Patrice Finn Ackerson
Pinahid ko ang mga tumutulong luha sa mata ko. Masyadong masakit na sarili kong ina ay iniwan ako sa mga taong pumatay sa aking ama. Hindi nya ako pinakinggan noong nagsabi ako sa kanya na sila mismo ang pumatay. Mas pinaniwalaan nya pa yung mga yon.
Tumayo ako at humarap sa pintuan ng aking kwarto. Wala na yung dating Patrice na mahina. Kelangan kong magpakatatag ngayon at kelangan kong gumanti.
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok ang apat na lalaki sabay hawak sa braso ko.
"LET ME GO!" Sigaw ko sa kanila habang pilit na hinihila ang mga braso ko mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.
Biglang pumasok ang isang lalaki sa pinto.
Kilala ko sya. Sya si Alfred Zapanta ang pumatay sa aking ama. Kung titignan halos kasing tanda na sya ng aking ama kung nabubuhay pa ito."Ano, Patrice? Mas pinaniwalaan ako ng iyong ina. Nakakatawa at mukha syang tanga sa harapan ko."
Palapit sya sakin habang binabanggit ang mga salitang yon kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na duraan ang mukha nya.
Yan ang nababagay sa'yo, tandang hukluban!PAAAAAAAAAK!
Halos mahilo ako ng sampalin ako ng matanda sa harapan ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko. Tumawa ako sa harap nya na nang-aasar.
"PAREHO KA TALAGA SA IYONG AMA! KAYA TAMA LANG NA PINAPATAY KO SYA! ISA SYANG MAYABANG AT WALANG MODO NA TAONG NAKILALA KO. KUNG IPAPATAY NA KAYA KITA NGAYON?"
Halos mag-ngitngit na sya sa sobrang galit pero tinitigan ko lang sya. Wala na ang aking ina at wala naring silbi pa ang buhay ko. Para saan pa ang buhay kong 'to?
"BUHATIN NYO NA YAN AT DALHIN SA BAHAY KO!"
Nagising nalang ako na nasa isang kwarto na ako. Ginamitan nila ako ng pampatulog dahil sa pagpupumiglas ko. Napadaing ako sa sakit dahil sa mahigpit na tali sa mga paa at kamay ko.
"PALABASIN NYO AKO DITO!" sigaw ko na halos wala ng boses. Nanghihina akong sumandal sa pader habang nakatingin sa pintuang nasa harap ko.
"Gising naba? Kunin nyo sya sa loob at gusto syang kausapin muli ni Tanda."
Napangisi ako dahil sa narinig. Kahit pala mismong mga tauhan ng tandang hukluban na yon ay kaya syang bastusin.
Biglang bumukas ang pintuhan at muli akong binuhat ng isang lalaki. Pilit akong nagpupumiglas pero sobrang nanghihina na ang katawan ko. Hindi ko na kayang kumilos pa.
Pumasok kami sa isang kwarto. Madami ang nakatayo mula sa labas ng pinto.
Mga walang kwentang tauhan ni Tanda. Sa isip ko."Ang haba ng naitulog mo Patrice ah? Napanaginipan mo ba ang iyong ama na nililigtas ka? Kaso hanggang panaginip kana lang. Kaawa-awa." Natatawang sinabi sakin ni tanda ng mailapag ako ng lalaking bumuhat sakin sa upuan.
"Hindi yun ang panaginip ko. Gusto mo malaman? Binabaon ko lang naman sa lalamunan mo yung kutsilyong hawak ko."
Ngumisi ako habang nakatitig sa kanya."Pasalamat kana lang dahil hindi kita pwedeng patayin ngayon dahil may mission kapang gagawin para sakin. Alam mo ba na ang pag-alis ng iyong ina ay sya ring pagdukot namin sa kanya? Pero wala syang alam na kami rin ang may pakana ng pagdukot sa kanya. Nakakatawa dahil mabilis magpaniwala ang iyong ina. Tiwalang tiwala sy----"
BINABASA MO ANG
Dangerous Woman
RomanceSi Patrice Finn Ackerson ng babaeng noon ay tahimik at hindi makabasag pinggan. Ngunit nagbago ang lahat ng iwan sya ng mga taong sobrang minahal nya. Lumayo ito sa kanya dahil sa isang trahedyang hindi nya gusto pang muling balikan. Saan nga ba nag...