Nagising ako dahil sa matinding ingay ng alarm clock mula sa mesang katabi ng higaan ko. Ilang araw na ako dito sa bahay ng hindi lumalabas. Kung tutuusin ayoko ng lumabas ng bahay na ito. Kuntento na ako sa pagkain at sa kwarto ko.
Minsan naiisip ko si mama. Pinapahirapan ba sya? Pinapakain ba sya sa tamang oras? Nakagapos din ba sya tulad ng pagdakip sakin ni Tanda?
Ngayong araw ang unang pasukan sa Vican University. Agad na akong kumilos para makapasok at hinanda ang mga gagamitin kong gamit. May ipinadala na kasi si Tanda sakin na gamit na gagamitin ko sa University.
Nang matapos na ako kumain ng almusal, agad akong lumabas ng bahay. Sumakay ako sa dumadaang jeep mula sa labas ng bahay pero pansin ko kaagad na parang may nakamasid sa akin. Mga ilang kilomentro pa kasi ang layo ng Vican University mula dito samin.
"Miss, pwede paabot ng bayad? Salamat." Napatingin ako sa babaeng nag-aabot ng pera sakin ngunit hindi ko sya pinansin. Bumalik ako sa pagtingin ko sa bintana ng Jeep.
Ayokong mag-abot ng bayad nya dahil wala ako sa kondisyon ngayon. Nagbago sakin lahat mula ng mawala ang papa ko.
Dati ay palakaibigan ako pero ngayon hindi ko na kelangan ng kaibigan. Mas kelangan kong makasama ang mama ko at tapusin ang pinapagawang mission ni Tanda.Pagtapat ng Jeep sa Vican University ay bumaba na ako. Ang dami ng estudyante ang masasayang pumasok sa loob ng malaking gate. Ano kaya ang itsura ni Lewison Writz? Paano ko ba sya makikilala?
Ang dami pang katanungan sa isip ko.
Pumasok narin ako sa malaking gate papasok sa loob ng Vican University. Pakiramdam ko uli ay may nagmamasid masid padin sakin kahit nasa loob na ako."UMALIS KA SA DAAN!"
Napatingin ako sa sumigaw mula sa likod ko. Sh---
Sa lakas ng pagkakabunggo ng motor sakin ay napaupo ako at tumalsik ang bag na nakasabit sa braso ko. Napadaing ako sa sakin ng binti at braso ko dahil halos mapahiga na ako sa sahig.
Madaming estudyante ang lumapit sakin pero wala sa kanila ang may handang tumulong sakin. Halos hindi na ako makatayo. Wait-- sino yung bumunggo sakin? Pinilit ko ang katawan ko na makatayo para harapin kung sino ang bumunggo sakin.
"SA SUSUNOD NA PAPASOK KA DITO, TUMINGIN TINGIN KA SA DINADAANAN MO! HINDI MO BA NARINIG NA MAY PAPARATING SA LIKOD MO O SADYANG BINGI KALANG?" Singhal sakin ng lalaking nasa harap ko.
Lumapit akong dinuro duro sya at sinamaan ng tingin.
"IKAW NA NAKABUNGGO IKAW PA ITONG MAY LAKAS NG LOOB NA SUMIGAW SIGAW!"
Hindi ko makita ang mukha nya dahil sa suot nyang helmet. Wala narin akong pakielam kung ano ang itsura nya.
Hindi na nya pinansin ang sinabi ko at pinaandar ng muli ang motor sabay alis.
Makikilala rin kita kung sino ka!Napadaing akong muli dahil sa gasgas sa braso at sa binti ko. Madami padin ang mga estudyante na nakatingin sakin.
Kinuha ko naman yung bag ko at naglakad na para hanapin ang classroom.Kung sino man sya, bwisit sya!
Nang makarating ako sa classroom, pinagtinginan ako ng mga estudyante at mukhang hindi na sila nagulat kung anong nangyari sa uniform kong nadumihan dahil sa pagkabunggo sakin kanina.
Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto sa braso at sa binti. Pumikit ako at bumuntong hininga.
Nagulat ako ng may biglang kumalabit sakin mula sa likod ko nung makaupo ako sa upuan. Napatingin ako sa kanya.
"Hi! I'm Elisse Bartolome. Are you okay? Kasi napansin ko na ang dami mong galos mula sa braso hanggang sa binti."
Tinignan ko lang sya at muling humarap sa aking lamesa. Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Tumabi naman sya sa tabi ng upuan ko.
"Hey, kelangan mong magpunta sa clinic."
Sabi nya sabay hawak sa kaliwang braso ko na walang galos."Hindi na kelangan. Kaya ko ang sarili ko. Nakikipag-kaibigan ka? Pasensya na pero ayoko makipagkaibigan sa kahit na sino."
Tinignan ko lang sya ng walang emosyon.Bigla syang umalis sa tabi ko. Ang sama ko ba? Ayoko lang talaga ng may kaibigan sa University dahil ayokong may makaalam ng mission ko. Sa isip ko.
Alas dose pasado na ng tanghali at tapos na ang dalawang subject na pinasukan ko. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno sa Vican University. Malaki ang eskwelahan na ito at malaki ang field.
Pinagmasdan ko ang maaliwalas na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Miss ko na si mama at papa. Nagiisang anak nila akong babae at may isa akong kapatid. Hindi ko sya nakilala dahil pinaampon nila mama noong nag-sama sila ni papa.
Maagang nagbuntis si mama kaya naman hindi nila kinaya ang gastusin. Ito ang naging dahilan para ipaampon ang nakakatanda kong kapatid. Pinaampon daw nila ito sa isang mayamang mag-asawa. Hindi raw kasi magka-anak. Lalaki ang nakakatanda kong kapatid at ang natatandaan kong pangalan nya ay Patrick Sinn. Hindi naman daw talaga ginusto ni mama at ni papa na ipaampon. Nangungulila parin sila kay Patrick kahit na isinilang na ako."Hey!"
Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Elisse Bartolome.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit nagiisa ka? Hindi mo manlang ako niyaya." Napanguso naman sya sa harap ko sabay tumabi sakin.
"Sinabi ko na sayo na hindi ko kelangan ng kaibigan." Sabi ko.
Bumuntong hininga sya sabay ngiti sa akin. Alam kong gustong gusto nya ako maging kaibigan pero mapapahamak lang sya sakin.
"Okay lang naman sakin kung ayaw mo sakin bilang kaibigan. Edi bilang kapatid nalang!" Tumawa sya ng mahina.
Inirapan ko lang sya ngunit wala na akong nagawa dahil sa pagpupumilit nya.
Nandito na kami ngayon sa loob ng classroom. Ang dami nyang tinatanong sakin kanina pa pero hindi ko na lamang sya pinansin."Masakit padin ba ang mga braso at binti mo?" Tanong nyang muli sakin.
"Oo." Tipid kong sagot.
May dalawa pa kaming subject na papasukan. Ala una na ng hapon at ala singko naman ang uwian namin.
BOOOOOOOOGSH!
nagulat kaming lahat dahil sa lakas ng pagkakabukas ng pintuhan. Halos masira na ito dahil sa lakas ng pagkakabukas.
"Oh my god! Nandito na sila."
"Ang tatangkad at ang kikisig nila!"
"Ang gwapo ni Holy!"
Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa limang lalaking papasok ng classroom. Ang nasa unahan ay may dala pang helmet---oh wait, sya ba yung nakabunggo sakin?
Bigla na lamang akong tumayo at humarap sa kanila. Nakita ko ang nasa gitnang lalaki na may magulong brown na buhok na halos tumakip na sa kanyang kilay. Kulay brown ang mga mata nito at may matangos na ilong.
Yung ibang kasama naman nya ay halos ayos na ayos ang buhok. Matatangkad sila pero isa lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko. Yung lalaking nakangisi sa harap ko ngayon.
"What are you doing here?" Tanong nya na nakangisi sakin.
"Isn't obvious? Nasa classroom ako para mag-aral at hindi magmayabang. Hindi tulad mo na nakabunggo na ikaw pa galit." Sinamaan ko lang sya ng tingin.
Hindi na nya muling pinansin ang sinabi ko sabay bunggo sakin at pumunta sa dulo sa classroom kasama ang mga lalaking nasa likod nya. Nakangisi silang nakatingin sakin sabay upo sa kanilang mga upuan.
"Patrice! Halika dito!" Hila naman sakin ni Elisse pabalik sa silya ko.
"Sino ba yung lalaking yon?"
Tanong ko kay Elisse na mukhang nagulat sa ginawa ko."Siya si Lewison Writz."
BINABASA MO ANG
Dangerous Woman
Roman d'amourSi Patrice Finn Ackerson ng babaeng noon ay tahimik at hindi makabasag pinggan. Ngunit nagbago ang lahat ng iwan sya ng mga taong sobrang minahal nya. Lumayo ito sa kanya dahil sa isang trahedyang hindi nya gusto pang muling balikan. Saan nga ba nag...