Part 3

2.5K 13 0
                                    

Gumising sa akin ang sinag ng araw na tumatawa sa katawan ko. Binalingan ko ang aking katawan at doon nakita ang hubo't-hubad kong katawan, may ilang pasa din ito dahil sa marahas nilang ginawa sa akin.

Hinding-hindi ko sila mapapatawad, "Hahanapin ko kayo!"

Dahan-dahan akong tumayo dahil kumikirot ang aking galos na natamo. Tinungo ko ang banyo at naligo, kahit nasasaktan ay nilinis ko ang katawan ko. Ayakong mabakasan ng kung anong kahayukan na ginawa nila sa akin.

Tumulo ang luha ko, luhang paulit-ulit nalang pumapatak. Hindi ba ito napapagod, bakit lagi nalang akong umiiyak. Bakit hindi ko maging malakas.

Si Angel, hindi pa din nauwe. Labis na ang nararamdaman kong pag-aalala para sa kanya, kung nasaan man siya ngayon ay sana maging masaya siya sa naging desisyon niya.

Isinuot ko ang aking bestida at naglakad patungong kusina. Iniluto ko ang pansit canton na nakita ko at kinain ng maluto.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may tawag ba galing kay Angel pero wala akong nakita.

Hinanap ko ang numero ni Rossy at ito'y tinawagan. "Bes?"

"Uy bes, sorry nga pala hindi na ako nakapunta. Ang lakas kase ng ulan e." anito, ngumiti ako ng pilit.

"Okay lang, pakisabe naman na hindi ako makakapasok." pakiusap ko, baka kase hanapin ako ni Ms. Ally baka malagot pa ako.

"Ako na ang bahala, Eddies." aniya, ibinaba ko ang cellphone ko at naibagsak ko ang sarili sa sofa.

'Saan kita mahahanap, Angel.'

Unti-unting pumikit ang aking mata.

"Anak?" masiglang tawag sa akin ni mama, matamis ang kanyang ngiti.

"Bakit po mama?" magalang kong tanong sa kanya, hindi maipagkakaila na mag-ina kame dahil may mga katangian na magkapareha kami.

"Kapag nawala ang mama, aalagaan mo ang kapatid mo diba?" nakangiti pa rin si mama ngunit sa mura kong edad ay hindi ko siya maintindihan.

"Ano po ang ibig mong sabihin mama?"

"Aalagaan mo ang kapatid mo, diba?" Tanong nito sa akin at ngayon ay naintindihan ko na.

"Oo naman po mama, tayong dalawa ang mag-aalaga sa kanya." ngumiti ako sa kagalakan na nararamdaman. Mas magiging masaya kami kung parehas naming alagaan ang isa't-isa.

"Anak, malakas ka diba?"

"Opo mama, mana ako sa'yo e." aniko, mas lumapit ako kay mama at niyakap ito. "Mahal na mahal po kita, mama."

Magkapatid✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon