Ayoko na, sawa na ko, pagod na ko.

56 0 0
                                    

Ayoko na, sawa nako, pagod nako.
// Spoken word poetry 14 //

Ayoko na limang letrang nagpatigil sa mundo nating dalawa.
Limang letrang dumurog sa puso nating dalawa.
Limang letrang ayaw natin marinig mula sa isa't isa.
Limang letra pero dinurog tayong dalawa.
Sawa na ko, yun yung mga salitang kahit kailan hindi ko gustong sabihin saiyo ngunit binigyan mo ko ng dahilan para banggitin ito sa harap mo mismo.
Sawa na ko yan din yung mga salitang ayokong marinig mula sayo ngunit narinig ko yan nung may malaman akong may iba kana.
Pagod na tayong dalawa, pagod na ko, pagod ka na, pagod na tayong dalawa pagod na tayong dalawa sa salitang "ayoko na" at "sawa na ko" Pagod na tayong dalawang saktan ang isat isa na tila ba bawat gabi ay umiiyak tayong dalawa dahil lang sa salitang mahal ayoko na.
Pagod na yung puso natin na puro sugat na ang natamo sa pagmamahalan nating isa't isa mahal patawad pero pagod na tayong dalawa kailangan na natin ng mahabang pahinga kung saan ang ikaw at ako ay wala na.

© KG_

--------
Sorry sa update kung maiksi lang hehez support and like this spoken thankyouuuuu happy 2k readers lovelots!

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon