"Oh please, mama! Don't leave me. Please?"
"Kapag hindi ako lumayo, papatayin ka nila! Gusto mo bang mangyari 'yon? Hihintayin mo pabang may mangyaring masama sayo?"
Lumuhod lang si Patrice sa harap ng kanyang ina at niyayakap ang mga binti nito.
"Mama, wag mo akong iwan sa kanila! Mas lalo lang akong mapapahamak kung iiwan mo ako. Para mo narin akong pinatay sa mga kamay nila!"
Pilit inaalis ng kanyang ina si Patrice na nakayakap sa mga binti nito. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa higpit ng hawak nya sa braso ng kanyang anak. Pumikit lamang si Patrice habang dinadama ang sakit ngunit tuluyan na syang mapaalis ng kanyang ina sa mga binti nito.
"Wala na akong magagawa. Nagkausap na kami ng kaibigan ng iyong ama na dito kana sa kanila. Kelangan ko ng umalis."
Pumatak na lamang ang luha ni Patrice habang nakayuko. Ilang saglit ay umalis na ang kanyang ina at tuluyan na syang iniwan.
"Papatayin ko sila."
Bulong ni Patrice sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Dangerous Woman
RomanceSi Patrice Finn Ackerson ng babaeng noon ay tahimik at hindi makabasag pinggan. Ngunit nagbago ang lahat ng iwan sya ng mga taong sobrang minahal nya. Lumayo ito sa kanya dahil sa isang trahedyang hindi nya gusto pang muling balikan. Saan nga ba nag...