- MEGHAN -
'' meghan ano ba ang bagal mo naman eh matatapos na ang try out ng volleyball naroon pa naman si Daniela '' saad ni Marcus habang pilit na hinihila ang braso ko.
'' ay di tumakbo ka na at iwanan mo na ako kesa naman talo mo pa ang babae sa pag iingay mo, akala ko pa naman si serena ang pupuntahan natin, narinig mo lang pangalan ni daniela eh para ka ng timang dyan na hindi mapakali ''
'' bahala ka nga diyan!!! '' at iniwanan nga ako, parang tanga talaga yun.
Nakakainis pa at crush na crush si dandan walang araw na hindi nagpapapansin. Nakikipag sabayan pa sa ibang mga lalaking akala mo hinuhubaran kung makatingin, mga bwisit!
Dali dali ko namang tinungo ang gym, yung iba kong mga friends ay nauna na iniwanan nila ako kasi hindi naman nga raw ako sumasama kahit maging supporter man lang kay serena ang captain ng volleyball team, ang init kaya and I'm not into sports pa so ano bang iexpect nila sakin, ang hirap lang ipaintindi.
'' himala ata nandito ka '' saad ni Mark na ngingiti ngiti pa, kaloka talaga tong baklang to hmp.
'' sa wakas naman at nakarating ka, 3 years din kaming naghintay sayo ha '' pang aasar pa ni Anabel.
'' isa pa aalis na tuloy ako, hindi niyo man lang naappreciate ang pagpunta ko dito nang aasar pa kayo dyan '' naiiyak ko namang sagot sakanila.
'' aalis na ako '' pero hindi talaga nila ako pinapansin, grabe talaga tong mga ito.
'' hoy! '' aba wala pa rin nakatitig lang sila sa naglalaro at nakahawak pa ang kambal sa mga bibig nila.
Sa inis ko humakbang na talaga ako palayo ng sumigaw ang apat kong kaibigan, nangingibabaw ang boses ni marcus.
'' Daniela!!!! '' kumakaway sila pero hindi ata narinig ni dandan at hindi ito lumingon.
'' Danie!!!!! Serena!!!! '' nakakabingi naman ang mga boses nito pero ayun sakto naman sabay lumingon ang dalawa at kumaway.
Napatigil naman ako sa paghinga ng magtagpo ang mga mata namin. Pawisan na siya pero ang ganda niya pa rin. Naka ponytail ang buhok niyang mahaba at wala na ring make up. Bagay na bagay rin sakanya ang blue o minsan naman pink or yellow na uniform hay. Ewan ko nga rin ba at bakit ang dami nilang uniform.
Kumaway sakin si dandan at ngumiti ganun rin naman ako pero shit ang puso ko mahuhulog na, sabay hawak ko sa dibdib.
'' ngiti ba yang nakikita ko sa labi ng mahal ko? '' sino naman kaya tong kumag na to at pasira ng moment.
'' ano ba? '' sabay irap ko dito, si dominik pala mas lalo tuloy akong naasar.
'' eto naman sayang naman yung ngiti mo nawala agad ''
'' dumating ka kasi!!!! ''
'' dominik ano na namang ginawa mo sa kaibigan namin? '' tanong ni serena na papalapit na sa amin. Tapos na pala ang try out? ang bilis naman ata. Nasa likod naman niya si dandan.
'' wala naman tinatanong ko lang naman si mahal eh '' nagpanting ang tenga ko pati kilay ko ay tumaas.
'' pakiulit nga? ''
'' mahal ko ''
'' bwisit ka talaga kapal naman ng mukha mo, umalis ka na at babatukan talaga kita ''
'' boyfriend mo meghan? '' tanong ni dandan.
'' Ha?? HINDI AH FEELING LANG NIYAN EH '' sabay bato ko ng bag kay dominik, tumawa lang ito at yumakap sakin. Napatingin ako kay dandan pero umiwas ito. Siniko ko naman si dominik, yakap yakap pang nalalaman..kadiri!
Galit ba sya?
'' guys una na ako, denton is waiting for me ''
'' wait daniela ''
'' yep? ''
'' congratulations you made it! '' ngumiti naman ito kay serena.
'' aye aye captain '' sumaludo siya bago umalis.
Umalis na si daniela hahabulin ko sana siya pero nakorner na ako ng mga kaibigan ko. Ano ba yan naiiyak na ako, dandan naman eh.
- DANIELA -
Napagpasyahan ko na mag try out sa volleyball tama naman si tonton hindi talaga ako mabubuhay ng walang sports.
Umaga pa lang pumunta na ako kay coach para sa pag try out at napag alaman ko na si serena pala ang captain dito so natuwa naman ako atleast I know one na sa mga members, ang hirap kaya kapag baguhan ka diba, alam niyo yan.
'' pumupunta ba si meghan dito kapag nagpapraktis ka? ''
'' hindi, wala kang aasahan sa babaeng yun pag dating sa sports, beauty and brain lang talaga yun pati nga ugali tyempuhan pa '' tumawa ito habang nag i-stretching
'' ah I see '' yun na lang tuloy nasambit ko nalungkot kasi ako bigla ng malaman kong hindi siya nanunuod.
Nagsimula na ang laro, kakampi ko si serena, una siyang nag serve at yun pasok pero magaling rin talaga kalaban namin so naging mahigpit ang labanan.
Next ako naman dahil matagal na akong naglalaro kabisado ko na ang bawat galaw ng kalaban at papano ko titirahin ang bola, ayon pasok ang pag spike ko.
Nag rest lang kami ng kunti, ang pagod na rin kasi at kailangan ko na rin magpunas ng pawis.
'' Danie!!! Serena!!! '' may tumawag saamin, lumingon kami pareho at nakita naming kumakaway ang mga kaibigan namin at sa gilid naroon si Meghan nakatingin.
akala ko ba hindi siya pumupunta dito?
pero natuwa talaga ako ng makita ko siya, ngumiti ako at ganun rin naman siya.
ano ba tong nangyayari saakin, attracted ba talaga ako sakanya? pero babae siya eh.
Tapos na laro namin and included na ako sa varsity team, tiningnan rin kasi ni coach ang papers ko at yun nga nalaman niya na I was the captain and mvp in my former school. I do play also basketball or even tennis, galing ko diba pero hobbies ko lang naman talaga yun.
Kinuha ko na ang bag ko at nagpasalamat kay serena dahil hinintay niya ako. Pero nakita ko na may kausap na lalaki si meghan at mukhang hinaharot siya nito. Naramdaman ko na uminit at kumulo ang dugo ko.
sino ba tong kumag na to?
ah so dominik ang name niya.
hindi naman pala siya boyfriend pero kung makadikit parang sila na, asar!
mahal? tinawag pa niyang mahal si meghan. Ayyy hindi ko na talaga kaya naaasar na ako hindi ko na tuloy matingnan si meghan sa mata kaya nagpaalam na lang ako.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETED
RomanceMeghan - Ano nga bang masasabi ko bukod sa naiinis ako sa kagandahan ng babaeng transferee na ito? eh wala na wala na akong maisip bahala na lang kayong kilalanin ako at basahin ang kuwento na ito, tsk basta yun na yun tapos! Syanga pala BABALA HU...