Ysa's POV
Oras na para sa huli kong klase ngayong araw. Di ko alam kung magsisisi ba ako kung bakit pinilit ko pang mag-aral. Ang sabi ng doctor ko, mas mabuti nang hindi na. Gusto ko lang naman maging normal ang buhay ko sa mga huling buwan nito.
Sampung minuto na lang at lalabas na rin ang klase sa room ng susunod kong klase. Nasan na ba kasi yun si Janelle at Yanna. Si Yanna classmate ko since high school. Si Janelle yung naging kaibigan namin kahapon sa first day ng klase. Ang tagal naman nila sa CR. Baka pag labas nun nakagown na. Ba't kasi isang oras bakante namin bago tong klaseng to.
Tumunog na ang bell pero para lang walang nangyari. Kanina pa kasi nagdismiss ng klase ang mga prof kaya wala ring naglabasan sa mga classroom. Ewan ko lang sa prof nitong klaseng hinihintay kong matapos. Sinagad talaga ang oras. Nakita ko na ring lumabas ng CR sina Janelle at Yanna kaya tumayo na lang ako para salubungin sila. Nag-abang na lang kami sa labas ng classroom tulad ng iba naming kaklase. Sakto pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang mukha na kahit kalian ay di ko inaasahang makikita agad.
"Tangina." Di ako sigurado kung narinig ko ba siyang nagmura o nabasa ko lang sa mga labi niya. Ang dali na para sa kanya na gawin yun. Di naman siya palamura dati eh. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Yanna sa braso. Tumaas naman ang kilay ni Janelle. Nangangati na tong magtanong panigurado.
Ngumiti na lang ako ng tipid. Napilitan naman siyang ibalik yun. Yumuko na lang ako at hinintay ang mga kaklase kong pumasok.
Sa may pader kami umupo. "Ex mo?" tanong ni Janelle. Napapagitnaan kasi nila ako. Tumango ako. "Paano mo nalaman?"
"Obvious kayo masyado. Tinginan pa lang," natatawa niyang sagot. Ang galing rin bumasa ng tao nitong babaeng to. Nakakainis.
Tinapik naman ako ni Yanna. "Okay ka lang?" tanong naman niya.
"Oo naman. Nakamove on na ko diba?" pagsisinungaling ko. Di na ako magkakaila. Di pa ako nakakamove on. Ang hirap kaya. Kahit saan ako lumingon, may alaala niya. OA na kung OA. Pinilit ko naming magmove on eh. Ba't ba ang hirap?
Nanahimik na lang siya. Umirap naman si Janelle. Ganun ba kahalata na nagsinungaling ako?

BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceShe gave him up for his own good. Now she's going to fight for him and the chance to be with him again. Even for the last few months of her life.