The Beginning

402 5 0
                                    

Umiiyak siya at nilalamig habang naghihintay ng masasakyan nang may marinig siyang mga lalaking nagtatawanan, agad niyang pinunasan ang luha at tumahimik.

"ahm, bata okay ka lang ba?" biglang may lumapit sa kanyang lalaki.

Hindi nya pinansin ito at tumingin sa ibang direksyon.

"ahahahaha, hindi ka pinansin bro" sabi ng kasama nitong naka-blue.

Pero hindi pinansin ng lalaki ang pagtawa ng mga kasama nito,"masyado ng gabi, bakit andito ka pa? May hinihintay ka bang sundo?"

"meron kaya umalis na kayo" pagtataray ng bata.

"woah! suplada... haha" sabi naman ng lalaking may hawak ng bolang pangbasketball.

"tara na bro, may hinihintay nman pla siyang sundo nya e" lalaking naka-green na jersey.

"sige, mauna na kayo. Dito muna ako" sabi ng lalaking nasa harapan ko.

"o sige bro, hahaha, masyado pa yang bata, haha" sabi ng naka-stripes ng blue at gray.

"oo nga, makakasuhan ka ng child abuse dyan, wahahahaha" naka-red na jacket. Tawanan lahat ng mga kasama nya habang umaalis.

" mga sira ulo talaga yung mga yun," tapos tumingin sya sa akin, "samahan na kita ha? Pass 10 na ng gabi andito ka pa, ihatid nalang kita sa inyo," at umupo siya sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya at napatitig. Meron siyang napakagandang mata, na kulay blue, ngayon lang ako nakakita sa personal ng ganung kulay ng mata at ang ganda. Meron din siyang manipis na labi na nakangiti sa akin ngayon at...

"ehem, hmmmm" sabi nya.

Nahiya naman ako bigla kaya tumingin ako sa ibang direksyon.

"bakit nga pala andito ka pa?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"late kasi kami ulit na pinalabas ni ma'am kaya naiwan na naman ako ng service namin. Naghihintay ako ng bus ngayon para maka-uwi" sabi ko.

"ganun ba?," tapos naramdaman ko nalang na may nilalagay siyang jacket sa likod ko, "isuot mu" yung klase ng tono nya e parang nag-uutos.

Isinuot ko nalang yung jacket kasi nilalamig na talaga ako.

"sabi mu 'nanaman' ibig sabihin nun halos araw-araw kang nagagabihan sa paghihintay ng masasakyan mu?" seryoso nyang tanong habang nakatitig sa akin.

Naiilang ako sa klase ng pagtitig nya sa akin kaya napayuko nalang ako at nilaro laro ko yung dulo ng jacket nya na nakasuot sa akin.

"oo, palagi kasi akong naiiwan ng service namin, natatakot kasi akong maglakad pauwi na mag-isa kaya naghihintay nalang ako ng bus. Wala pa ngang dumadating e" sabi ko.

Nabigla nalang ako nang bigla siyang tumayo at kinuha yung bag ko, "tara, ihatid na kita sa inyo, baka walang bus na darating ngayon kasi hindi pa naaayos yung daan papunta dito"

Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako para tumayo tapos naglakad na kami pero hawak nya pa rin yung kamay ko. At habang nakasunod ako sa kanya, napagmasdan ko yung likod nya. Matangkad siya at malapad ang katawan, malaki din ang pangangatawan niya, sa tingin ko e lima o anim na taon ang agwat namin.

Teka nga, hindi ko pa pala siya kilala, "aahhhmm, sino ka nga pala?"

Tumigil siya at tumingin sa akin at sa napakaseryosong boses sabi nya, "i'm your protector, my princess"......................

***author's note***

Pagpasensyahan nyo na kung hindi masyadong maganda yung simula pero I will give my best para maging maganda itong story na ito, hehe...

Salamat sa lahat ng nagbasa nito, sana keep on reading and waiting (wink) for my updates.... XOXO

You're mine.....foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon