“I’m sorry hija. Ayaw ko sanang ipakiusap sayo to pero di ko na alam anong gagawin ko,” nahihiya at nalulungkot na sabi ng mama ni Paul.
Huminga na lang ako ng malalim. Di ko maitago na ayaw kong mangyari ang gusto niyang mangyari pero wala rin akong magawa. Siya ang mommy ng boyfriend ko at pareho lang namin gusting gawin kung ano ang mas nakakabuti kay Paul. “Sige po tita. Pero pwede po bang humingi ng kakaunting panahon. Pwede bang sa susunod ko na lang na buwan gawin?” pakiusap ko.
Tumango naman siya at nguumiti ng malungkot. “Maraming salamat Ysa. Gusto naman talaga kita para sa kanya. Pero magcocollege na siya. Kailangan niyang pagtuunan ng pansin pag-aaral niya. It’s not that I think that you’re a bad influence on him. It’s just that, parang sayo na umiikot ang mundo niya. Alam mo naman diba na siya ang inaasahan ko ngayon simula ng mamatay ang Dad niya?”
Tama naman si tita eh. Sa akin binubuhos ni Paul ang atensyon niya.
“Ano ba naman Ysabelle!? Magseryoso ka nga! Di ka na nakakatawa,” sigaw ni Paul sa akin. Mabuti na lang at wala masyado tao ngayon dito sa park. Di masyadong nakakahiya tong ginagawa namin.
“Tingin mo ba nagbibiro ako?” galit kong tanong. “Ayoko na! Ano bang mahirap intindihin dun? Nasasakal na ako. Ni hindi nga kita mahal eh!” sigaw ko na rin para maniwala siya.
Napasabunot siya sa buhok niya. “Eh ano yung mga pinakita mo sa akin noon? Arte lang? At kung di mo naman talaga ako gusto ba’t mo pa ako sinagot?” tanong niya.
“Kasi yun ang gusto ng lahat!” sigaw ko. Mukhang nabgila siya sa sinabi ko.
“So everything was just a lie then. The hugs. The kisses. Everything,” he said with sadness and hurt evident in his voice. Kung pwede ko lang sanang bawiin ang mga sinabi ko. Kung sana lang pwede kong sabihin ang totoo. Pero nasimulan ko na. Wala na akong ibang magagawa kundi panindigan at ipagpatuloy to. Kahit kaming dalawa pa ang masaktan. Mas gusto ko pang ako ang masaktan ng todo. Bahala nang masaktan at magalit siya sa akin ngayon. Mas madali niya akong makakalimutan.
She let him go because she thought it was the best for him. He let her go because he thought she didn't love him.

BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceShe gave him up for his own good. Now she's going to fight for him and the chance to be with him again. Even for the last few months of her life.