II

3K 78 2
                                    

XYLENE
MAAYOS na ang lagay nung lalaki bago namin sya iniwan. Iniwan namin sya dun sa lalaking chinitong doctor na nagpakilalang ninong nya daw. si Hera pa nga nagbida bidang kumausap dun, ang gwapo daw kasi. Hinayupak. After non umuwi na din ako. After that trouble my brother Hector almost scrub my ears out of my head dahil sa sermon nya.

"How's hell?" Tanong ko kay kuya Nasus na ikinabusangot ni kuya Hector dahil dead-ma ang inabot nya saakin.

"He's fine. Fucking fine." Sarcastic na sabi ni kuya Nasus.

"Balita ko he's into someone na ha?" Sabi ko bago sumubo ng pagkain. Kuya Nasus laugh.

"Yes. Si totoy hell mukhang may pinagkakaabalahang babae sa lungga nya." Nakatawang sabi ni kuya Nasus kuya Hector laugh with that too. Knowing Hell -- our youngest brother. He's so cold and distant. Tapos mababalitaan ko may chick na?

"Wow. That's a first" komento ko pa. "So.. he's no longer visiting us because he's so busy with the chick? Sana lang chick talaga yan at hindi tandang" sabi ko sabay tayo na sa kinauupuan ko. Tawang tawa sila kuya Hector sa sinabi ko to the point na dinig na dinig ko tawa nila kahit nakalabas na ako sa loob ng dinning Hall.

I have three brothers. Hector Dmitri, the oldest among us. He's the one holding the properties we inherit while we're studying. I'm the only girl. Yes. I'm their queen. Not a princess. Yuck.

"Hello? Nasaan ka na ba?" Salubong na tanong ni Hera sa phone habang nasa byahe ako. I'm not driving. Kuya Hector told me to go with a driver for now. Dahil na rin dun sa accident na nangyari. Well, I can't blame them.

"On the way na"

"Oh? Totoo? I-on mo yung location mo. Baka mamaya on the way ka pa lang sa C.R" sarcastic na sagot ni Hera. Naiiling na sinunod ko na lang ito.

Pagkadating ko sa university ay dumeretso na ako sa classroom ko base sa schedule ko. Kakapasok ko pa lang ng room ng masalubong ko si Zaya. She's blushing.

"Are you okey?" Tanong ko dito. She immediately nod. Her hair is quite messy. Pinanliitan ko ito ng mata. Gusto ko sana magtanong pero nevermind. Nang makapasok kami sa room ay nandoon na halos yung mga classmate namin, including Hera. "Oh? Bakit nakabusangot ka na naman?" Tanong ko kay Hera na usually naman eh nakangisi.

"Tss. Nothing." Tipid nitong sabi sabay nag iwas ng tingin. Napataas ang kilay ko. Hmm. Isang tao lang naman dahilan ng pag kabwisit ng babaeng to eh. Seth. naiiling na umupo na ako. I want to ask them what's wrong pero I know. They still need time para magkwento.

Nang matapos ang klase ay dumeretso na kami sa cafeteria. Kakapasok pa lang namin ng makasalubong ko ang isang pamilyar na mukha -- yung nabunggo namin kahapon! Teka?! Bakit wala na syang bali? Nagmamadaling sinundan ko ito palabas ng cafeteria. Tinawag ako nila Hera kaya sinenyasan ko ito na mauna na muna sila.

"Hoy! Budol budol!" Sigaw kong tawag dito. He's wearing a blue varsity jacket na may logo pa ng school representative sa basketball. Nang hindi ito huminto at mabilis akong humarang sa harapan nito. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Pati ako nagulat actually pagkatingin ko ng deretso sa mukha nya. Bakit parang mas nagmature yung features nya kaysa kahapon? Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa and what's funny? Tinignan nya din ako mula ulo hanggang paa.

"What?" Tanong ko ditong nakataas ang kilay.

"What?" Nagtatakang tanong nito. Ah shit. Ako nga pala nga pala yung magtatanong. "Ang ganda mo kaso ang weird mo din no?" Nakatawang sabi nito sabay akmang lalagpasan na ako ng biglang magsalita ako.

"Axel?" Tawag ko dito. Dahan dahan itong lumingon at nakataas na ang isang kilay.

"Hmm?" He didn't give a word.

Stolen heart ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon