6 Late Outing

9.7K 29 0
                                    

Uwian na namin ngayon at naglalakad kaming lima papauwi. Madami kaming nakakasalubong na sasakyan dahil karamihan ay pumupunta sa resort na malapit lang samin

"Jusko nga naman ang mga tao ngayon, noh? June na pero ngayon pa lang naisipan magouting. Mga siraulo ata" natawa na lang kami sa sinabi ni Hazel

Mahangin ngayong sa daan at pahawi hawi ako sa buhok ko na may volume. Sorry naman, proud ako sa buhok ko e hahaha

"Sakto! Friday ngayon diba? Punta kaya tayo dyan sa tabing resort bukas?" sabi ni Jake

"Diba mahal entrace dyan?" tanong ko

"Wag kang mag-alala Faith, treat ni Dominic yung sayo" sabi ni Bea, natawa naman don si Dominic

"Totoo ba?" tanong ko, malay mo naman diba? Hahaha

"Hmm sige" sabi nya sabay tango

Malapit na kami sa bahay nila Hazel at may humintgong dalawang van sa gilid namin. Baka mangunguha ng bata huhuhu

Bumaba yung bintana at nakita ko ang pamilyar na mukha. Shit! Pinsan ko to

Nagtago ako sa likod ni Dominic dahil sya lang ang malapit sakin

"Excuse me, pwede bang magtanong?" narinig kong sabi ng pinsan ko

"Ano po ba yon?" sabi ni CJ

"San ba dito yung Aqua Resort?"

"Diretso lang po kayo tapos kanan kayo"

"Ah sige salamat" umandar na ang makina ng kotse kaya sure akong umalis na sila kaya inalis ko na ang pagkatago ko kay Dominic





Kaso nashookt ako kasi pinaandar lang pala yung makina at nakababa lahat ng bintana nila at nag-uusap usap

Napatingin naman sakin ang isa kong pinsan  at mas lalong namilog ang mata ko

"Ate Precious?!" I'm doomed

Napatingin naman sakin ang mga pinsan ko,  pati si uncle

"Faith kilala mo sila?" tanong ni Dominic

"Hoy Dominic! Bingi ka ba? Precious ang sabi, Faith pangalan ng katabi mo" sabi ni Hazel

"O-oo nga naman Dominic, hindi ko sila kilala"

Bumaba ang isa kong pinsan sa van at hinawakan ang braso ko

"Ate Precious, ikaw nga!"

Kinalas ko ang braso ko "Hindi ko nga kayo kilala"

"Teena, sumakay ka na sa van. Hindi ka nga kilala diba?" sabi ni uncle

"Pero tito si ate Precious yan--"

"Hindi nga ako si Precious!" galit na sabi ko, nagulat naman ang pinsan ko sa inasta ko, pero maski ako hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon. Dahil ba sa galit?

"Teena, bumalik ka na dito. Stop wasting your time with that shit" sabi ni uncle kaya sumakay na lang din sa van si Teena at pinaandar na nila yon

Shit? So ano ako? Piece of shit, ganun ba? Hayup ka, uncle. Matapos mong umungol ungol sa ginagawa natin dati ngayon sasabihin mo na shit ako. Fuck you uncle! Mamatay ka na. I don't know you anymore.

"O? Pano na? Tuloy ba tayo sa Aqua?" pagbasag ni Hazel sa katahimikan

"Pwede bang wag na lang sa Aqua?" tanong ko

"Why Faith? Dahil doon din ang punta ng mga nakavan kanina? Kilala mo ba talaga sila?" tanong ni Dominic

"N-no" pagtanggi ko

"Bakit ayaw mong pumunta don?" tanong pa nya

"Because of... mahal nga kasi yung entrance fee"

"Treat nga kita diba" mukha namang wala na akong magagawa kaya pumayag na lang ako

"Ma, punta kami sa Aqua bukas" sabi ko kay mama habang kumakain kami ng hapunan

"Sige anak, basta mag-iingat ka don, ah" sabi ni mama

"Ate ate! Sama ako" sabi ni Franz

"Wag na Franz, silang magkakaibigan yon. Sa susunod na lang tayo, okay?"

Malungkot namang tumango si Franz, wala na din akong magagawa, gusto ni mama e

9 AM kaming umalis at pumunta na sa aqua. Medyo madami pa din ang mga tao, buti na lang ay nakakuha kami ng cottage. May beach din dito sa resort na to kaya agad silang lumublob don pagkababa namin ng gamit sa cottage.

"Faith! Lika na dito" pag-aaya ni Hazel

"Oo saglit" sabi ko dahil naglalakad pa ko, agad naman akong nilapitan ni Dominic at binuhat na parang sako

"Hoy Dominic, ano ba!" sabi ko at hinampas hampas ang likod nya dahil ang dami ng tao ang nakatingin sa amin ngayon

"Hahahaha! Ang bagal mo kasing maglakad" sabi nya at tawa ng tawa

"Ibaba mo na ako!"

Nung naibaba nya na ako sa dagat ay pinagbabasa naman nila ako ng tubig

"Hoy ano ba! Masakit sa mata" sabi ko sa kanila

"Hahahahaha" tawa nilang lahat

Napahinto ako sa pagtakip sa mata ko gamit ang braso ko dahil natanaw ng mata ko sila uncle. Diretso ang tingin sakin ngayon ni unlce, maski sila daddy at mommy ay nakatingin din sakin, pati ang mga pinsan at mga tito at tita ko. Pero iba ang tingin ni uncle, ang mga pinsan ko, sila mommy, sila tita, umiiwas ng tingin habang nag-uusap na malakas ang pakiramdam ko na tungkol sakin yon. Si uncle, wala syang kibo, hindi nya pinansin ang pinag-uusapan nila mommy at diretsong diretso lang ang tingin nya sakin.

Hindi ko alam pero tinitigan ko lang din sya. Oo galit ako sa kanya, pero hindi ko kayang itanggis na miss na miss ko na sya. Sa loob ng isang linggo na yon, gumaan ang pakiramdam ko sa kanya, sumaya ako at tumibok ang puso ko.

Puro kacheesyhan ang sinasabi ko pero wala akong magagawa, yon ang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng mainit na tubig galing sa mata ko at alam kong luha yon. Inalis ko ang tingin ko kay uncle at nagpaalam ako sa mga kaibigan ko

"Cr lang ako" sabi ko at walang lingon lingon na bumalik sa cottage, hindi ako nagcr, excuse ko lang yon

Nabibiwisit ako sa sarili ko. Gusto kong sabihin na magalit ako sa kanila, kay uncle dahil hinayaan nila akong umalis, pero wala. Miss na miss ko na sila. Lalo na si mommy, daddy, at uncle.

Magtatanghalian na kaya inihaw ko na ang mga dala naming barbecue. Bumalik ako sa dagat para ayain sila, nagpahinga din naman sila sa cottage pero bumalik din sila don. Bahala silang mangitim don hahaha

Papunta ako sa beach at nakita ko si uncle na may kausap na babae, nakatwo piece yung babae at si uncle naman ay parang binabalik ang shades nung babae. Nagtawanan naman sila. Sa sobrang gigil ko sa nakita ko ay sa gitna nila akong dumaan

"Excuse me" mataray kong sabi at diretso lang ang tingin sa paglalakad

Agh! Faith! Bakit mo ba ginawa yon??? Kapabibo mooo!!!

Hindi ako nagseselos, okay? Hindi. Hindi. No. NEVER!

Pero nanghihina akong lumalakad dahil nararamdaman ko ang tingin ni uncle na nasa likod ko

Mamatay ka na Faith! Bakit mo ba kasi yon ginawaaa?!!

"Kakain na" sabi ko at inaya na ang mga kaibigan ko sa cottage

"Ay grabe! Hindi man lang kayo nahiya kay Faith" sabi ni CJ

"Wow naman CJ! Hiyang hiya din kami sayo" sabi ni Hazel habang punong puno ang bibig ng kanin at ng barbecue

"Hahaha, ano ba. Okay lang yon. Besides, ayoko din namang magswimming" sabi ko sa kanila

"Hehehehe..." sabi ni Hazel, kacute talaga neto hahaha

At the CouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon