→Chapter 5
Dhaegn's POV
Habang naglalakad ako palabas ng school feeling ko parang may nagmamasid or sumusunod saakin konti nalang kasi ang mga student na nandito dahil kanina pa uwian. Habang naglalakad ako di ko maiwasang mapalingn sa likod kasi feel ko sobrang lapit na saakin nung taong yun.
At hindi nga ako nagkamali, hinila nya ako papunta ng parking lot at sinakay sa kotse nya, gusto ko syang sigawan pero di ko alam bakit di ko magawa. Hinayaan ko lang syang dalhin nya ako sa tambayan namin, oo NAMIN. dito lagi kami nung kasama ko pa sya, sa bundok. Maayos naman ang daanan kaya makakapag drive ka kahit na anong sasakyan.
"A-Agape Mou..."
"Stop calling me that." Mahinahon pero madiin kong sabi
"Pakingan mo muna ako" sabi nya at hinawakan ang dalawa kong kamay pero tinabig ko iyon
"Ano pa ba kailangan mong sabihin huh? Ayos na ehh nakita ko na ang dapat kong makita at narinig ko na ang dapat kong narinig!" Di ko na mapigilan ang pangigilid ng luha ko
"alam kong wala na akong magagawa pero please,let me explain" pagmamakaawa nya pa...
"Ok I'll just give you five minutes" sabi ko at pinunasan ang aking luha na namumuuo sa gilid ng mata ko
"First of all di kita niloko there's a reason why I'm with Liana, kailangan naming bumili ng gamit namin para sa group project kaya magkasama---" pinutol ko sya nang maalala ko nung magkasama sila sa mall
"Ha-ha-ha kaya pala naghalikan kayo sa harap ng maraming tao at sa harap ko pa" kunwaring natatawa ako
"Hindi namin yun ginaw---" pinutol ko ulit sya
"Malakas ka rin ehh no? Kita na ng pareho kong mata kaya wag ka ng magѕinungaling"
Pilit kong inaalala Ang mg kaganapan na nagpadurog ng puso ko, sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na may kahalikang iba sa mall sa harap ng maraming tao at ang masaklap sa harap ko pa. Sinabi ko sa sarili ko na hindi sya yun na hindi Ang taong mahal ko yung kahalikan nung babawng yun, pero wala ehh siya talaga yun. Pinapanalangin ko na sana isang bangungot lang yun na isang masamang panaginip pero hindi totoo parin ehh totoong nangyari yun...
"I'm so sorry Ash please forgive me" sorry?
Hindi ko alam kung totoo ba syang humihingi ng tawad, di ko marandaman ang pagka-sincere ng paghingi nya ng tawad pero nakikita ko ang pamumuo ng luha sa mata nya
"Kung gusto mo sige luluhod ako para malaman mong totoo ang sinasabi ko" dagdag nya pa at lumuhod habanghawak ang mga kamay ko
"Tumayo ka jan di mo kailangan lumuhod" sabi ko at nagiwas ng tingin
"Hindi ako tatayo dito hanggang hindi mo ako napapatawad kahit umabot man ako ng ilang araw dito hinding-hindi ako tatayo" bakit ba pinanganak to na makulit
"Just give me time to think" sabi ko at binawi ang kamay ko sakanya sabay talikod at naglakad palayo.
Bumaba ako ng bundok na yun at pumata ng taxi at umuwi sa bahay namin...
