Andrea POV"You don't have the right to accused my client as modified thief. You don't have any evidence to prove. And a hearsay from your employees is not that strong to the accusations." Galit na galit ang tuno ng boses na naipukol ko ngayon. Hindi dapat sila ganito sa maliliit na tao.
"Pero may witness kami, sumumpa sila na magsasabi sila ng walang kasinungalingan at pawang katotohanan lang." Nakakuyom at pag ka crossed fingers ni Weiss na nakaupo sa gilid. Ramdam ko ang init ng laban ngayon.
"Let me tell you this Mrs. Sandoval, matalino kang tao. Pero madali kang maniwala sa sabi sabi ng iba." Naglalakad ako pabalik balik sa harap niya at gayon naman ang pagsunod ng mga mata niya sa akin.
Hindi na tumagal ang paglilitis. Nakapag desisyon na ang Judge at nagsalita na ang bailiff sa korte.
"Napatunayan sa korteng ito, na ikaw Joel Dela Cruz ay hindi Guilty sa salang pagnakaw ng mga ari arian ni Mrs. Weiss Sandoval. Case adjourned." Inayos na ng bailiff ang mga papeles sa harap niya at pagkatapos umalis na.
Nagkamayan naman kami ng kliyente ko at pati ng asawa niya, masaya sila dahil naibigay ko ang katarungang hinahanap nila.
Masama ang tingin ng kampo nila Weiss sa akin, pero wala na akong kaso sakanila. I'm just doing my job. So don't you dare try me.
"We're not yet done Andrea. You'll pay for this." Masama ang tingin at masama din ang sinabi ni Weiss sa akin. Hindi ako natatakot. Mas natatakot pa ako para sakanya dahil hindi niya na kilala kung sino ang mga tunay na kakampi niya.
-------------------------
"You did it well Galvez! Cheers to that." Sambit ni Andrew sa akin. Tinaas ko naman ang baso ng cocktail na iniinom ko.
Nagcelebrate kasi kami dahil sa pagkakapanalo ng kaso. Napatunayan ko lang na karapat dapat ko palang i pursue ang karera na to.
"So, kumusta naman si Sandoval? Hindi naman ba siya nag ngingitngit sa galit dahil sa ginawa mo?" Tanong niya sa akin at bahagyang sumisim ng alak.
Naisip ko na yun, noong nasa ospital palang kami. Pero trabaho ko iyon e.
"Panigurado yun Drew, pero tagapagtanggol tayo. Hindi ko maaatim na makulong ang walang sala." Tipid na ngiti nalang ang iginawad ko sakanya.
Ngumisi siya at saka nagsalita. "That is so Andrea Galvez."
Tumawa ako at sinipat sya sa braso. "Baliw ka." Itinuloy nalang namin ang panunuod ng nakakatawang palabas dito.
Hinatid na ako ni Andrew sa bahay. Nakatulog na din ako sa sobrang hilo. Gusto ko lang talagang makapagpahinga ng walang iniisip kaya uminom ako.
Ipinikit ko na ang mga mata ko....
"You stupid Andrea! Lumabas ka dyan! Masyado mo na akong pinapakailaman." Sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Weiss!
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa balcony. "What are you doing here? Wala akong magagawa kung korte na ang nagdesisyon." Sagot ko sakanya.
Nag kuyom bigla ang mukha niya, gumagalaw galaw din ang kanyang panga. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. "Hindi kita patatahimikin, ano bang gusto mo ha? Sirain talaga ang buhay ko? Pinaasa mo na nga ako noon, at ano? Ito pa! Kinakalaban mo pa ako." Sigaw niya sa akin na halos magising na ata ang mga kapitbahay.
"Umuwi kana Weiss, masyado ka ng nakakabulahaw dito." Wika ko. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang nagpaputok ng baril.
Nagulat akong napatingin sakanya. Itinutok niya sa akin ang baril. "I will kill you!" Isang malakas na putok ang narinig ko.
Napabalikwas naman ako ng bangon. Tinignan ko ang iba't ibang parte ng katawan ko. Panaginip lang pala.
Natakot ako. Parang ayoko makita si Weiss sa ganoong estado.
Hindi na ako nakatulog ulit, total umaga na nag jogging muna ako. Tapos paguwi ko naman nagluto na ako ng breakfast.
Habang nagluluto ako ng agahan, tumunog naman ang telepono ko. Nagmadali nalang akong sagutin yun, baka importante.
Si mama pala. "Nak?" Parang garalgal ang boses ni mama ngayon.
"Kumusta ma? May sakit ba kayo?" Tanong ko, nagaalala naman ako sakanila.
"Wala na ang papa mo anak. Inatake siya kanina. Dead on arrival daw." Bigla ko nalang nabitayan ang sandok na hawak ko.
Hindi pa nagsisink in sa utak ko lahat.
Wala na ang papa mo anak....
Umiiyak si mama. "I'm sorry nak, hindi ko man lang siya naiabot hanggang sa paguwi namin dyan."
Unti unti na ding pumatak ang luha sa mga mata ko. Mas masakit pa ito kaysa sa pagpakasal ni Weiss sa iba.
"Kailan ho ang uwi niyo?" Naupo ako sa isang stool malapit sa kusina ko. Nanghihina na din ang boses ko.
"Sa makalawa anak. Buti nalang at naka book kami agad ng flight. Hindi na kasi pwedeng tumagal ang papa mo dito." Sagot ni mama.
Natapos na din ang paguusap namin at tanggapin nalang ang nangyari.
Pumunta ako sa funeral parlor para ipa ayos ang burol. Sa family house namin napagpasyahan na iburol si Dad.
Hindi na din muna ako pumasok sa trabaho. Kailangan ko din kasing paghandaan ang paguwi ni mama. Ipinalinis ko na din ang family house namin sa tulong ng mga kapatid ko
---------------------
"Ma?" Iyak nalang ang naitugon ko ng makita ko sila sa airport, hikbi ako ng hikbi ha ang nasa sasakyan kami.
Maayos naman ang naging katapusan ni papa. Hindi man kami magkakasama sa huling sandali niya, ang mahalaga naging successful kami lahat.
Ako? Attorney. Si ate Corporate Manager na sa Canada, si kuya naman VP na sa isang banko dito sa Pinas. May pamilya na silang lahat, ako nalang ang wala.
Madaming pumunta sa unang burol ng papa, madami din ang nagbigay ng pinansyal na tulong. Hindi naman kami nanghihingi pero siguro ibinabalik lang nila ang tulong ni papa sakanila.
Nagbibigay kasi si papa ng libreng fee sa mga kliyente niyang walang pambayad. Magiting na tagapagtanggol talaga si Papa.
Lalo pa siyang nakilala ng maging Company Lawyer siya ni Mr. Van Sandoval na ipinamana naman sa anak niyang si Weiss.
''I wish you were here pa. You made me to what I have become now. Thank you for giving me everything." Bulong ko sa sarili habang nakasulyap sa gwapo kong ama na waring natutulog lang.Hinaplos haplos naman ako sa balikat ng dalawang kapatid ko, inakbayan nila ako at sabay sabay kaming pumikit at nagdasal para sa soul niya.
Hindi pa kaya alam ni Weiss ang nangyari?
BINABASA MO ANG
Shining Shimmering Splendid
RomanceWeiss Sandoval. A rich, powerful, bisexual, and such a gorgeous young lady. A seductive heiress of Mr. Van Sandoval a multi-billionaire businessman in the country. Andrea Galvez. Strong independent women. And such a great Lawyer of Sandoval Group of...