Chapter Twenty Two

5.6K 150 0
                                    

- DANIELA -

It's 8 in the morning. I had my daily routine jog and had decided na i surprise si meghan sa bahay nila.

Kumatok ako ng marahan and her mom opened the door. Tumambad agad sa akin ang maganda nitong ngiti.

'' goodmorning daniela napasyal ka? alam ba ni meg na pupunta ka ngayon? tulog pa kasi siya. ''

'' goodmorning din po tita, ahm actually po hindi niya alam '' ngumiti rin ako.

'' so i susurprise mo, katuwa ka talagang bata ka. Sige halika tuloy ka ''

Pumasok na ako sa loob, sa pintuan pa lang ay naamoy ko na ang mabangong sinangag at tocino. Bigla akong nagutom.

I sniffed the scent at napansin yun ni tita Martha (yun yung name ng mama ni meghan) ang pag amoy amoy ko kaya hinila ako nito sa kusina.

'' gusto mo dito ka na mag almusal, tulungan mo na ako maghanda ''

'' sige po '' masaya kong sagot.

Tinulungan ko si tita sa gawain. Masasabi ko na sobrang bait ng mama ni meghan, pati ang ate alexa niya, oo medyo sutil din pero sa kapatid niya lang naman sa ibang tao ang bait din kaya nagtataka rin ang iba kung kanino nagmana ng kasungitan at katarayan itong si meghan.

'' daniela anak, okay lang ba na ikaw na gumising kay meg? '' nakakatuwa naman at ang sarap pakinggan ng pagtawag niya sa akin ng anak. hay!

'' okay po '' sagot ko naman at biglang dumating si alexa na may binili sa labasan, narinig niya ang sinabi sa akin ni tita.

'' mabuti naman at nandito ka daniela dahil kung ako ang gigising sa kanya my gosh mababato na naman ako nun or masisigawan '' ani ni alexa habang ibinababa ang mga pinamili nito.

Natawa ako.

'' hindi naman ganun kasama si meghan ''

'' hay naku sayo lang, may napakain ka ata sa kapatid kong yun na nakakapag paamo sa kanya '' ngumiti ang mag ina.

Napakamot naman ako sa ulo ko, bigla na rin akong nahiya

'' hindi naman po siguro na sa akin lang, anyway akyat na po ako at gigisingin ko na po siya ''

'' sige anak '' saad ni tita martha.

Hay ang sarap talaga sa feeling tanggap kasi kami dito sa family nila, kulang na lang eh ang daddy niya. Hindi pa nila nasasabi maging si meghan dahil hindi rin nila sigurado kung open minded si tito sa ganitong klaseng relasyon.

Sana naman okay lang din sa daddy niya dahil kung hindi dalawa sila ni dad na magiging problema kapag nagkataon.

Umakyat na ako sa hagdanan at dahan dahan ko binuksan ang pintuan. I tip toed going to her and saw her still snuggling in  her pillow.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha nito. Mukha talaga siyang anghel pwera na lang kapag gising na ito, pero para saakin she's the kindest and the most lovable person I've ever met.

Hinawakan ko ang pisngi nito and trace it with my fingertips. Medyo gumalaw ito pero hindi pa rin nagigising.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya and kissed her cheek twice.

'' baby wake up '' bulong ko sa tenga nito.

Wala pa rin mahimbing pa rin ang tulog so I tried once more bumulong ako ulit.

'' megmeg gising ka na po '' at hinalikan ko ulit pisngi niya. At ng wala pa rin talaga I kissed her lips, ang bango ng hininga niya kahit tulog pa ito at hindi pa nagto-toothbrush.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon