Chapter 8

5.6K 62 0
                                        

"Kayo talagang dalawa, oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kayo talagang dalawa, oh. Hindi n'yo na ako kailangang ipaghanda pa dahil lang sa nakatulong ako sa paghahanap ng trabaho," sabi ni Vera habang abala sa pagluluto ang mag-asawa sa kusina.

"Hindi puwede, ano? Pasasalamat na namin sa 'yo ito," sagot ni Francine. Hinawakan siya nito sa braso at pinaupo sa sofa. "Kung ako sa 'yo ay mag-relax ka muna dito sa sofa. Kami na ang bahala ni Miggy na mag-asikaso sa lulutuin."

Sumabat naman ng tanong si Miggy, "Umiinom ka ba, Vera? Gusto mo bang um-order ako ng isang case ng beer?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Isang case?"

"Oo, gusto mo ba? Puwede ko nang tawagan ngayon iyong tindahan sa labas ng subdivision para makapagpa-deliver na tayo."

"Hoy! Huwag na!" Hindi mapakaling humarap siya kay Francine. "Bessy, hindi n'yo naman kailangang gumastos ng ganito. Bakit hindi na lang kayo magtipid at mag-ipon para sa mga susunod n'yong gastusin?"

Pinamaywangan siya nito. "Ano ba'ng sinabi ko sa 'yo kanina? Ang sabi ko ay magrelax ka lang dito." Kinuha ni Francine ang mga photo album na naka-display sa ilalim ng living table at ipinatong sa tabi ni Vera. "O, heto. Magtitingin ka muna ng pictures. Sigurado akong nami-miss mo na ang highschool days natin."

"Sige na nga," sagot niya. Then, iniwan na siya ni Francine at nagpatuloy na sa pagluluto sa kusina.

Maya-maya'y kumuha siya ng photo album at binuklat iyon. Bumungad sa kanya ang pictures nila ni Francine nang lumaban sila ng poster making contest noong third year highschool.

At nagbalik na naman sa kanya ang ala-ala ng nakaraan...


"Grabe, bessy. Napakaganda ng ginawa mo para sa araw ng wika. Sigurado ako na ikaw na naman ang mananalo sa poster making contest na ito," puri ni Francine habang tinitignan ang mga artworks nila na nakapaskil sa bulletin board.

Proud na proud naman si Vera habang naririnig ang papuri nito.

"Thanks, pero hindi ba't maganda rin naman ang sa 'yo? Kung mananalo ako, siguradong mananalo ka rin."

Francine sighed. "Sana nga magka-place ako. E, alam mo naman na first time ko lang na sumali sa ganitong contest. Hindi nga sana ako sasali kung hindi mo ako pinilit."

"Alam mo naman na kaya kita pinilit kasi may talent ka. Hindi mo dapat sinasayang 'yan, ano? Malay mo, maging second placer ka."

"Tapos ikaw naman yung first place, bessy," nakangiting dugtong ni Francine. "Sabay nating kukunin ang trophy sa stage at magpapa-picture tayong magkayakap!"

"Sigurado akong mangyayari 'yan. Think positive!"

Nang dumating ang hapon ay nagtipun-tipon ang mga estudyante sa school gymnasium para parangalan ang mga nanalo sa paligsahan. Kabadong magka-holding hands naman sina Francine at Vera habang naghihintay.

Sinful Heaven 💋 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon