LOVING HER SECRETLY (Short Story)

5.7K 63 40
                                    

               Hi I'm Cris (Di ko tunay na pangalan). I met a girl (Itago natin sa pangalang ) Bea, schoolmate ko. 1st year college ako nung makilala ko siya. Ang bilis ng mga pangyayare at hindi namin inaasahang magkakagusto kami sa isa't isa. Niligawan ko siya for almost 2 months. Hanggang sa dumating yung araw na hinihintay ko October 21 2009 -- yan yung araw na sinagot niya ako.

Masaya, Sobrang saya naming dalawa. Parang perfect relationship na matatawag kahit pareho kaming girl. Maraming tumutol, maraming nanghusga, maraming nagalit sa aming dalawa. Pero hindi kami nagpatalo at hindi kami nagpaapekto. Pinagpatuloy namin ang aming relasyon naging  legal sa family ko pero kahit kelan hindi naging legal sa family  niya. Okey lang sabi ko, hindi ako nagmamadali makapag hihintay yun.Tanging mga kaibigan at kapatid niya lang ang nakakaalam ng tungkol sa aming dalawa. 

Maraming pagsubok ang dumaan, muntik muntikan pa ngang malaman ng family niya about samin. Akala ko mag hihiwalay na kami, nadagdagan pa ng araw araw na away bati, napagod na siya, nagsawa, natakot na tuluyang malaman ng magulang niya pero hindi ako nagpatalo.

Pumayag na lang ako sa gusto niya na wag kami masyado mga pahalata na kami. Tuwing lalabas kami kakain sa mall, magkikita at mag gagala may limitation ng tinatawag. Hindo ko pwede hawakan ang kamay niya, hindi ko siya pwede akbayan dahil baka may maka kita sa amin at makarating sa family niya. Ang hirap mag adjust sa mga gusto niyang mangyare pero dahil mahal ko siya pinilit kong kayanin lahat lahat.

October 21 2011, 1 year na kame. Hindi ko inakala na tatagal kami ng ganun. Ang sarap sa pakiramdam, sa kanya ko lang naramdaman yung tinatawag nilang true love.

Nagpatuloy pa rin ang relasyon namin. 2 years ang 2 months na kami. Ngunit eto na naman may pagusbok na namang dumating, December 2011 nun, nakikipaghiwalay na siya sa akin kasi di na daw niya kaya pagsabayin pag aaral at relasyon namin. Ayoko, ayoko maghiwalay kami. Pero gusto niya talga magisip isip muna cge pumayag ako. Nag cool off kming dalawa. Isang linggo kami hindi nagkita at nagusap. Pero patuloy pa din ako umaasa na magiging maayos ang lahat lahat.

Nakalipas na ang isang linggo nagkita at nag usap kami. Ipinaramdam ko sa kanya na hindi pa din ako susuko kahit ayaw na niya. Pinalakas ko ang loob niya, sinabi ko sa kanya na hindi ko siya iiwan sa kahit anung problemang dumating sa buhay niya. Sinabi ko na wag siyang susuko, lagi lang akong nandito sa tabi niya. Alam kong kaya niya pa, ramdam ko na ayaw niya din akong mawala. naguguluhan lang siya.

Nagdesisyon siya na ipagpatuloy relasyon namin. Nag sorry siya sa akin  at sinabing susubukan ulit naming magsimula. Hindi ko na naman maipalaiwnag yung sayang naramdaman ko nug araw na yun.

Nagsimula kamimg muli, nagpatuloy pa din ang relasyon namin hanggang umabot kami ng 2 yrs and 3 months. Malpit na mag february 2012 nun, umiisip na ko ng magandang surprise para sa kanya dahil malapit na ang valentines day.

Pero isang bagay ang hindi ko inaasahang mangyayare. Nakalipas lang ang isang buwan simula nung muntik na niya akong iwan. Feruary 2 2012 iniwan na niya ako ng tuluyan. Anung dahilan? Yun pa din, di na daw talaga niya kaya pagsabayin relasyon namin at pagaaral niya. Nagalit ako sa halip na intindihin ko siya. Dahil hindi ako naniwala sa dahilan niya. Isa pang dahilan kung bakit ako nagalit dahil hindi siya nakipgkita sa akin para makipagbreak ng  harapan. Tinext niya lang ako na ayaw na niya.

Tinanong ko siya kung may iba na nga ba, ayaw niyang umamin. Patuloy pa din ako sa pag gawa nang paraan para magkita at magkausap kami ng peronal. Pero patuloy din siya sa pagiwas sakin.  Ginawa ko na lahat lahat, text, tawag, at chat. Pero dedma niya lang ako. Wala na nga ba talagang pagasa?

2 months na kaming break, di pa rin ako maka move on. Lalo na at ang daming kumalat na balita na may iba na siya. Yung katotohanan lang naman gutso ko malaman e. Kung bakit niya ko biglaang iniwan.

Hanggang sa dumating yung time na nakasakay ako sa jeep at nakita ko siya magisa. Agad akong bumaba at pinuntahan siya. Tinanong ko agad siya kung kamusta nna siya. Sagot niya ok lang. Sunod na tinanong ko kung ayaw na ba talaga niya. Hindi niya sinagot tanong ko, sumakay na siya sa jeep at bigla na lang ako iniwan. Hindi ko alam san ako pupunta at anung gagawin ko pagkatapos niya ako iwan sa isang tabi.

3 months na kaming break, tuloy pa din ako sa pangungulit sa kanya. Hanggang sa umamin na siya kung anung totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan. Sinabi niya na january 2012 pa lang, na iinlove a siya sa iba. Classmate niya at kakilala ko pa. Iniwan niya ako at pinagpalit sa totoong lalaki. Sinabi pa niya na ngayong alam ko na ang totoong dahilan sana daw matahimik na ko at wag na siyang guluhin pa. Sobrang sakit, pero yun naman ang gutso ko e. Ang malamn ang totoong dahilan.

Pagkatapos kong malaman ang katotohanan nanahimik na ako at di na siya ginulo pang muli. Ang sakit sobra ang hirap mag move on sobrang hirap pala talaga mag let go ng taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo. Pero sabi nila kung talagang mahal mo siya hahayaan mo siyang maging masaya kahit sa piling na ng iba.

I erased her messages, deleted her numbers,  throw all the memories that remind me of her. I'm not being bitter, alam ko lang na makakatulong yun para sa akin.  I don't have to forget her, I just have to accept that she's not mine anymore.

AUGUST 1 2012, 5 months na kaming break. Hindi na ulit kmai nagkita pa at nagkausap. Pero sana pag nangyare yun, matanggap ko na sya bilang kaibigan ko. Ayos na ko, naka move on na kahit papano. Masaya na rin siguro siya. Basta ang alam ko wala akong dapat pagsisihan. Masaya ako dahil nakilala ko siya, at naging parte siya ng buhay ko.

Pero sa totoo lang mahal ko pa din siya hanggang ngayon pero di ko na lang ginustong malaman pa niya. Hindi dahil natatakot akong ma reject niya, kundi dahil nakikita kong masaya na siya sa bagong lovelife niya at ayoko nang manggulo pa.

 I still choose to LOVE HER but SECRETLY.

*Now I'm happy and contented with my life. Single, pero naeenjoy ko naman. :D

-------------------------------------------------------------THE END -----------------------------------------------------------

Kung ikaw anu bang dapat mo gawin.. Ang ipag laban pa rin relasyon niyo kahit na alam mong sumuko na siya? Ipagpilitan sarili mo sa kanya kahit alam mong may mahal na siyang iba? Mang gulo at awayin yung guy na ipinalit niya sayo?

Para sakin, Mas mabuti pang mahalin mo na lang siya nang walang hinihinging kapalit galing sa kanya. :)) Matuto tayong makuntento. Umalis man siya sa piling mo nag iwan naman siya ng mga alaalang siguradong nakapag pasaya sayo.

* Feel free to suggest anything and comment your opinions :) THANKS A LOT...

LOVING HER SECRETLY (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon