5 Fall Into Pieces

12K 26 0
                                    

"Faith, let's go" sabi ni mama, I decided to call her mama, may galang naman ako

I packed my things pero may plano ako na magpumilit

"No! I don't want to"

Lahat ng kamag-anak ko sa side ng Alcantara ay nandito, halos lahat ng pinsan ko ay umiiyak na

"Anak, naghihintay na sayo ang kapatid mo" sabi pa nya

"I don't care!" and all of my memories in my family pop into my mine

"Mommy, nagmamakaawa ako. Ayoko, ayokong umalis" naglalawa na ang mata ko dahil sa mga luha

"Anak, you should go, okay?" sabi ni mommy

Hinila ako ni mama pero kinalas ko ang hawak nya sa braso ko at nagtatakbo kila mommy. Hinawakan ko ang binti nila ni daddy

"Mommy! I'm begging you, I don't want to come with her please. Kayo lang ang gusto kong nanay. Mommy!"

Nilapitan ako ni mama at hinila ako

"MOMMY!!" malat na malat na ang boses ko kakahiyaw kila mommy

"Uncle... diba, diba sabi mo... pipi--pipigilan mo sya, diba nangako ka sakin kahapon... uncle ayoko, pigilan mo sya uncle... please" nagmamakaawa kong sabi kay uncle

Pero sa baba lang sya nakatingin. At nanghina ako sa fact na yon. Na hindi nya ako tutulungan

"UNCLEEE!! Sabi ko pipigilan mo sya!! Uncle nagmamakaawa ako!! Mommy!! Ayoko ayoko ayoko!! Daddy!!" nagwawala na ako sa harapan nilang lahat pero wala akong pake

"Faith..."

"HINDI AKO SI FAITH!!" todo hiyaw kong sabi kay mama, dahil na din siguro sa emosyon

"Precious, come with your real mother" gulat akong napatingin kay uncle sa sinabi nya

"Wag kang umasa na tutulungan kita. Dun ako sa tama"

And I fall into pieces

Nanghina ako kaya nagawa akong hilahin ni mama sa bahay. At wala na akong nagawa dahil naisakay nya na ako sa kotse.







Maga ang mata kong bumaba sa kotse, sumalubong sa akin ang mapuno at sariwang hangin.

"Simula ngayon anak, dito ka na titira sa Batangas" sabi ni mama sa akin

Pumunta na kami sa bahay at simple lang ang bahay pero halatang mayaman din ang may ari. Hindi sya kasing laki ng bahay namin pero ayos lang.

"A-ano pong real name ko?"

"Ikaw si Faith delos Santos"

After ng nangyari sakin, sumalpok sa akin ang katotohanan na hindi ako kayang ipaglaban ng pamilya ko. Maski si uncle na inaasahan ko.

Sa ngayon, tatanggapin ko na lang na ako si Faith delos Santos.


"Faith, sya ang kapatid mo, si Franz" sabi sakin ni mama at hinarap sakin ang isang 6 years old siguro na lalaki

"Hi ate! Alam mo na matagal ka ng kinukwent ni mama sakin." bibong sabi nya

"Talaga?"

"Opo! Kaya nga po tuwang tuwa ako kasi nakikita na kita e"

"Wow, ang sweet naman ng kapatid ko"

Ngayon ko lang mararanasan na magkakapatid. Mukhang maninibago ako sa magiging buhay ko

"Faith, grade 12 ka na diba?" tanong sakin ni mama habang kumakain kami ng hapunan

"Opo"

"Dun na lang kita ipapasok sa national high school dito noh, don kasi ako nagtapos at alam kong maganda ang turo don"

"Sige po"

"May mga gamit ka na ba?"

"Wala pa po"

"Sige, bukas maghahanap ako ng sasama sayo sa mall para makapamili. Pasensya at hindi kita masasamahan, may gagawin pa kasi ako sa munisipyo bukas"

"Okay lang po yon. Sorry nga po pala sa inasta ko kanina"

Nginitian naman ako ni mama "Ayos lang yon, naiintindihan naman kita"

"Mama! Mama! Pupunta si ate bukas sa mall? Sama ako! Sama ako!" makulit na sabi ni Franz

Tiningnan naman ako ni mama, yung 'okay lang ba?' look

"Sige Franz, sama ka sakin bukas" sabi ko sabay ngiti

"Yehey!"







"Faith, sya si Dominic, kaibihan ko ang mama nya kaya kilala ko na yan. Dominic, ikaw na bahal kay Faith" sabi ni mama

Umalis na si mama at kaming tatlo na lang ang naiwan dito

"Ano? Lika na?" pag-aaya ni Dominic

"Sige" sabi ko at ngumiti

Sumakay kami sa jeep papuntang mall. Isang sakayan lang nanan kaya hindu kami nagtagal masyado. Pumunta na ako sa national para bumili ng kailangan ko, binigyan naman ako ni mama ng pera kay may pambili ako. Sa jollibee kami kumain dahil dun daw gusto ni Franz. Mabait naman si Dominic kaya hindi ako nahirapan na pakisamahan sya

"Ayos pala ah. Magiging magkaklase tayo" parehas kasi kamung grafe 12 at STEM. Sa iisang school lang din ang papasukan namin

"Sana nga, para may kakilala ako agad"

"Wag kang mag-alala, sa susunod ipapakilala din kita sa mga kabarkada ko" sabi pa nya












Pasukan na at medyo sanay na ko dito. Hindi lang din si Dominic ang kakilala ko dito. Si Hazel, Bea, CJ at Jake ang mga kabarkada ni Dominic na kaclose ko na din

"Dominic, ligawan mo na kasi si Faith" pang-aasar ni CJ. Dati pa nila ako inaasar kay Dominic at hindi naman ako naaapektuhan

"Oo nga Dominic, wag kang totorpe torpe" sabi ni Bea

"Ewan ko sa inyo. Baka nagagalit na si Faith oh" pagtingin sakin ni Dominic

"Ha? Ah hindi ah, okay lang"

"Ayieeeh! Kilig kilig naman amg buchi ni Dominic oh" sabi ni Hazel at nagtawanan naman kami

"Faith, half day lang naman tayo diba? Tara mall tayo?" pag aaya ni Bea

"Sino kasama natin?"

"Tayong tatlo nila Hazel"

"Hoy hoy hoy! Ano yang naririnig ko na yan? Bakit hindi kami kasama?" sabi ni Jake

"Girls hang out to, gago" sabi ni Hazel

"Mga babae talaga, daming kaartehan"

"Jake, hindi to kaartehan. It's called fashion" sabi ko

"Panis ka kay Faith" sabi ni Bea kay Jake

"De wow" tumawa naman kamu at umuwi na






Natuloy kami sa mall at nandito kami sa salon ngayon. Nagpapagupit kami. At ako eto, gugupitan ng hanggang sa balikat. Jusko! Ang habang ng buhok ko tapos hanggang balikat lang ngayon? Pero bagay naman ang nangyari, may volume ang buhok ko kaya parang nakalobo sya. I like it! Hahaha

"Waaaah!!! Faith bagay sayo yung buhok mo" sabi ni Hazel

"Bagay din naman yung sa inyo ah" sabi ko

"Oo nga pero--"

"Wow! Agree agad teh?" sabi ni Bea kay Hazel

"Tse! Kain na nga lang tayo" sabi ni Hazel at nag aya sa McDo





"Wow ate! Ang ganda ng buhok mo" sabi ni Franz pagkauwi ko

"Nak, bagay sayo yang buhok mo" papuri ni mama

"Salamat bunso, salamat mama" matamis kong sabi

"Sige na, palit ka na ng damit ng makakain na tayo ng hapunan" kaya nagpalit na ko ng damit



Unti unti ko ng nalilimutan ang past ko. Past is past. Ayoko ng balikan pa ang mapapait na nangyari sakin. Ayokong alalahanin na hindi nila ako pinaglaban.

At the CouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon