Chapter Six

33 3 0
                                    

Simula na ng bagong school year.

"Hoy bakla. Sikat natin ah?" sabi ni Kate.

Kate Swift. Ang best friend kong bitch. Haha. Hindi, joke lang. Malandi lang. Ang hilig sa lalaki eh. Parang eng-eng.

"Anong sikat? Matagal na akong sikat." Siyempre sikat ako. Magazine cover kaya ako ng Time at Forbes. Sikat ako dahil student body Vice President ako. Ayokong maging president dahil siguradong sa akin naka-asa ang laha. I hate stress so it's a definite no no. Anyway, kami ni Kuya Jeff ang pinaka-kilala sa school dahil na rin sa mga achievements namin.

My brother excels in sports as well in academics pero mas nakaka-excel ako sa academics kahit pa marami akong extra curricular activities. Hindi rin naman ako papatalo kay Kuya. Siya na sa mga sports like football, basketball and ang pinaka-bago niya, ang longboarding or skateboarding. In the first two, parating champion ang school namin dahil siya ang captain. Marami ring higad na nagtsi-cheer pero natatakot sakin. Ha! Dapat lang. Mga hampaslupa.

As I said, I sort of excel in academics. I'm the president of the debate, school paper and the camera club. Guto ko mag-take ng pictures pero madalas na ako ang subject. Oh well. Okay lang din, kaya lang, nagiging over-protective si Kuya. Mahal na mahal ako nun. Ni ayaw niya akong makitang naka-skirt or dress man lang maliban na lang kung magsisimba kami.

"Gaga. Alam ko. Inggit nga ako nun eh. Pero dearie, mas sikat ka na ngayon. Ikaw ba naman ang ibandera sa IG at Twitter ng isang lalaking itatago na lang natin sa pangalang ni Lee Min Ho?" naghi-hysterical na ang gaga. Panay ang pagpa-paypay sa sarili.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang issue between me and Min-min. Halos araw-araw kasi kaming magkasama at santambak ang pictures namin. At ang ulol, post ng post sa IG at Twitter. Ang hirap maging maganda talaga. Okay lang. Ilang beses na rin namang naipakita sa TV at magazines ang ganda ko. pero kahit na. Masyado ng pinagkakaguluhan ang kagandahan ko.

"Manahimik ka kung ayaw mong ipa-salvage ki---"

"Hi Miss." Sabi ng isang gago. Di ko kilala. As if. Sarap ding tuktukan tong mga manyak na to eh.

Habang naglalakad ay panay ang tingin ng ibang estudyante sa'kin. May mga sumisipol pa. Duh! Ano ako? Aso na lilingon sa sipol nyo?! Bwesit. Ang papangit naman. Hayy naku. Bumabangon na naman ang pahka-maldita ko dito. Badtrip. Bwesit talaga.

"Hi sexy. You wanna have date with me?" sabi ng isa pang pangit na humarang sa'kin.

Hinarap ko naman. Lakas ng apog eh. "Sure."

"YES!" nabigla man ako sa sigaw niya, hindi ko ipinakita. Taas kilay ko lang siyang tiningnan. Alam kong nakatingin din ang ibang estudyante kaya kailangang poised na poised pa rin ako.

"I'm not yet finished." Sabi ko ng tangkang aakbayan na niya ako. I pulled his shirt and whispered in his ear. May mga tumili pa. Bwesit. Sakit sa ears. Pag-umpugin ko kayang mga ulo nito? "I'll go on a date with you if you fix your face. Maybe I'll give you a chance," I smiled sweetly and left.

"Hoy Caleigh. Ang sasakit ng banat mo ah? Letche ka talaga. Si James yun. Tinitilian ng kababaihan dito sa school."

"Paki ko? Pangit nya." May gwapo sana pero... Ugh! Bwesit ang lalaking yun!

"Tse! Pangit ka jan. Muntik mo na ngang halikan. Uyy. Chansing lang yun noh?"

"Gaga. Kung isinigaw ko ang sinabi ko sa kanya baka nasampal lang ako nun."

"Gaga ka rin! Anong gamit ng pagmi-mix martial arts mo kung di mo magamit?! Boba!"

"Hello? Isang Caleigh Lopez, magandang ubod ng yaman. Mag-aaksaya ng oras sa isang hampaslupang gaya nyo?"

The Heart and Seoul SearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon