Pangakong napako

89 1 0
                                    

Pangakong napako
// Spoken word poetry 13 //

Mahal naalala mo pa ba yung unang araw na nagkita tayong dalawa.
Mahal naalala mo pa ba yung sinabi mo sakin na ako lang at wala ng iba.
Mahal naalala mo pa ba yung panahong tayo lang dalawa at wala ka pang kasamang iba.
Mahal naalala mo pa ba yung mga oras na tayong dalawa lang ang mag kasama.
Mahal naalala mo pa ba ang istorya nating magkasama.
Mahal naalala mo pa ba yung pangako natin sa isa't-isa.

Mga sinabi mo saking pangako na tila ba napako.
Mahal pangako ikaw lang ang mamahalin ko.
Mahal pangako hindi kita iiwan.
Mahal pangako tayong dalawa lang at wala ng iba.
Mahal pangako tatayo tayo sa altar at mangangako sa isa't-isa sa hirap at ginhawa tayo ang magkasama.
Pero bakit mahal?
Bakit ang pangako mo ay tila nawala nalang ng parang bula. Na tila ba ang pangako mo ay napako na lang bigla.
Mahal naaalala mo pa ba ang pangako natin sa isa't-isa? O ang naaalala mo nalang ay ang pangako nyo sa isa't-isa. Sa panibagong istorya ng aking puso ako nalang ang bida nito at wala ng tayo at sa istorya ng puso nyong dalawa ang bida nito ay ang salitang kayo. Kayo na dapat ay tayo. Pero dyan ka sasaya sa feeling ng iba. Pero mahal kung mangangako ka sakanya. Pakiusap. tuparin mo na.

© KG_
---------
Sorry guys ngayon lang ulet nakagawa hakhak.

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon