→Chapter 4
Dhaegn's POV
Nakatayo ako sa hallway dahil sobrang aga kong dumating dito sa school, habang tinitignan ang paligid naisipan kong magkanta...
🎶 lagi nalang ganito, isipan ay gulong gulo
Lagi nalang nabibigo, ngunit ikaw parin ang sigaw ng puso
Ilang liham na sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo🎶
"Drama mo ata ngayon?" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Byronn,isa sa mga kaibigan ni Clyde.
"Hayst wala ka paring pinagbago" sabi ko at pabirong sinuntok ang braso nya
"Ikaw talagang babae ka napaka Amazona mo" sabi nya habang nakatingin parin saakin
"Maganda naman" sabi ko at nagflip hair pa
"Tss" natatawang singhal nya pa
Wala na akong alam na buksan na topic kaya pareho kaming tahimik na nakatingin sa baba kasi nasa third floor ang room ko
"Bakit ka nga pala nandito ehh sa second floor ang room mo?" Tanong ko naman para di masyadong tahimik
"Ehh nakita kita ehh kahiya naman sayo nagiisa ka lang dito" sabi nya pa...
"Tss di ako nagiisa ahh may kasama nga ako di mo lang nakikita pffttt" asar ko pa sakanya kahit alam kong di naman sya takot sa multo
"Alam ko, kanina ka pa nga nya sinusundan sa totoo lang" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya
"WAHHHHHHHHHHH---" pagsigaw ko kaya tinakpan nya agad ang bibig ko
"Biro lang hahahaha" grabe huhuhu akala ko kasi totoo na ehh
"Nye! Hmmf sige na get out shooo!" Pagtataboy ko sakanya pero tinawanan nya lang ako
Pumasok nalang ako ng room at hinalungkat ang phone ko, sa kasamaang palad napindot ko ang folder na ayaw ko ng buksan kailan man. Lumitaw yung mga Video namin ni Clyde, oyy readers baka anong isipin nyo ahh yung kasing mga sweet video namin. Kakaiyak ko lang kagabi iiyak nanaman ba ako ngayon? Hoy luha wag ngayon umaga pa pero kasi naman ehh haysss nakakamiss tuloy yung mga moment na yun pero wala naman akong magagawa past is past.
Wala akong nagawa kaya pinanood ko nalang, di ko pa natatapos yung ikatlong video nagsisipasukan na yung mga gunggong este classmates ko, ilang minuto lang din pumasok na ang prof namin.
Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Discuss. Dismiss.
Agad na akong pumunta ng cafeteria alam ko namang dun lang din ako hinihintay ni Alexa, at di naman ako nagkamali kasi nandun na sya.
"Alexa!" Pagtawag ko dito
"Uyy! Oh halika umupo ka na may ikukwento ako sayo"
"Ano nanamang tsismis yan ahh?"
"Hindi to tsismis gaga! Si Clyde nakita ko sya kanina kakauwi nya lang galing states, gusto ka nya daw makita" O____o
"Letche nya! Manigas sya kakahintay-.-"
Um-order na ako ng kakainin ko at mabilis na tinapos ito, naalala ko nanaman yung practice mamaya hayst bakit ba kasali pa ako dun tss.
***
Pagkatapos ng klase agad na akong pumunta sa music room, pagdating ko nandoon na si Kiro. Umupo lang ako medyo malayo sakanya baka kasi isipin nya na tinatabihan ko sya. Di kinalaunan dumating na din si Ma'am Vien
"Dhaegn! Halika isukat mo nga 'to" sabi ni Ma'am at inabot saakin ang isang pares ng High Heels, feel ko 7 inch ito
"Ok lang naman Ma'am" sabi ko at tumayo ng maayos
"Ahh ok sige walang practice ngayon kasi sunod sunod na ang mga biglaang meeting namin kaya pwede na kayong umuwi" sabi ni Ma'am
"Tss!" Singhal ni Kiro
Hehehe nakalimutan ko kasama pala namin sya HAHAHAHA
---------
FACEBOOK: Anne Jelai D. Quiambao
TWITTER: @ayskrim11
INSTAGRAM: @ayskrim07
Follow nyo nalang po ako. Thanks...
Enjoy reading
