KABANATA 1

21.7K 381 7
                                    

RANIA'S POINT OF VIEW

      Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang mahalaga sa akin ay makaalis at makalayo ako sa impyernong bahay na iyon.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko ng tinawag ako ng isang body guard ko.

"Lady Rania! Huwag na po kayong tumakbo. Sumama na po kayo sa amin pabalik sa mansyon. Baka pagalitan pa tayo ni Master." Sigaw nito habang hinahabol pa rin ako.

Patuloy lang ako sa pagtakbo.

"Leave me alone guard Evan! I want to leave!" Ako habang tumatakbo pa rin.

Kahit saan ata ako pumunta matutunton pa rin ako. Pero kahit ganoon pipilitin ko pa ring makaalis at makalayo.

Ayoko ng bumalik sa mansyon na iyon. Ayoko ng maging sunod-sunuran sa lalaking iyon.

I wanted to live my own life. Away from him. Away from everything about him!

Ramdam ko na ang pagod sa pagtakbo pero hindi pa rin ako tumitigil.

Kunti nalang at malapit na ako sa highway. Kunting-kunti nalang talaga.

Ngunit napahinto ako sa pagtakbo ng may humarang na isang magarang kotse sa harapan ko.

Shit naman oh! Bakit ba humaharang ang sasakyan na ito?

Nilingon ko ang aking body guard na humahabol sa akin. Nakatayo na lang ito di kalayuan mula sa akin.

Napalunok ako sa aking laway.

Could it be?

Dahan-dahan kong nilingon ulit ang sasakyan sa harapan ko. Ganoon na lang ang panlalamig ko ng sumalubong sa akin ang malamig at matatalim na mga mata na nakatitig sa akin.

"You've been very naughty these past few days Rania. What shall we do about it?"

Taas noo itong naglakad palapit sa akin. Dahan-dahan akong humakbang paatras habang siya naman ay palapit ng palapit.

"Why can't you just leave me alone?! Mahirap bang intindihin iyon?!" Singhal ko na patuloy pa rin sa pag-atras.

"You know I can't do that Rania. Let's go home already. It's getting dark." May aroganteng ngisi ito sa mga labi ng sabihin niya ang mga iyon.

"You can't make me!" And I was about to run away again when he caught my left arm.

Argh! Ano bang problema ng lalaking ito?

"Let me go you scumbag!" Ako habang pilit na binabawi ang aking braso.

Ngunit hindi siya nagpatinag. Patuloy lang ako sa pagpiglas mula sa hawak niya.

Unti-unti na niya akong nahihila papunta sa kotse niya.

"I said let me go!" Singhal ko ulit.

"Don't be too hard headed Rania. Or else---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng nasampal ko siya gamit ang isa kong kamay. Tumabingi ang kaniyang mukha dahil doon.

Awww! Ang sakit ng palad ko!

Hinarap niya ako ng makabawi siya mula sa pagkakasampal ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya na mas kinainis ko pa.

"Bastard! Scum! Asshole! Let me go! Leave me alone!" Nagsusumigaw ako ng walang pag aalinlangan niya lang akong binuhat. Hayop!

Isinakay niya ako sa loob ng kotse. Lumapit kaagad ako sa kabilang pinto para buksan ito ng may humarang na isang guard sa gilid kung saan sana ako lalabas.

Lilipat na sana ako ng pumasok na rin siya sa loob ng kotse.

Argh! Padabog akong umayos ng upo at hindi siya tinapunan ng tingin. Panalo na naman siya. Hmp!

"You can't act and do something like this everytime Rania. You need to grow up." Litanya nito.

Napairap nalang ako sa kaniyang sinabi.

"I'll do whatever I want and whenever I want to! You can't dictate me forever!" Bulyaw ko sa kaniya. I hate him!

"What I'm doing is for your own good Rania. Can't you be just a dear and listen to me?" Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya.

Para sa akin? Baka para sa sarili niya. After my parents death siya na ang palaging nasusunod. Ang dami ng bawal sa akin. Hindi ako pwede mag ganun. Hindi ako pwedeng mag ganyan. Kesyo masama. Kesyo bata pa daw ako. Which is absurd!

I'm twenty years old for christ sake!

"For me?! Are you making me laugh? Alam ko na ang pinaplano mo! That is why you can't afford to lose me because I am your ace card! How could you do this to me and to my family?!" Galit akong himarap sa kaniya. I loathe him to death. Talagang kinamumuhian ko siya.

"Rania--" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. I don't want to hear another lies again.

"Save it for yourself. I don't want to hear it! And remember this I fucking hate you to death Samson!"

Natahimik siya at hindi na nagsalita pa.

Curse him!  Sana mawala na siya landas ko. Sana mawala na siya sa buhay ko!

Escaping From Him (Available In Dreame/Yugto) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon