, Rodel." iginiya niya ang lalaki palabas pero hinila ko siya.

"Maiiwan ka dito, Angel." mahinahon at nakikiusap kong sambit.

"Bitawan. Mo. Ako." may diin ang bawat salitang binigkas niya. Binitawan ko siya at hinayaan siyang lumabas kasama ang lalaki.

Nang matauhan ay hinabol ko sila palabas ngunit umandar na ang motor. "Angel, bumalik ka rito!"

"Angel!"

Napaluhod ako habang tinatanaw ang kapatid ko. Kapatid kong naging kasa-kasama ko hanggang sa paglaki. Lumandas ang masagana kong luha at patuloy sa pagtangis nang biglang bumagsak ang malakas na ulan.

Basang-basa na ako kaya naisipan ko na pumasok sa loob at doon antayin ang pag-uwe ng kapatid ko.

Kumuha ako ng tuwalya at ipinangpunas sa aking katawan. Hindi muna ako nagpalit, nanatili akong nakaupo sa sofa habang inaantay si Angel.

Pero lumipas ang oras pero wala pa din ito. Bakit hindi pa siya umuuwe, nag-aalala na ako sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya ngunit walang sumagot sa tawag ko.

Tinawagan ko na lang si Rossy, "Rossy?"

"Yes, Eddies?"

"Puntahan mo naman ako sa bahay, umalis kase ang kapatid ko at hindi ko alam kung nasaan ito." sabi ko,

"Sige, pupuntahan kita dyan. Hintayin mo ako." Ani Rossy.

May kumatok sa pintuan siguro siya na ito, "Teka lang, Rossy."

Naglakad ako patungo sa pinto at nakita ko ang tatlong lalaki na basang-basa sa ulan. "Ano pong problema?"

Iba kung makatingin ang lalaki kaya balak ko na sanang isara ang pinto ngunit itinungko ng isa ang kamay niya para hindi ko matuloy ang pagsara.

Biglang umusbong ang pangamba ko na baka kung anong sapitin ko sa mga kamay ng mga lalaking ito. "Teka lang miss."

"P-po?"

"Pasilungin mo muna kami, ineng." may pagnanasa ang tono ng boses nito kaya agad akong umiling.

"Pasensya, baka kase magalit sa akin ang magulang ko." pagsisinungaling ko sa kanila, sana kumagat sila.

"Ineng, nahihibang ka ba?" ani ng isa, "Diba patay na magulang mo?"

Pinatatag ko sarili ko, "Baka po nagkakamali kayo ng sinasabi. Buhay po ang magulang ko at kasalukuyan po silang natutulog."

"Isasara ko na po ang pinto." ani ko.

"Ulol. Sinong niloko mo babae?" ani nung isa pa. Tinulak niya ang pinto dahilan para ikatalsik ko.

"U-umalis na k-kayo."

Tuluyan na silang nakapasok sa loob at itinayo ako nung lalaking medyo katabaan. Isinandal niya ako sa dingding at hinahabol ang aking labi. Panay ang iwas ko pero hinawakan nito ang panga ko.

"Isasara ko lang ang pinto para walang umistorbo sa ating kaligayahan." ani nung isang sanggano. Itinikom ko ang kamao ko at hinayaang rumagasa ang mga luha ko.

'Rossy, tulungan mo ako.'

Kinagat ng lalaki ang aking labi para mapasok ang aking bibig, puro tawanan ng dalawa ang naririnig ko.

Parang bigla akong nawalan ng lakas ng makitang naghuhubad ang dalawa. Kitang-kita ko ang malalaki nilang tiyan pati ang kanilang alaga.

'Lord, iligtas mo po ako sa mga lalaking ito.'

Nakahinga ako ng maayos ng umalis sa pagkahalik sa akin ang lalaki at hinila ako pahiga sa sofa. .

"M-maawa na kayo sa akin!" pakikiusap ko ngunit naging matunog ang kanilang tawanan.

"Hubaran niyo na iyan at ako ang mauunang bumiyak sa kanya." ani nung humalik sa akin.

Lumapit sa akin ang dalawa at pwersahan akong hinubaran. Kahit anong lakas kong pumiglas ay hindi iyon naging hadlang sa paggawa ng kanilang nais.

"Kung ito na ang kapalaran ko, tatanggapin ko. Sana, sana matapos na agad ang pagbababoy nila sa akin."

Magkapatid✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon