Sa saliw ng awitan ng mga kuliglig at palaka
Sumayaw ka palayo hanggang sa bigla ka na lamang nawala
Pinalaya ang mga luha upang sumisiksik sa mga unan
Nananaginip na ang mundo, dilat-mata akong naiiwanSa liwanag ng mga libu-libong alitaptap diyan sa langit
Nilasing mo ang iyong sarili sa hindi mabilang na mga bakit
Walang balak na sumilong sa malamig na yakap ng aking kumot
Walang balak na magpahele sa malamig na boses ng pagkalimotSa paghimbing ng mga alitaptap sa kadiliman ng umaga
Paos na ang mga kuliglig at kahit saan lumingon, wala ka
Pinapaslang ng mga buntong hininga ang mga hikab na walang kalaban-labanHindi ako pinapatulog ng pagkagising mo sa katotohanan.

YOU ARE READING
High School Fairytail
Short StoryChristina "Crissy" Yoshimitsu_cute, beutiful, smart and very palaban na girl Andy lee a massively popular high school hunk na sobra ang hangin sa kokote Matthew Jo the korean balladir na mahilig sa guitar . Super shy yet the has so many admirers. T...