THIRD PERSON POINT OF VIEW
Pagkalabas ni Samson sa kwarto ni Rania ay napabuntong hinga siya.
"Kamusta po master?" Napaangat siya ng tingin kay butler Chad. Pilit na ngumiti si Samson.
"As usual." Maikli niyang sagot at binalingan muli ang pinto ng kwarto ni Rania.
"Balang-araw mauunawan din ni Miss Rania ang lahat master. Bigyan niyo lang po siya ng sapat na panahon para matanggap ang lahat ng nangyari." Si butler Chad na nginitian siya.
Tumango si Samson sa sinabi ng matanda.
"You're right butler Chad. She needs more time to absorb it all." Ngiti niya sa matanda. Yumuko naman ang matanda at magalang na nagpaalam sa kaniya.
Siya naman ay nagpunta na sa kaniyang kwarto. Pagkapasok ay nagbihis siya at dumiretso sa balkonahe ng kaniyang kwarto habang may dalang isang baso na naglalaman ng alak.
Pinakatitigan ni Samson ang kalangitan.
If only he could turn back the time everything would be according to place right now.
Wala sanang ganito. Wala sanang masasaktan.
Pero hindi eh. Hindi na niya maibabalik ang oras--- ang nakaraan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat ng kaniyang makakaya para maging maayos ang lahat.
Nang sa ganun ay walang pagsisihan ang mga taong nagtiwala sa kaniya.
He will do everything in his power to make everything fine.
RANIA POINT OF VIEW
"Rania, anak, bumangon kana at kumain. Magtatanghali na hindi ka pa kumakain ng agahan." Ani sa akin ni yaya Merling.
"I don't want to eat yaya. Gusto ko po munang mapag-isa." Sagot ko na hindi man lang siya tinitingnan. Wala akong gana kumain.
"Hindi pwedeng hindi ka kumain anak. Hindi maganda ang nagpapalipas ng gutom." Pagpipilit ni yaya Merling sa akin.
"Ayoko po talagang kumain yaya. Pabayaan niyo na lang po ako."
"Hindi ka namin pwedeng pabayaan Rania. Kaya sige na anak, kumain kana." Pamimilit pa rin ni yaya. Naiinis na ako.
"Ayoko nga po yaya. Bakit ba ang hirap niyong pagsabihan? Bakit ba lagi nalang kayo ang nasusunod? For once, let me live my own life! Hindi ko naman kayo pinepurwisyo eh!" Tuluyan na akong pumutok. Kasi naman eh. Bakit ba nila pinipilit lahat ng gusto nila? Wala na ba akong karapatan na magdesisyon sa sarili kong buhay?!
"Iiwan ko nalang dito ang pagkain anak. Kumain ka kapag gusto muna." Tapos ay inilapag niya ang mga pagkain sa maliit na lamesa.
I'm sorry yaya Merling. Mahal po kita.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya iyon pero hindi ko ginawa.
Alam ko kawalan ng respeto ang ginawa ko. Pero masisisi niyo ba ako kung ganun nalang ang naging reaksiyon?
They deprive me from my rights to live freely. Even my relatives can't visit me. Dahil sabi ni Samson.
Tanging pride nalang ang meron ako. At kung pati iyon lulunukin ko at magpadikta sa kanila ng tuluyan. Ano na ang mangyayari sakin? Ano pa ang matitira sa akin? Wala!
Kaya hanggat kaya ko. Pipilitin kong tumakas sa impyernong lugar na ito kahit na may masaktan pa akong ibang tao.
Wala na akong pakialam sa kanilang lahat. Ang tanging alam ko nalang ngayon ay ang makalaya sa lugar na ito at mamuhay ng malayo kay Samson.
Iyon lang at wala ng iba pa.
Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ako mula rito.
"Pwede bang pabayaan niyo nalang ako?! Bakit ba hindi kayo makaintindi!" Singhal ko at unti-unting humarap sa kung sino mang poncho pilato ang pumasok.
Ganun nalang ang panlalamig ko ng masalubong ko ang malamig na titig ni Samson.
"You've gone way too far Rania. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo." Malamig niyang untag at matalim akong tiningnan.
Bigla akong natakot. Minsan ko lang makita si Samson na magalit.
Oo. Malakas ang loob ko na sagot-sagutin siya pero kapag ganito na siya at galit na. Natatakot na ako.
Unti-unti akong umatras palayo sa kaniya.
"A-ano? S-sasaktan mo 'ko?" Sa kabila ng takot na nararamdaman ay nagawa ko pa ring sumagot sa kaniya.
Humakbang siya ng dalawa palapit sa akin.
"I wanted to scold you Rania. God knows I wanted to punish you. But I just can't." Unti-unting nagbago ang anyo ng kaniyang mukha at bumalik na ito sa dati.
"Just let me leave Samson. Let me go." Nakikiusap ako sa kaniya.
Lumapit pa siya sakin at ako naman ay napapaatras.
"I'm sorry sweetheart. But I can't give you what you want." Sabi niya. Nainis na naman ako sa sagot niya.
Huh! As expected! Hindi naman talaga siya papayag eh.
"Kung ganun umalis ka sa kwarto ko. I don't want to see your face!" Naging seryoso na naman ang mukha niya sa sinabi ko.
"I am doing everything I can to please you Rania. Hindi pa ba sapat sayo lahat ng iyon? Do you really need to go out? Ano ba ang gusto mo?!" Inis niyang tanong sa akin. Tss. Bobo ba siya?
"Alam mo ang gusto ko Samson. Iyon ay ang kalayaan ko! Bakit hindi mo mabigay-bigay sakin iyon?! Mahirap bang ibigay ang hinihingi ko?!" Singhal ko sa kaniya.
Galit niya akong hinarap.
"Oo mahirap! Kasi hindi ko kaya! Hindi ko kaya! Kaya hanggat nabubuhay ako mananatili ka sa mansyong ito sa ayaw at sa gusto mo Rania! Don't wait for me to lock you up!" Singhal niya rin.
"Umalis ka sa kwarto! Lumabas ka Samson! I loathe you to death!" Pagpapalabas ko sa kaniya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at lumabas ng aking kwarto.
Unti-unti na niyang isinara ang pinto ng aking kwarto ng tawagin ko siya.
"Samson.." nag-angat siya ng tingin sa akin.
Nginitian ko siya ng may halong sakit at pighati.
"Thanks for making my life miserable." At ako na ang nagsarado ng pinto. Inilock ko ito at doon napasandal.
Kita ko ang pagkatigil niya sa sinabi ko bago ko isarado ang pinto.
He really did make a good job for ruining my life.
At sana mamatay nalang ako. Kasi pagod na ako sa buhay kong ito.
I don't want to live anymore.
BINABASA MO ANG
Escaping From Him (Available In Dreame/Yugto)
RomanceLove me or Leave me? - Samson Gabe Yu