RANIA'S POINT OF VIEW
KINABUKASAN ay hindi ako lumabas ng aking kwarto. Wala din namang nanggulo sa akin. Which is pinagpapasalamat ko kasi nagkaroon ako ng kaunting katahimikan sa loob ng aking silid.
Ngayong araw ay paplanuhin ko na naman ang tumakas. Di bale na kung ano ang mangyayari. Basta ang mahalaga ay makaalis ako sa bahay na ito.
Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakalaya sa malaimpyernong buhay na ito.
Napagpasiyahan kong lumabas ng kwarto at nagpuntang garden. Doon makakalanghap ako ng sariwang hangin.
"Lady Rania, gusto niyo pong kumain? Ipaghahanda ko po kung ano ang gusto niyo." Tanong sa akin ng isang katiwala ng makita akong lumabas ng aking kwarto.
Mabilis akong umiling sa kaniya.
"No need. Busog pa ako. Maraming salamat nalang." Yumuko lang ang katiwala at hinayaan ako.
Nagpunta na ako sa garden at naupo sa swing na naroon.
Nakita ko ang paglapit ng mga body guards sa pwesto ko.
Napahigpit ang hawak ko sa kadena ng swing at masamang tinignan ang mga body guards.
Napatigil naman sila at bumalik sa kaniya-kaniya nilang mga pwesto.
Ang higpit talaga ng security ni Samson. Kahit na nandito lang ako sa garden bantay sarado ako. Tss.
Tinawag ko ang isang head ng body guard.
"Guard Smith?" Pagtawag ko sa kaniya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at magalang na yumuko.
Argh! Stop doing that.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo young lady?" Argh! This formality makes me sick!
"Nasan si Samson ngayon?" Tanong ko. Not that I am curious where he is. I am just asking where he could be right this moment.
"Nagpunta po si master sa ibang bansa para sa isang business meeting young lady. Babalik po si master sa susunod na linggo." He politely answered my question.
I nod my head and dismiss him afterwards.
So nasa ibang bansa pala siya? Napangisi ako.
May ilang araw pa akong magplano para malabas sa bahay na ito.
I should plan well. Nang sa gayon maging successful na ang pagtakas ko at hinding-hindi na ako mahuhuling muli ni Samson.
I'll escape from him every chance I get. And I won't stop until I get my freedom.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Nasa ibang bansa ngayon si Samson at hindi siya mapalagay. Hindi siya mapakali. Baka kung ano na ang nangyari doon sa Pilipinas.
Kaya para sa hindi na mapakali ay tinawagan niya si guard Evans.
"Master." Pagsagot nito sa kabilang linya.
"How's everything doing there?" Tanong ni Samson.
"Maayos naman po master. Wala pong naging problema."
Tumango-tango si Samson as if na makikita ito ng kausap.
"How's Rania?"
"Maayos din po si lady Rania, master. Nandito po siya sa garden ngayon. Binabantayan nila Smith at iba pa."
"Good. I want you to keep an eye of her Evans. Huwag niyong hahayaan na makaalis si Rania sa mansyon. Kundi mananagot kayo sakin."
"Areglado po boss. Babantayan po namin ng maigi si lady Rania. Nga po pala master, tinatanong ni young lady kung nasaan ka."
BINABASA MO ANG
Escaping From Him (Available In Dreame/Yugto)
RomanceLove me or Leave me? - Samson Gabe Yu